Chapter 62: Secret

2372 คำ
"Mom, I am telling you right now. I don't think I can date Aliyah Grace. Yes, she's awesome, I can say that. But I don't think Kairo and her are pretending. They are really close and they care about each other so much. Hindi ba nagkamali ang mga sources mo? Baka naman mamaya ako pa ang maging sanhi ng kaguluhan nilang dalawa imbis na makatulong pa ako, can you please double check it? Kasi sinubukan ko rin naman na tanungin si Aliyah, but her answer is nowhere near the story that you told." "Are you out of your freaking mind, Tyler? Nag iisip ka pa ba? Ha? Sagutin mo ako!" nabingi si Tyler sa bawat bato ng sigaw ni Lady Felicia. Kahit pa ilayo ng binata ang kan'yang telepono sa may tainga ay hindi siya makakatakas sa malakas na alingawngaw ng bawat huyaw nitong kan 'yang Mama. "Kung nag iisip ka, sa tingin mo ba ay tama na tanungin nang ganoon si Aliyah? Kung totoo man ang bawat sinabi ko sa 'yo, do you really think that she would disclose that information to you? To someone that she only knew for a few days? Sa isang tao na may kakayahan para pigilan ang plano ng palasyo? Sa tingin mo talaga magsasalita siya nang masama tungkol sa kanila? Paano? Sige nga, isipin mo nang mabuti. Papaano niya gagawin 'yon kung hindi man lang niya malaman kung sino ang mga tunay niyang kakampi sa kung sino ang mga magsusumbong in case na may sabihan siya na kagaya mo?" "Mom-" hindi pa nakakasagot si Tyler ay bumulyaw na naman ang Ginang. "Mali ka roon, Tyler! Sobrang mali. Hindi mo na dapat sinubukan man lang na ungkatin ang topic na 'yon sa kan 'ya! Of course, she would lie and follow what Olivia wanted her to say, are you stupid? Edi ngayon hindi mo lang ipinaalam sa kan 'ya na may nalalaman ka, nalaman na rin ng mga taong kasama nin'yo na may balak ka na alamin ang buong katotohanan. Malamang ngayon pa lang ay umabot na ang balita sa mautak na Reyna na 'yon, at baka sa pag uwi mo ng palasyo ay siya na rin mismo ang magpatalsik sa 'yo, para lang pangalagaan ang trono na ninanamnam nila ng anak niyang nang gagamit ng ibang tao!" "Mom, hindi mo kasi nakikita kung ano ang mga nakikita ko. They call each other often. Sa tuwing may free time si Aliyah, wala na siyang ibang bukambibig kung hindi si Kairo. O 'di kaya naman ay talagang tatawagan na niya para hindi na niya tuluyan na ma- miss. Ganoon din naman ang pinsan ko, Mom. I think Kairo really likes her, she's not that hard to like. I think he might have actually fallen in love with her." "At ano ang gusto mo na gawin ko? Do you want me to throw a party and celebrate? Of course they would act that way! Aba, kung nand'yan ka nga ba naman, talagang gagalingan nila ang acting nila. Malamang isa 'yan sa mga utos no'ng matandang mautak na si Fernan. Alam mo naman na isang salita lang at mapapasunod na niya si Kairo. Isang utos lang no'n na tawagan 'yang babaeng 'yan, malamang gagawin nga niya," huminga nang malalim ang Ginang upang kumuha pa ng puwersa. "Alam mo, I think they aren't even talking for real! Malay mo, hindi mo lang alam pero hindi naman pala talaga si Kairo ang kausap no'ng babaeng kasama mo. It can all be staged, you know? Lalo pa at isang mahusay na artisa ang babae na 'yan. Nako, hindi na ako magugulat kung hindi mo lang napapansin na niloloko na nila ang lahat, anak! You should open your eyes. Kailangan ikaw ang totoong makakita nang katotohanan at dapat hindi matulong ang kasal nilang dalawa ng pinsan mo. Hindi makabubuti sa bansa ang pag uugnayan nila, magiging isang malaking kasinungalingan lang ang susunod na linya ng mga dugong bughaw kapag nagkataon. At 'yon ang isang bagay na hinding- hindi papayagan ng Daddy mo. Alam mo 'yan Tyler. Higit pa sa akin, alam mong hindi papayag ang Tatay mo na mangyari 'yan." "Mom, why does it have to be about me and Dad? Kung tutuusin, hindi ba dapat hindi na natin sila pinapakialaman? Ano ba ang linya ko rito? Bakit kailangan ako pa ang maging taga ayos sa mga nangyayari? Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit biglang nasasama pa ito sa mga responsibilidad ko? Mom, I came here to have fun, to be with my cousin and to re- visit our home, not to be a problem solver like you wanted me to be. I can't be trusted with that must responsibility, at wala rin naman akong karapatan na manghimasok," mahinahon ang pagkakasabi ni Tyler at puno pa rin ng respeto kahit na nanginginig na ang mga kamay niya sa gigil. He feels so frustrated and lost. Hindi niya na alam kung saan ba siya lulugar. Parang kailan lang wala naman talaga siyang dapat na problemahin, wala dapat siyang isipin, tapos ngayon biglang nakasalalay naman daw sa kan'ya ang kinabukasan ng buong linya ng susunod na henerasyon ng mga Royal? Gusto lang naman ni Tyler na mag enjoy sa buhay at ituloy ang pagiging malaya niya, at ngayon hindi niya na alam kung papaano lulubayan ang imahe na gustong ipinta ng kan'yang ina. "Tyler, nakikinig ka ba sa akin? Hindi ka lang basta- basta. Ikaw si Tyler Raven. Dumadaloy rin sa dugo mo ang pagiging Royal. Ikaw ang pangalawang Prinsipe ng Aztariya. Talaga bang mag bubulag- bulagan ka na lang sa mga nangyayari ngayon? Talaga ba na magpapatuloy ka na lang sa buhay mo habang nalalaman mo na sinisira ng palasyo ang buhay ng isang babaeng wala naman dapat kamalay- malay sa ganito? They are forcing that poor girl to marry Kairo to save his face." "Ma, I am sorry, pero hindi ba't lagi naman na ganito ang nangyayari? Arranged, forced, 'di ba ganoon naman talaga ang nangyayari pag dating sa aming mga ipinanganak sa linya ng mga Raven? Hindi kami nabibigyan ng kalayaan na pakasalan ang kahit na sinong mapili namin. Our brides were to be picked by the palace. There are over fifty people of the council voting just to pick women for us to marry. Hindi ba at ganoon din naman ang nangyari sa in'yo ni Dad? Bakit ngayon na ang mapapangasawa ni Kairo ay napili rin sa ganoong paraan, nagrereklamo ka? Bakit kailangan na pigilan kung desisyon na ng buong conseho 'yon? Ano ang problema?" naka tungo lamang si Tyler sa may isang sulok ng bakanteng van ni Aliyah. Dito siya nagtago nang tumawag ang kan'yang Ina dahil alam niyang magiging malamana ang kanilang usapan. Palagi naman kasi na ganoon, lalo na no'ng makabalik siya sa palasyo, palagi na lang siyang nabubulyawan dahil marami siyang kinukuwestiyon sa mga ipinapagawa sa kan 'ya ng Mama niya. He's all about hearing all sides and making his final decision upon understanding the whole thing. Ngayon, nakikita niya na mukhang wala naman siyang dapat na ipag alala at hindi niya alam kung bakit hindi natutuwa ang kan'yang Mama. Napapahilamos na lang siya sa sariling mukha dahil hindi na sila magkaintindihan. "Sinasagot mo ba ako ngayon, Tyler?" he can only sigh. Alam na niya na roon pa lang sa matinis na tili pagkatapos ay talagang napasabog na niya ang ulo ng kan'yang Mama. She might have been plotting his death using her high heels right about now. Gan'yan lagi si Lady Felicia kahit naman na hindi na bata itong anak niya ay gusto niya, bawat sabihin niya nasusunod lang nang walang tanong. "Ma, hindi naman sa sinasagot kita. Gusto ko lang na sabihin sa'yo na hindi ko talaga maintindihan ang point, at kailangan ko ng tulong mo para mas maintindihan ko pa," he tried saving his bum. "At isa pa, kasi ma hindi ko makita 'yong basis. Masyadong solid ang relasyon nitong dalawa. Paano mo ako mapapaniwala na hindi talaga sila magkarelasyon kung para na silang mag asawa kung amg usap? Kasi I think, hindi naman ganoon kabilis na lokohin ang mga mata at ang pang amoy ko. It all seemed real to me. So, how?" "Alam na ba nila ang lahat tungkol sa isa't- isa? Try asking Aliyah Grace about your cousin. Tignan mo kung alam niya ang mga bagay na hindi naman normally alam ng ibang tao na hindi tunay na malapit sa kan'ya. Favorite things, does she know about it all? Test her out, I doubt it." Tyler shrugged, "Ma, believe me, I tried that already. Alam niya ang lahat ng tungkol kay Kairo. Kahit nga ang mga random facts tungkol sa kan'ya na kahit ako mismo nakakalimutan ko na alam ko nga pala. I think she knows him so well, pati nga ang paborito ni Kairo na inumin ay alam niya." "Was that a big deal?" his mother asked. He couldn't help but chuckle a bit. "Oh, bakit ka biglang tumawa?" Tyler apologized, "Ma, sorry. Hindi ko kita tinatawanan ha? Baka mamaya mas magalit ka na naman sa akin. May naalala lang kasi ako na usapan namin noon ni Kairo," panimula ng lalaki. "It was a drink that both of us liked. A soy milk drink, and we both did not want anybody else to know how much we like it since most of the people, especially online, kept on dissing that drink. They did not like how it tasted, but we both enjoyed it. Hindi ko makakalimutan ang tungkol doon, and you know what? Aliyah knew about that too. Kairo told her about the soy drink and she brought tons of that drink. Hanggang ngayon nga mayroong supply rito sa artista van niya dahil pati siya ay gusto niya rin daw 'yon," tinignan ni Tyler ang mga inumin na nakapatong doon sa malapit sa may mini fridge. The lady sighed, she gained a ton of stress during this whole conversation. On the other side of the line, she kept on massaging her forehead, hoping to relive the pain. But nothing helped. "So, what if alam niya nga ang mga 'yon? Malay mo ibinigay sa kan'ya ni Fernan ang lahat ng information para lang maging mas kapani- paniwala ang lahat? Hindi rin anman masyadong malayo na pilit nilang ipa kabisado, sa dalaga ang tungkol sa Prinsipe. She can do that easily, at siguradong hindi siya tatanggi." "Mom, akala ko ba na 'yon ang magiging proof-" "How about Kairo?" natigilan si Tyler nang marinig niya ang pag ngisi ng kan'ya Ina. She sounded confident. "Ano? Sa tingin mo ba ay alam ni Prinsipe Kairo ang lahat nang tungkol sa mapapangasawa niya? Does he know everything that happens to her day to day? Is he considerate enough to know every single thing that Aliyah likes? Because if they really are a couple, there is no way that Aliyah wont blabber about all the things she loves and all the activities she likes to do. Kahit pa idahilan niya na busy siya or sabihin man mismo ni Aliyah na kaya hindi niya alam or hindi niya matandaan ay dahil sobrang busy niya, hindi normal 'yon. He should know too, especially if they are comfortable enough. Imposible na may ililihim si Aliyah na kahit isang maliit na bagay lang mula sa kan'yang nobyo." Tila hinihintay ng ginang ang magiging kasagutan ng anak niya ngunit hindi ito makapag salita. The longer the silence is, from Tyler's end, the louder her laughter roared. "Ano?" tanong niya sa kan'yang anak. "You can finally think of something strange, huh?" tanong nito. "Mo- Mom, can I ask you a serious question?" "Of course, what is it?" nakangiting tanong ng babae habang nararamdaman na niya ang inaasam na panalo. Tyler sighed, "Mom, if you were put in a situation where your life is in danger, and you know that Dad is really busy with important stuff. Would you tell him or would you rather solve everything by yourself?" "That's it?" the lady asked. "Siyempre sasabihin ko kaagad sa tatay mo. Siya ang unang- una na makakaalam, believe me," her voice started to sound really soft and sweet. "Hindi puwedeng may iba ako na tatakbuhan, kasi alam ko na masasaktan ang Papa mo kung sa ibang tao niya pa malalaman. And I think that if a woman has a partner, they would always tell them. Kasi sino pa ba ang unang- una na pipiliin namin na pag taguan, hindi ba? Siyempre kung sino ang nagpaparamdam sa amin na ligtas kami. And for me, that was your father, anak." Wala ng ibang masabi si Tyler dahil sa narinig niyang sagot ng kan'yang Ina. She sounded so touched and so sweet to be bluffing. There is no way that she just lied. And why would she lie about a simple question like that? Hindi naman ganoon kabigat ang naging tanong para lokohin pa niya ang anak niya. "Ano ang alam mong itinatago ni Aliyah sa pinsan mo?" his mother asked. "Can you tell Mom about it?" Tyler sat back and looked at the ceiling of the van, "She has a really crazy stalker. And she kept on telling everyone to keep it as a secret from Kairo. Lahat kami rito alam na namin, maliban lang sa kan'ya. At hindi ko rin alam kung bakit pilit niyang itinatago, kasi sobrang laki na ng problema, Mom." "Oh no, poor girl! Ano ang nangyari sa kan'ya? Okay lang ba siya?" Lady Felicia hid her silent giggling by moving the phone far from her mouth. Natatawa siya sa sobrang makatotohanan ng acting niya ngayon. Mukhang may pakialam talaga siya kahit na hindi naman niya gustong malaman ang kuwento. "Wala namang nangyari na malala, pero nilooban no'ng stalker 'yong dating apartment ni Aliyah. Kaya nga kaming lahat ngayon, sobrang protektado siya. Kasi baka nasaan- saan lang 'yong stalker. Hindi pa namin mahanap, tanging DNA at malabong video footage lang ng mukha niya na nakatakip ng mask ang mayroon kami." "Send it to me," the woman said. "Ma?" "Send it to me and I will find that b*stard," she responded. "I will help you to win her over by getting her stalker caught." "Mom, h-hin-" "Ayaw mo ba no'n?" Huminga nang malalim ang binata, "I will send you the video."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม