"Tom, what time are we gonna be able to get there? Hindi ma masyadong traffic? Baka matapos na ang filming ni Aliyah," Prince Kairo is too excited to see his fiance. Hawak niya ang isang box ng special na kakanin mula sa mga taong binisita niya sa kabundukan.
"Ten minutes po," sagot ng driver niyang si Tom. "Hindi naman po masyadong malayo, medyo nahihirapan lang po dahil nga traffic," he sighed at that answer.
Prince Kairo ended his visit earlier to surprise Aliyah. Gusto niya sana na bisitahin naman si Aliyah sa mga shoot niya kasama ang mga kaibigan nila. He really enjoyed being with them a lot and he randomly had an idea to visit. Tutal naman daw ay hindi naman na siya kailangan sa may bundok.
He started to fidget. Biglaan siyang nakaramdam ng kakaibang hangin, parang nangilabot siya sa kaba. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, pero parang natatakot siya bigla. At kapag nangyayari ito, isa lang ang ginagawa niya. He pulled his phone out of his pocket and immediately typed to sent to Aliyah.
"Love, how are you?" he was about to send it but a random notification on his phone popped up. He can read only the first few words.
It said, "Prince, Aliyah was kidnap-" and it was commented on his posted photo.
The next one suddenly showed, "Aliyah was taken by her stalke-" napalunok siya nang mabilis sa nabasa niya. He immediately opened his social media account only to be bombarded by all the posts and comments about Aliyah Grace being taken by her stalker. Nakita na rin niya ang trending topics world- wide at sa pinaka tuktok nito ay ang trending topic that said "Aliyah stalker".
"What the f*ck?" the colors were gone from his face. Hindi na niya napigilan ang sarili sa pagmumura, "Someone, go connect with Dusk right now!" he ordered. Without even waiting for ten seconds, he heard a very deep sigh. "Anong nangyari? " he asked.
"Your highness, Sir Dusk's line was being connected to somebody else. I think he's in a call right now."
Napahilamos siya nang palad sa kan'yang mukha. Ang tanging naiisip na lang niya ngayon ay tawagan ang isa pang sigurado niyang kasama ng nobya. He dialed Dan.
Tatlong ring lang at mabilis itong nasagot ng ngarag na assistant, "Hello po?" her trembling voice said a lot to the Prince. He instantly rolled his eyes and sighed really deeply.
"Please tell me that I have read all those trending topics wrong. Nasaan si Aliyah?" he clenched his jaw so hard as he waited for the response that he was hoping for but he heard nothing but grunts on the other end.
"Dan, please tell me the whole situation right now, ayaw kitang pagbantaan. Parang awa mo na, balitaan mo ako, hindi ko kaya nang ganito na wala akong kahit na anong information sa kung ano ang nangyayari sa kan'ya d'yan!" napapatingin na sa kan'ya ang mga body guard niyang nasa may harapan ng sasakyan dahil sa malalakas niyang pag suntok sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.
"P- Prince Kairo," sa kabilang linya ay hindi na malaman ni Dan kung uunahin ba niyang umiyak muna, tulungan si Tyler o kung mas pipiliin niyang masigawan ng Prinsipe. But she did her best to let the Prince get a grasp of the whole situation. "Hindi ko na po itatago sa in'yo ang buong kuwento, at hindi ko na rin po muna makukuwento nang buo sa ngayon. Pero hinahanap po namin si Aliyah dito sa buong building dahil bigla na lang po siyang nawala at si Sir Tyler po natagpuan pa lang namin dito sa elevator at kakagising lang niya dahil inatake raw po sila. At sa tingin po namin 'yong matagal na po niyang stalker ang may kagagawan nitong lahat. Wala pa rin po kaming balita sa nangyayari ngayon, wala pa rin po siya," she started to sob.
Prince Kairo bit his lips so hard. Napapikit na lang siya habang humihinga nang malalim.
"I need you to give me the location, send a gps marker to me directly, right now. Do you understand me, Dan?" he pulled himself together. Pinilit niya munang hindi mag panic.
"Opo- opo, ngayon din po, ise- send ko na po ang location ko. Sandali lang po," lumingon- lingon si Prince Kairo sa paligid niya at lalong kumulo ang dugo niya nang makita niyang sobrang siksik pa rin ng mga sasakyan at hindi umuusap ang lagay ng trapiko. He can see seven vans of royal guards surrounding his own vehicle and they can't all get out of this traffic sooner.
Pag tunog pa lang notification sa phone niya, hindi na siya napakali. He got the specific location from Dan.
"We need to run to there, magiging mas mabilis," sabi niya sa mga nasa sasak'yan niya.
"Prince Kairo, hindi po natin puwedeng gawin 'yon," he's not hearing Tom. He's already removing his suit and only wear his plain white shirt with his tan colored pants. He even pulled a cap on his side to wear over his head. Kahit pa ano ang mga pangaral na naririnig niya sa pinuno ng mga tagabantay niya na si Tom, wala siyang inaalala kung hindi si Aliyah na nawawala.
"Prince Kairo, hindi po tayo puwedeng tumakbo papunta roon delikado po para sa in'yo-""
"Aliyah, your future Princess is missing right now. May chance na natangay siya nang isang stalker. And you want me to sit here and wait until this traffic clears out when I know good enough that I can run to there and take me a few minutes?" he's fuming right now. "Ang dami- dami nin'yo tapos ang sasabihin niyo lang sa akin, delikado na tumakbo papunta roon?"
"Prince, please-"
"F*cking stay here then!" he screamed.
Prince Kairo pushed his door open. Hindi niya iniinda ang kahit na anong idikta sa kan'ya. He ran out of there as dast as he can. Parang mga langgam na nagsilabasan ang batalyon ng royal guards na nagsilabasan din sa mga sasakyan nila. Halos tig anim na mga lalaki ang lumabas sa pitong mga van na para lang sa proteksyon ng mahal na Prinsipe. Hindi na nila nagawang I-park man lang ang mga sasakyan dahil kailangan na nilang sundan si Prince Kairo na tumatakbo sa harapan nilang lahat.
"The Prince is on foot!" isang sigaw lang ni Tom sa intercom at wala na kaagad nag alinlangan na sumunod. He did not even need to order them of what to do.
"Anong nangyari?" pasigaw na tanong ni Ken, ang isa sa mga lalaking nasa ibang sasakyan.
"He heard about Aliyah being missing or potentially being kidn*pped by a stalker, hindi niya na napigilan na lumabas kahit na ano pa ang sabihin ko sa kan'ya na hindi puwede," sagot naman ni Tom.
"Oh f*ck," the other one murmured. "Kaya naman pala hindi mapakali at ang bilis ng takbo!"
"T*ngina mo, Ken, bilisan mo na lang na tumakbo! Ang dami mo pang sinasabi, baka malapit na tayong makatay nang hindi pa natin nalalaman dahil dito sa nangyayari ngayon!"
Dahil sa napakaraming makikisig na lalaking nagsisitakbuhan sa kalsada at nakikipaglaro ng patintero sa mga sasakyan. Mabuti na lang din at hindi makagalaw ang mga ito dahil sa bumper to bumper na traffic. They weaved through each car so fast that everybody's attention was focused on them.
"Pa, nakita mo ba 'yong mga 'yon?" one teenage girl asked her father. Sila nakaupo sa sasakyan na dinaanan ng sandamakmak na mga kalalakihan. "Sa tingin ko nakita ko si Prinsipe Kairo! Parang siya 'yong hinahabol nila, Pa! Tignan mo, bilis!" tili niya pa.
"Nako April, manahimik ka nga. Nasosobrahan na 'yang pagkaka- adik mo sa prinsipe na 'yan. Hindi lahat ng makikita mong lalaki na- aba'y bakit ang daming mga nakasunod nga sa kan'ya, ano?" the old man pulled out his phone to film. "Nako kailangan kong video- han ito dahil bebenta ito sa news company ng mama mo!" siya naman ngayon ang tinignan nang masama nitong anak niya.
"Bakit sila tumatakbo naman?" the girl named April asked herself. Mabilis niyang binuksan ang social media app niya upang tignan ang mga nangyayari online at halos lumuwa ang mga mata niya nang makita na trending ngayon ang balita na nawawala si Aliyah Grace. She immediately started to sob.
"Nawawala si Aliyah Grace!" she yelled. "Nawawala si Aliyah! Kaya siguro sobrang pagmamadali ni Prince Kairo hindi na nila nahintay na umusad ang mga sasakyan!" her sobs started to get louder.
"Nako April bakit ka ba ngumangawa r'yan? Hindi naman ikaw ang nawawala, anak!"
"Pa, hindi mo ba nakita? Nakaka- touch kaya, sobrang bilis ng takbo niya. Hindi na niya inisip ang sarili niya kahit na Prinsipe siya, para lang mabilis na mapuntahan si Aliyah. Ang sabi kasi online naroon siya sa may studio. At tignan mo, papunta roon sina Prince Kairo! Nakaka- iyak na nga na nawawala si Aliyah, mas nakakaiyak pa na makitang sobrang pag aalala ni Prince Kairo!" humagulgol na naman siya habang itinututok sa kan'ya ng kan'yang ama ang camera dahil sa nakakaaliw niyang ekspresyon.
This is the same video that got shared all over the internet within seconds of sending this to the head editor at a news company who happens to be the girl's mom. Wala pang dalawang minuto at sumabog na ang views nito. People now had a confirmation video that their favorite idol is really missing and now even the Prince himself was alarmed to run that far. Nag aalala ang buong bayan dahil dito.
Nang makarating si Prince Kairo sa labas ng building nitong recording studio, naabutan niya ang lampas sa limang mga lalaking nakikilala niya. They all looked extremely stressed out. Pawis na pawis na nga ang mga ito at tumatagaktak ang mga pawis pababa sa kanilang mga panga at baba.
Ngunit nang makita nila kung sino ang lalaking kararating lang, walang pag aalinlangan na yumuko ang mga ito upang mag bigay galang sa Prinsipe na nag tanggal ng kan'yang suot na kupya.
"Is that the Prince?" the crowd started to realize who just came with a full on army lining up behind him.
"Oh my goodness, siya nga 'yan! Pumunta siya rito para kay Aliyah?" tanong ng isang ginang.
"Ahh! Prince Kairo!" may isang tili lang nang tili ng pangalan ng Prinsipe at tila yata hindi naiintindihan kung ano ang nangyayari sa pagkakataong ito dahil puro na lang siya sigaw na para bang nakakita siya ng pagkakataon para makapagpapirma ng autograph o magpa- picture.
"Manahimik ka nga Anabel! Alam mo bang baka maipasara itong buong studio natin dahil lang dito nawala si Aliyah Grace? Naririnig mo ba ako? Si Aliyah Grace, nawala sa building natin!" it was the Director who was working with Aliyah earlier, right before she vanished into thin air.
"Ano naman ang kasalanan natin doon? Nawala siya sa building, hindi naman tayo ang may kasalanan kung bakit nawala siya, hindi ba? Bakit naman tayo ang mapapahamak?"
"Hindi mo ba naiintindihan kung ano ang nangyayari ngayon? Nawawala si Aliyah at ang iniisip nila, nakapasok dito sa studio ang stalker niya. Sige nga, isipin mo kung papaanong may nakapasok sa studio nang hindi natin nalalaman?"
Anaber scoffed, "Kasalanan na ng security 'yon, bakit tayo ang may mali?"
The director rolled his eyes, "Madadamay ang lahat dito. So I think you need to be praying right now. Dapat mag dasal ka na makita na nila si Aliyah at hindi siya nasaktan. Dahil nasaktan na nga si Prince Tyler, sa tingin mo ba kung masasaktan din si Aliyah, mapapatawad pa tayo ng buong Aztariya? We are doomed. Mawawalan na tayo ng pangkabuhayan. Mag tino ka d'yan!"
Hindi iniinda ni Prince Kairo ang lahat ng mga bulong- bulungan ng mga nakapalibot sa kan'ya. Sinimulan na niya ang mga kailangan niyang gawin upang mahanap nang mas mabilis si Aliyah.
"I need a report, nasaan ang leader nin'yo?" he asked.
"Prince Kairo, Sir Dusk is inside, palabas pa lang po sila kasama sina Sir Tyler, dahil inatake nga raw po ng isang lalaki. Habang hinihintay raw pong lumabas ni Sir Tyler sa recording booth si Ma'am Aliyah dahil nga patapos na siya, may lalaki raw pong nasa may dulo ng hallway at hindi naman po niya pinag- isapan nang masama. Ngunit nang magkasama na raw silang dalawa sa labas ng pinto ay biglaan na lang siyang inatake no'ng lalake. Napalo raw po siya sa ulo at panandaliang nawalan ng malay. Sa pag-gising niya ay at naiwan na lang siyang nakahiga sa may elevator, he thinks that he was dragged in there dahil wala na raw po sa ala-ala niya kung ano na ang mga sumunod na nangyari."
"Sigurado ba kayo na hindi pa nakalabas dito ang lalaking 'yon?" umuusok ang ilong ni Kairo habang inaaral niya ang buong building, he's checking out how tall it is and all the possible exits that he can see in his peripheral.
"Opo Prince Kairo, masyado pong mabilis na napansin ni Miss Dan ang pagkawala ni Miss Aliyah kaya hindi na nila pinatagal ang paghahanap. Nang malaman ni Sir Dusk, inutos na po niya kaagad sa amin na isara at harangan ang buong lugar. Kaya po wala pang lampas sa dalawang minuto ang lahat ng nangyari ay sarado na lahat ng mga puwedeng puntahan. May bantay na rin po lahat ng exit."
Prince Kairo turn around and ordered all his men, "You all better run in there and find Aliyah in that place whatever it takes. Wala akong pakialam kung kailangan nin'yong pag pira- pirasuhin itong buong lugar para lang mahanap niyo siya. I need her to be out here safe, immediately."
"Prince Kairo," lumapit sa kan'ya si Tom. "I will lead the search inside. We need to secure your safety, so please while we search for Lady Aliyah, we need you to stay here with Nad."
Natahimik si Tom sa matalim na tingin sa kan'ya ni Prince Kairo, "No, I wont just stay here and do nothing. Stop me one more time and I will be forced to threaten you with my power. Please don't let me get there," his eyes slowly landed on Tom's feet and he immediately moved away. "Go! And find her!"