Aliyah's POV
Ang buong akala ko, kapag nagkaroon na kami nang kuha sa mukha ng isang suspect ay mapapabilis ang lahat ng mga investigation. Ang buong akala ko talaga ay uusad kahit papaano ang kaso namin. Kaya lang, kahapon pa namin ibinigay ang video file sa mga pulis, ngunit dahil sa dilim at dahil na rin sa mga suot niyang mask at scarf, hindi masyadong malinaw na makilala siya gamit lang 'yon. We are still at zero. Talagang walang nangyari, parang wala lang. Mayroon lang kaming shot ng isang creepy na lalaking pinapanood ako mula sa likuran ng stage at nakasilip nang patago habang kumakanta ako.
Kahit na sino ang tanungin namin kahapon sa buong theatre, walang kahit na isa sa kanila na nakakakilala sa lalaking 'yon. Kaya na rin lumakas pa lalo ang pakiramdam namin na 'yong lalaking 'yon ang matagal na naming hinahanap na stalker. Sa lahat ng mga taong naroon, wala ring kahit na isa sa kanila na nakakita sa strange guy kahit na nakasalubong man lang or what. Nakakapagtaka, parang bigla na lang siyang umusbong mula sa lupa na para bang singaw. Pagkatapos ay naroon na lang siya bigla, at nahagip ng camera. Siguro ay napag planuhan niya ang lahat ng mga galaw niya sa buong theatre, pero nang makita niya siguro ako na kumakanta, hindi na niya napansin ang mga camera. Oh gosh, that freaks me out.
Kahit na ano pa ang isipin ko, hindi ko talaga kayang panatilihin lang na walang iniisip na masama. Gusto kong sapakin ang lalaking 'yon kahit hindi ko pa sigurado kung siya talaga 'yong bastos na walang kuwenta. Kasi naman sobrang nakakakilabot pa rin ang ginagawa niya. Sino ba naman ang matinong tao na kikilos nang ganoon ka- suspicious kung hindi ang mga nagbabalak lang ng hindi maganda, 'di ba? I swear, he's the one. Kaya lang paano ko magagawa na mahanap siya ulit para lang maipakulong na 'yong hayop?
"Lalabas ka ba?" I just wanna cry but I f*cking can't because I need to pretend that I am fine and that I am f*cking okay, but I wanna just lie down and pretend I don't exist right now I cant even function well. Can I f*cking just have peace of mind right now, please? I feel so suffocated and nothing goes my way but I can't do anything about it because I am just someone that can't really do anything without the help of other people and I am useless on my own. I cant even get this one piece of garbage out of the streets and inside a jail cell when he ruined so much of the things that makes me happy. I wish I could just vanish for a moment. Leave this ugliness aside and then come back to my own self once that everything has been resolved.
"Wow, I asked one simple question, Aliyah. Why do you look so mad? You look like you are in a middle of a breakdown right now. Am I interrupting you?" huh?
I tried to blink twice and then right in front of me, I saw Tyler giggling. Kanina pa ba siya rito? Hindi ko siya kaagad na napansin kasi busy pa ako na pagalitan ang sarili ko na walang ibang alam gawin kung hindi maging kaawa- awa at walang kuwenta. Hindi ko man lang magawang -
"Hindi ka na naman mahatak sa real world, ha? Mukha talagang malalim ang iniisip mo. Ano na ba ang mga lumilipad- lipad sa utak mo ngayon, babae? Bakit parang hindi ka na talaga responsive? Kahit yata tawagin kitang shortie, hindi mo nnaman maririnig kasi lutang na lutang ka pa rin. Hoy? Naririnig mo pa ba ang mga sinasabi ko? Ang sabi ko sa'yo, amoy body odor ka at kailangan mo maligo-"
"What the hell, Tyler? I can hear you fine, okay?" akala yata nito porket wala ako sa sarili ko ay puwede na niya akong tadtarin ng mga nakaka- insulto niyang salita. Aba, sapakin ko pa itong walang hiyang ito sa may apdo eh. Baka sakaling siya naman ang magising sa katotohanan na kaya kong lumaban sa mga pang aasar niya dahil hindi ako mabilis na asarin kagaya ni Dawn.
"Naririnig naman kita, kaya lang medyo mahina pa ang utak ko na umintindi. Ang aga- aga pa kasi."
"Seven in the morning, maaga pa masyado para sa 'yo 'yon? Hello? Pareho naman nating alam na isa na ito sa pinka- late mong gising. Lalo pa narinig ko mula kay Dan na halos dati three pa lang nang umaga ay ready ka na para sa mga filming mo. Bakit mukhang maluwag ang araw mo today? Wala kang lakad?"
"Ang galing mo rin, ano?" I rolled my eyes. "Hindi talaga masyadong puno ang araw ko ngayon dahil 'yong mga shoot ko dapat today, canceled na. Kasama na roon sa ibang mga shoot na hindi ko na rin magagawa kasi medyo hindi babagay kung maging Prinsesa na ako. Hindi ko naman na rin maitutuloy kapag tapos na ang dalawang buwan kong palugit, kaya mas mabuti na rin kung hindi ko na rin simulan, hindi ba?"
Mabuti na lang talaga at nandito si Emily para tulungan ako sa mga bagay na 'yon. Nang sabihin ko sa kan'ya ang buong sitwasyon ko, hindi na niya kailangan pa anng kahit na ako, basta sinabihan na lang niya ako na siya na ang bahala. And then that's it. Siya na nga ang bahala. Ginawan niya na lang nang paraan ang lahat- lahat at binigyan niya ako ng mga projects na lang na piling- pili.
"So, ang ending, hindi ka nga lalabas ngayon?" tanong ni Tyler. "Naka ilang tanong na kaya ako? Nakalimutan ko na rin eh. Bakit ba kasi tunganga ka lang nang tunganga d'yan? Pati tuloy ako nadadamay sa pagtingin mo sa pader. Gusto ko lang naman malaman kung aalis ka ba ngayon para malaman ko na rin kung kailangan ko ba na maligo if ever lalabas tayo."
"Ang baho mo naman, walang hiya ka. Maligo ka na kahit hindi mo pa alam kung ano ang lakad. Ganoon dapat! Naturingan ka pa namang Prince Tyler, walang hiyang 'yan. Hindi naman pala naliligo kapag hindi lalabas," nakuha ko pang matawa kahit na siya naman ay seryosong inaamoy ang kili- kili niya. He's checking if he's really smelly, huh? Umakto tuloy ako na parang nababahuan kaya siya naman ngayon ang malakas ang attitude na umiirap sa akin. He's so funny at times, siguro ay makulit ito noong bata.
"Ang sama ng magiging future Princess ha? Nakaka- bilib naman. Akala mo talaga, hay," singhal niya. Bahagya muna siyang nag panggap na naiinis bago muling humarap sa akin nang may malaking ngiti. "So, hindi nga tayo lalabas?" tanong niya na naman. Aba naman talaga!
"Hindi ka pa rin sumusuko?" ayaw talagang mabasa ng tubig eh 'no? "Lalabas tayo mamayang hapon, may voice over lang ako na gagawin. Pero please naman maawa ka sa mga kasama natin sa bahay at maligo ka na. Nako naman, baka mamaya magbago ang tingin sa'yo ng mga tao. Ang ganda- ganda pa naman ng mga pambobola ko sa'yo kahapon sa interview. Hindi mo ba narinig?" I asked.
"Hindi ko na nakuhang pakinggan, may importante kasi akong tawag kaya lumabas na muna ako. Ano ba ang mga ikinuwento mo patungkol sa akin? Hindi mo naman ba ako siniraan lang? Baka mamaya kung anu- ano na ang mga sinabi mo sa mga taga suporta mo nang hindi ko man lang alam. At least bigyan mo man lang sana ako ng chance para maipagtanggol ko ang sarili ko mula sa mga paratang mo. 'Di ba?"
"Sira, sobrang dami ko kayang sinabi na maganda tungkol sa'yo. Tanungin mo pa sina Dan o 'di kaya naman ay sina Ira. Hindi nga kita pinintasan kahit na tinatanong ako no'ng host kung sino raw ang mas mabait. Ikaw raw ba or si Kairo. Alam mo kung ano ang sabi ko? Sabi ko, pareho lang kayo na mabait at matulungin sa kapwa. Pilit ko pa silang pinapaniwala na nasa dugo nin'yong dalawa ang pagiging malambot ang puso, kahit na gustong- gusto ko na talagang aminin sa kanila na ikaw medyo may kadiliman nang kaunti." tumatawa pa ako nang sabihin ko ang kuwento sa kan'ya kaya lang hindi ko napansin na unti- unti na siyang lumalapit sa akin. Nakatingin ako sa mukha niya at parang si Kairo lang din, masakit sa leeg dahil sobrang tangkad. Mukhang balak niya pa na mag hamon ng gulo ha? Aba'y ang akala yata nito ay uurungan ko siya? D'yan siya nag kakamali. Malakas ang loob ko na labanan siya sa pa tiger look at napangisi siya nang pansinin niya 'yon. He even did the same intense glare that I've been doing. He's challenging me.
"Tsaka mo na ako sabihan na may kadiliman sa puso, kapag nalaman mo na kung ano ang ginagawa ko, okay?" he whispered. Nakangisi pa siya at parang nang aasar. "You don't even know what I'm fully capable of doing yet. Don't challenge me like that, alright Princess?" Wow, ang angas naman nito bigla?
"Hoy, g*go ka Tyler, muntik na akong kabahan nang kaunti roon ha?" hinampas ko ang balikat niya. "Muntik na akong maniwala na seryoso ka. Malapit na akong manginig oh, hala, look," I shook my hand wildly. Talagang ipinapakita ko sa kan'ya kung paano ako kagaling na maging sarcastic.
"Gusto mo ba na manginig? Puwede naman kitang panginigin," okay, no'ng sabihin niya 'yon hindi man lang siya nakangiti. Bakit biglang nakaramdam ako ng panlalamig sa mga palad ko. What the hell? Hindi naman ako natatakot kay Tyler. Duh? Eh parang tropa ko na ito- bakit ganoon siya makatingin? Parang mayroon siyang gustong sabihin sa akin kaya lang hindi niya magawang sabihin. He's acting differently, all of a sudden. "Maliligo na nga lang ako. Baka mamaya kung ano pa ang masabi ko sa'yo."
"Tulad ng ano?" I asked. "Puwede mo naman na sabihin, ano ba ang gusto mong sabihin?" kita ko sa mga mata niya, he's hiding something. "May gusto ka ba na pag usapan, Tyler? Puwede naman akong makinig. Basta ang promise mo lang ay seryoso 'yan at hindi kalokohan, okay?"
He softly shook his head and messed up my hair with his hand, "Oh, anong nangyari? Bakit bigla ka namang sinasapian ng guidance councilor d'yan?" biro niya sa akin. "Wala naman akong malalim na ibig sabihin doon, kaya ikaw huwag ka mag dive mag isa mo, okay? Tsaka ko na ikukuwento sa'yo kapag alam ko na rin kung ano ang gusto ko at kung ano ang panig ko. Hindi muna ngayon."
"Hoy, anong panig naman na 'yan?" ano ba ang ibig- oh wait. "Tungkol ba 'to sa cooking video? Nasabi na ba sa'yo ni Dan na balak naming gawin na cooking contest sa pagitan nin'yong dalawa ni Kairo? Nagagalit ka ba kasi hindi dapat nagluluto nang sarili niyang pagkain ang Prinsipe? Hindi rin ba puwede na gawin mo 'yon? Pasensya ka na ha?" I got it. He's bothered pala?
"Kasi si Kairo, nakausap ko na. Tinanong ko rin siya kung okay lang ba sa kan'ya na gumawa ng simple dish. Kung puwede ba 'yon. Pumayag naman siya. Pero kung ikaw, medyo hindi okay para sa'yo. Gawin nalang natin 'yong una naming balak. Baliktad nalang. Kaming tatlo na lang nila Dan at Ira ang magluluto, tapos huhulaan niyo na lang kung sino ang nag luto nang ano, okay? Ganoon ang unang plano talaga e. Ibalik na lang natin doon, hindi naman big deal."
"Yeah?" bulong ni Tyler. "Tama, 'yan nga. Eksaktong- eksakto sa kung ano ang nasa isip ko. Ang galing mo," he sighed. Akala ko pa naman ang kuwento ni Kairo ay mahilig magluto itong pinsan niya. Hindi naman pala siya papayag. Ang sad naman.
"Sige, ako na ang bahala na magsabi sa girls. Aasikasuhin na namin lahat. Kayo na lang dalawa ang magiging special guest na titikim sa mga pagkain na ihahanda namin, tapos kailangan nin'yong hulaan. Okay?" I raised my two thumbs up and waited for him to reply, but he just looked at me and sighed.
Bagsak ang mga balikat niya at hindi maliwanag ang ningning ng kan'yang ngiti.
"How can your brain jump on to something else within a split second?" ano raw? "Aliyah, how did you manage to think of the cooking video just now? Kasi- ang- wow, ang galing mo mag mind read!"
Ah! Akala ko naman kung ano pa ang sasabihin niya sa akin, 'yon lang pala.
"Hindi naman ako nagbabasa ng isip mo eh. Inisip ko lang kung ano ang mga concerns mo na may kinalaman sa akin at gusto mong sabihin sa akin. Hindi naman ganoon karami ang mga 'yon, 'di ba? Maliban sa koneksyon ng ligo mo sa pag labas ko, naisip ko na baka 'yong sa vlog. Kasi alam ko rin naman na hindi ka masyadong okay sa pag harap sa publiko. Hindi ka sanay rin sa camera, kaya naiintindihan ko. You might not be comfortable enough to cook in front of the camera for my viewers and that is totally fine with me. Walang problema, ang gusto ko lang sana, sa susunod na may gusto kang sabihin sa akin, sabihin mo na lang nang diretsahan kasi hindi ko naman mamasamain."
"Are you sure about that?"
"Anong are you sure, are you sure ka pa d'yan? Malamang sure ako, hello? Nandito ako sa harapan mo ngayon bilang kaibigan, okay?" I smiled at him. "Hindi bilang isang babae na porket may followers, uutus- utusan ka na sa mga bagay na hindi mo naman gustong gawin. Hindi kita pipilitin, I don't like that. Ang gusto ko, maging masaya tayong lahat, at mag enjoy tayo sa pagluluto, pagkain at pag fi-film, because I genuinely love all of those things! I honestly can't wait. Tignan mo nga at pinag usapan lang natin 'yon nawala na isip ko 'yong bad trip na stalker."
"I can handle that for you," mayroon siyang ibinulong na hindi ko masyadong marinig. Nang humarap ako sa kan'ya at tinaasan siya ng kilay para sana ipaulit ko, bigla niyang sinabi na, "I will do it, for you."