Chapter 64: Gone

2310 คำ
"You need to get a little bit more firm when you are reading this line that is about anti- bullying. You have to make sure that the kids would understand that it is wrong to do so. Be firm with it, Aliyah. Hindi naman kailangan na parang galit, pero kailangan maipakita mo sa kanila na maling- mali ang gawin 'yon kahit na by this time ang ipapakita lang natin ay animations sa pagitan ng part mo. The students would know that it is you, and if they know that you don't like it, they would understand how bad it is, do you get why I mean?" "Sorry po Sir, medyo nahihirapan lang po siguro ako na gawing ganoon ang tunog ng boses ko. I'd like to try one more time po," magalang na nag bow si Aliyah habang pinapanood siya ng mga taong nasa kabilang kuwarto. The clear glass wall in between them and her friends separates her as she's inside the recording booth for her newest infomercial. She did a ton of voice overs already. Hindi na nga niya mabilang kung pang ilan na ito ngayon. Pati ang mga nasabi na niya sa shoot niya nang live, ginawan pa rin niya ng voice over para lang makasigurado siya na malinaw ang lahat at kung kailangan man nila ay mayroon na kaagad magagamit ang mga editor. Needless to say, she is already exhausted. Her voice is sounding a little bit hoarse and it is bothering her. Dan can easily see it in her eyes. The hardworking woman would do that to herself, of course. Siya pa nga ang nag kusa na ulitin ang mga voice overs noong iba na hindi naman na hinihingi sa kan'ya. Kaya lang nang mapansin ni Aliyah na hindi masyadong maganda, siya mismo ang nagsabi na uulitin nila. Ngayon, itong nag iisa na lang na kailangan niyang I-record, hindi na niya makuha- kuha. Nanghihina na ang boses niya. To calm herself down, she drank a sip of her room temperature water. And took a few seconds to breathe. "Ready na po ako, Sir, Direk," she then said with a smile on her face, the purest one. Wala pa ring kahit na anong bahid ng pag rereklamo sa mukha niya kahit na makikitang napapagod na siya at pinagpapawisan. Hindi naman kasi isa sa mga mamahaling projects itong ginagawa niya. She's doing this for almost nothing. Siyempre pati ang studio na ito ay hindi rin ganoon ka- advance. Mainit sa loob kuwarto, pero sige lang siya sa pag ngiti at pagbubuhos ng lahat niya. Nang makita niya ang thumbs up na hudyat para mag simula na siya sa pagsasalita, huminga muna nang malalim ang dalaga. She focused on the script written for her and she did her best to follow what was requested from her. "Ang bullying ay isang anyo ng intimidation kung saan ang isang tao ay minamaliit, nananakot, o nanakit sa ibang tao gamit ang pagtawag ng kung anu- anong pangalan, pangungutya, pagpapakalat ng tsismis, at pati ang pagbubuhat ng kamay sa iba. Hindi ito magandang gawain at hindi magandang gawain lalo na ng mga bata. 'Wag na 'wag kayong gagawa ng makakasama sa kapwa nin'yo-" she went on and on. Delivering every line with so much emotion and passion. And when she finished, she got the approval of the crowed with a loud applause. She felt the sense of accomplishment engulf her. And suddenly all her fatigue was lifted. "We are all done now, Aliyah. Thank you so much for your hard- work. Kahit na hindi naman sobrang laki nitong project na 'to, I can tell that you really gave your all. This means a lot for us. Talagang hindi mo lang alam pero sobrang laki ng tulong mo. Just by accepting this project, you gave us the biggest success rate and we haven't aired any of it yet. This is huge for us," Director Shay said. His eyes are a bit watery. Hindi pa nakakalabas mula roon sa may booth si Aliyah, ngunit sobrang damang- dama niya ang laki ng pasasalamat nitong mga staff sa kanila na nagbo- bow sa harapan niya. "Hindi po-" her voice was hoarse. "I believe in this project. Malaki po ang magiging tulong nito kahit na may isang bata lang na matulungan, sa tingin ko sobang worth it na po no'n. Sa totoo lang po, hindi talaga ako ang tumanggap nitong project dahil hindi naman po sa akin dumadaan ang lahat. But my manager saw this and she thought it's important. I couldn't agree more. Kaya po sana talaga lumaki sakop ng infomercial na ito," Aliyah said. Habang tumatagal ay mas lalong nawawalan na siya ng boses. "Nako, hindi na po muna ako dadaldal at nawawalan na ako ng boses," sabi niya pa habang natatawa. "Hala, nawalan na siya ng boses," malungkot na bulong ng isang babae na kasama sa mga staff. Dan giggled, "'Wag po kayong mag alala, hindi po mag tatagal at babalik din 'yan. Mamayang gabi lang din po," she tried to assure the people with them because she knows that if she did not step in, Aliyah would probably try and talk more just to make sure that they don't feel bad about her condition. "Talaga po ba?" tanong muli nito. "Nako po, baka magkaroon ng problema sa iba niyo pa na mga shows." "Hindi po, don't worry," sagot naman ni Ira. "Kaunting inom lang po 'yan ng salabat. Hindi naman po masyadong malala, tignan niyo nga po at nakangiti pa rin siya roon sa loob, " itinuro ni Ira ang boss niya. "Hoy, halika na rito," she dropped the formalities. "Labas na r'yan," she told her. "Sana nga po hindi na maging malala," the Director sighed. "Ngayon pa lang kami nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang isang kilalang artist kagaya ni Miss Aliyah Grace. Sobrang laking honor talaga para sa amin na mabisita niyo kami rito. Lalo na po kanina na narito si Prince Tyler." Nang sabihin ng lalaki ang pangalan ni Tyler ay napalingon sa paligid si Dan. Nakita niya roon sina Dusk at Dawn, ngunit wala si Tyler. She turned to look at Aliyah but she's already out of the recording booth. Hindi na niya ipinaalam sa mga kasama niya na lalabas siya dahil gusto niyang siliin si Aliyah. Nasa kabilang kuwarto lang naman siya. Pag labas niya sa pintuan ay makikita na niya ang nilabasan nitong alaga niya. Ngunit nang makalabas na si Dan mula sa kuwarto, halos nalaglag ang kan'yang panga. "Aliyah?" she called. Walang sumagot. Naglakad siya patungo sa kabilang kuwarto at pumasok na nang tuluyan sa recording booth, walang tao. With so much worry written all over her face, she knocked at the glass window. Humarap sa kan'ya ang lahat at kitang- kita niya ang takot sa mga mata ni Ira nang sabihin niyang, "Nasaan si Aliyah?" mabilis pa sa kidlat kung tumakbo sina Dusk at Dawn palabas. Ira rushed over to Dan, "Nawawala siya?" sigaw nito. Dan shrugged, "Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sana naman nasa CR lang, 'di ba? Can you check on the other end, I will check on this side," hindi na sumagot si Ira at tumakbo na lang ito sa kabilang banda kung saan itinuro ng kaibigan niya. She ran as fast as she can to the nearest comfort room. "Aliyah? Please naman sumagot ka, Diyos ko po. 'Wag ka naman sanang manakot nang ganito," sigaw niya. Nothing but silence. She can already feel the chills running down her spine. It's making her shiver. Sa loob lang ng isang segundo ay hindi na niya mahanap si Aliyah. "What the f*ck? Saan ka napunta? Isang pintuan lang ang pagitan natin? Tatlong hakbang lang!" isinisigaw niya ang lahat habang patuloy pa rin siya sa paglibot ng kaliwang bahagi nitong floor habang si Ira naman ang nasa may kabilang dulo, nakikita niya rin na wala siyang kasama at nababaliw na rin sa kabubukas ng mga pintuan. Dan opened one door and she saw three men who seemed to be working on something, hindi na niya ininda kahit na mukha siyang baliw sa mga mata nila. "Nakita niyo po si Aliyah Grace?" tanong niya. Nang makita niya ang pangingintab ng mga mata nila, alam na niyang ngayon pa lang nalaman ng mga ito na nasa perehong building nila ang Idol. "Nandito si Aliyah Grace?" narinig niya pa ang sigaw ng isa habang sumasara ang pintuan. "P*tang ina, oo nandito siya, pero ngayon wala na siya," sigaw ni Dan habang sinasabunutan na ang sarili. She rushed back to the recording studio earlier to grab her phone. Wala na ang lahat at siya na lang ang bumalik doon. Ngunit nang subukan niyang tawagan ang numero ni Aliyah ay nakarinig siya ng malakas na ring sa may tabi niya. Binalot siya ng takot. Hawak nga pala niya ang telepono ng boss niya. Kahit pa anong gawin niya na pag tawag kay Aliyah, hindi naman makaka- abot rito. "I will f*cking die, the Prince is going to kill me, what the f*ck do I do now? Emily would f*cking feed me to her dogs, oh my God!" she hit her own forehead with her palm. Parang nagsasara ang mga daluyan ng hangin niya at hindi na siya makahinga nang maayos. "Please, Aliyah! Nasaan ka na ba hoy?" The Director entered the room, "Hindi niyo pa rin po ba nahahanap si Miss Aliyah?" tanong nito. Ira ran in after him. "Dan! Nakita mo na ba-" nahinto siya nang makita niya ang namumulang mga mata nito. Malapit na siyang umiyak dahil sa takot. "F*ck, hindi rin makita nila Dusk at Dawn. Pati si Sir Tyler ay hindi pa rin namin makita. Nasaan na ba 'yon?" "Wala si Sir Tyler?" Dan asked. "Hindi kaya sila magkasama na dalawa? Baka sakaling magkasama silang dalawa at may pinuntahan lang. Hindi ba? We can not be too sure, siguro naman hindi siya nawawala." Unti- unti nang nagkukumpulan ang mga tao sa labas, ngunit hindi na napapansin nila Ira at Dan. "Sa tingin mo ba nandito rin 'yon?" Ira asked. Niyakap niya ang braso ni Dan. "Baka nandito na nga 'yong stalker niya?" the murmurs around them seem to wake them up. Ngayon pa lang nila napansin na hindi lang silang dalawa ang narito ngayon. Ngunit pinili na muna nilang mag focus sa pinakamalaking problema. At 'yon ang pakawala ni Aliyah. "Ca- call-" nanginginig si Dan. "Call Dusk, quick!" Tumango lang si Ira. Sabay nilang binuhat ang lahat ng mga gamit na dala- dala nila kanina upang dalhin sa kanilang pag alis. Kasabay na rin nito ang pag dial ni Ira sa numero ng pinuno ng mga royal guard para kay Aliyah. "Hello, Dusk? May balita na ba kayo?" hinihingal niyang tanong. "Wala- ha? Anong ibig mong sabihin na sira ang mga cctv footage? Hindi niyo mahanap kahit sa mga CCTV?" "What the hell? Ano ang nangyayari?" sigaw ni Dan. The two of them stood in front of the elevator, looking agitated. They still have no clue where Aliyah or Tyler are. "Bakit naman ang tagal nitong p*tang inang elevator na ito?" kinalampag ni Dan ang malamig na pintuan ng elevator. Oh she wanted to scream bloody murder, but she's trying to contain herself. She wants to believe that her suspicions are all wrong. And as soon as the doors of this slow *ss elevator, she would see Aliyah, brightly smiling and giddy as she successfully pranked all of them. "Bakit ang tagal nga nito- Ahh!" Ira yelled as soon as the doors slid open. There he was, the man that they are looking for. Tyler, lying at the cold, dirty floor, unconscious. "Sir Tyler! Diyos ko po!" Dan and Ira ran to tend to him. Wala siyang malay ngunit tila wala naman siyang kahit na anong sugat, 'yon ang nakita ni Ira nang subukan niyang hanapan ng kahit na anong tama ang lalaki. "Call Dusk, bilisan mo," sigaw ni Dan habang pilit na hinahatak pataas ang ulo ni Tyler. "He's still breathing. That's good," she sighed. "But where the hell is Aliyah? Ano pa ang aasahan ko nito?" "Nandito nga siya sa elevator, nakahiga- hindi siya patay. G*go ka ba? Ang sabi ni Dan, humihinga pa raw siya- What the hell? Bilisan niyo kasi! Nandito pa rin kami sa fourth floor! Nasa elevator nga! Ha- tanga ka ba? Siyempre hindi bababa, I blocked the doors!" "Oh sh*t!" Dawn came from the stairs with the loudest scream. For the first time ever, his face was gloomy and serious. "Anong nangyari? Bakit nandito-" "Hindi niyo ba nakita kanina si Sir Tyler dito? Paano kayo nakapunta sa ibang floors nang hindi niyo siya nakikita?" Dan asked. "We ran- we used the stairs. Sino ba naman ang mag aakala na nasa loob siya ng elevator? Halos sinusuyod na ng mga kasamahan namin ang buong building. Naka sara na ang lahat ng entrances at exits. Hindi pa naman siguro nakakalabas ang stalker- hindi." pinigilan ni Dawn ang sarili. "Hindi siya hawak ng stalker niya, imposible." "Oh f*cking hell," mabilis ang naging takbo ni Dusk. Ginamit niya ang mga biyas niya upang maging katumbas ng dalawang hakbang ang pag akyat niya sa hagdanan. "I already ordered each room to get checked. Kailangan nating mas mapabilis ang paghahanap para hindi na makalabas ang-" nobody dared to continue the sentence. "A- aw- what the-" "Sir Tyler!" Ira is freaking out. She jsut saw him move and she started to freak out even more. Tyler's eyes slowly opened, "Wh- where's Aliyah?" 'Yon ang unang- una niyang tanong. "Sir, ano po ang huling naaalala niyo?" Dusk asked. The next words put them in horror, "I was talking to her when a man hit me from the back- wait- I was-" he looked around. "Aliyah!" He started to panic. Kahit na nanghihina pa siya at naguguluhan, pinilit niyang tumayo. "I think that f*cking man took Aliyah!"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม