Aliyah's POV
Kung anu- ano na talaga ang pumapasok sa isipan ko. I think that I am starting to feel a little bit paranoid because of this stalker. Kahit pa pilitin ko na maging brave at pilitin na gawin ang lahat upang hindi maipakita sa mga taong nakapaligid sa akin na hindi ko kailangan na maging alalahanin pa nila. Nakakahiya naman kasi talaga, paano ko makakaya na maging Prinsesa nitong bansa pero ganitong bagay lang hindi ko kayang harapin? Duh, hindi puwede! Hindi ganoon ang gusto kong image na ipapakita sa mundo, hindi ako mahinang klase, hindi puwede at hindi ako talaga papayag.
Ngayon na patapos na kami sa pag ta- tape at pag film ng mga kanta ko rito sa theatre, bigla na naman na pumapasok sa isipan ko itong mga takot ko. Dahil sa haharap na naman ako sa iba't -ibang klase ng tao sa labas, kinakabahan na naman ako, parang hindi ko pa rin mapigilan na mag isip nang masamang puwedeng mangyari sa akin sa labas. Medyo marami- rami pa naman daw ang mga tao sa labas, sabi nila sa akin kanina. Ang wika nga ni Dan ay mayroon daw napakalaking crowed dahil nabalitaan na nga online na narito ako. Mabuti na lang at hindi sila pinapapasok. Tanging mga pamilya lang nitong mga nagtatrabaho na talaga rito ang mga nanonood sa akin ngayon.
Another thing that brought me to another level of paranoia are those gifts. Sino ang magbibigay sa akin ng ganoong regalo, alam pa ang paborito kong brand at shade ng lipstick? I don't share that to people, not even on my interviews. Sino ang makakaalam ng mga bagay na ganoon kung hindi lang ang stalker ko na nanloob daw sa bahay- fudge. I can vomit just by thinking of how disgusting that person is. Hindi ko kayang sikmurain ang mga ginawa niya sa pamamahay ko. And I loved that place! Binaboy lang niya nang basta- basta dahil sa obsession niya sa ano? Sa akin? Dahil obsessed siya sa akin, gusto niya na gawing impyerno ang buhay ko? Mayroon ba talagang matinong tao ang makaka- isip na kung ganoon ang gawin niyang atake ay makukuha niya ang matamis kong oo? That's the worst f*cking plan ever. Mas mabuti pang nagkunwari na lang siya na iligtas ako sa mga masasamang loob and turns out, barkada niya lang pala, or binayaran niya lang. Parang kung ano ang mga ginagawa ng mga hopeless romantic at sobrang insecure na lalaki sa mga movies or dramas, hindi naman sana ganito na literal akong nangingilabot dahil sa sobrang kadiri at hindi dahil sa sobrang bilib.
Ang alam namin ay may chance na matalino itong stalker na ito. Ngunit hindi pala siya kasing talino ng normal na mga tao na kagaya naming lahat. Matalino lang siya sa mga kasamaan niya. All he knows is how to terrorize other people. She's been doing things the wrong way and he's about to ask me to be the one paying for all the bad things he's doing. Walang hiya naman kasi, siya 'yong masama ang ginagawa sa akin, pero ako ang namomroblema.
Pakanta- kanta lang ako ngayon dito pero ang utak ko lumilipad pa sa kung papaano ko sosolusyunan itong problema ko sa stalker na 'yon. I don't want to give up. Kung biglaan ko na lang na ipapasa kay Kairo o sa palasyo ang pag hahanap ng isang tao. Hindi talaga kaya ng konsensya ko na ipamukha sa lahat na dapat ako muna ang asikasuhin, na parang dapat ako lang muna ang maging focus. Alam ko kung gaano ka- importante para kay Kairo ang magiging success ng furniture business na sinisimulan niya sa bawat grupo ng katutubo sa iba't parte ng bansa. Hindi pa nga siya naipapakilala bilang Prinsipe noon ay malaki na ang suporta niya sa mga 'yon. I should know, magkasama kaming dalawa nang makita namin ang isa sa pinaka magandang piece na nakita namin. May mga kama, mga lamesa, cabinet at mga upuan na sobrang kakaiba ng mga designs. They were too innovative and too unique to be left unnoticed. At pareho naming sinabi noon na pag uwi namin sa Aztariya, pareho rin kaming susuporta sa mga 'yon. I did my best to convince my father to invest and help out, and at that time, I got the news that the palace backed them up. It was a really huge blessing at that time, and I never knew that it wasn't just because of a coincidence but because of Kairo's direct request to the Queen herself. That was amazing. The business grew a lot and the furniture became well known in the whole country. Although it's not as widely known as we'd like, they started exporting the products. It's slowly getting there with the hard work of Kairo of course. Kaya bakit ko naman sisirain ang ilang araw lang na naroon siya sa para maging mas hands on pa sa mga nangyayari. He's too passionate about it, I won't freaking ruin that for him. Pero tama nga silang lahat dito, malaking problema kung magawan pa ako ng masama bago mahuli 'yong bad guy na 'yon. Hindi ko na rin alam kung saan pa ako pupulutin kung malaman ni Kairo ang lahat ng ito mula sa bibig ng ibang tao. Baka mamaya hindi na ako ang makapag kuwento sa kan'ya. Nako, siguradong hindi niya ako hihintuan sa napakaraming katanungan, hindi niya rin ako papayagan na makalabas ulit, hindi na rin ako magkakaroon ng chance na mag tago pa ng kahit na ano mula sa kan'ya. He's going to be really upset with me and I know that. But right now, I need to find a solution first. What I need right now is to give him a reason to not be as upset. And that I think is me successfully dealing with this problem. Or to be safe until the time that I completely reside to the Palace.
"Shunga ka na ba, te? Ang bangag na bangag na ba? Maaga- aga pa naman ha? Pangatlong kanta mo pa lang 'yon. Hindi mo na ba kaya?" bigla akong napakurap dahil sa tanong ni Dan. Hindi ko na napansin na nasa tabi ko na sila. Grabe, sobrang wala na ba ako talaga sa sarili ko kaya hindi ko na alam ang nangyayari? Parang kanina lang ang alam ko kumakanta ako, hindi ko na rin namalayan na natapos ko na 'yon. What the heck? I wonder how it turned out, malamang hindi man lang ako nakikipag- interact sa camera.
"Dan, can you help me ask the director how it turned out? I think I spaced out during the whole time, mukhang hindi maganda ang naging presentation ko roon. Nahihiya ako," bulong ko kay Dan. Hindi puwede na ganitong na aapektuhan na ako pati sa trabaho. Hindi dapat mabahiran ang mga ginagawa ko sa trabaho dahil sobrang importante nitong mga huli kong projects para sa akin. I don't want my last promotional videos to be seen as boring, malamya or walang kuwenta. Dapat lahat ay mag iiwan ng marka.
"Nako, sinasabi ko an nga ba at mukhang may mali sa'yo. Sa sobrang normal na yata para sa 'yo na kumanta, hindi mo na kailangan na mag isip at tuloy- tuloy lang ang bunganga mo sa pagbigkas ng mga lyrics. Alam mo, nakakabilib 'yon ha! Kasi sobrang ganda pa rin no' ng kanta mo kahit na lutang ka. Nasa tono ang bawat kataga, at may damdamin pa rin. Paano mo nagagawa 'yon?"
Paano nga ba? Hindi ko rin alam, "Siguro 'yon na lang ang auto- pilot ng katawan ko. Kaya kahit na wala ako sa katinuan, alam pa rin niya na kailangan kong bumirit. I guess I have an unusual talent, huh?"
Tinawanan ni Dan ang pag kindat ko sa kan' ya, "Nako, may pa hidden talent ka pa na nalalaman d'yan. Tanggapin mo na lang talaga na sobrang overworked ka na ang tanging alam na lang ng subconscious brain mo ay mag perform sa tuwing may hawak ka na mic sa stage. Alam mo kung paano kumanta nang nasa tono kahit na hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo dahil lagi ka naman na gan 'yan."
What the, "Hoy Dan! Gusto mo ba na sabihin sa akin an lagi lang akong lutang at normal na lagay ko na ito? Alam mo, dapat iniwanan na lang kita sa apartment. Nasaan na ba si Ira? Mas mabuti pa kung siya na lang ang kausapin ko. Siya kasi ang sigurado an magiging kakami ko kahit na ano ang mangyari."
"Nandito na si Ira!" saktong- sakto na dumarating itong isang loka- loka na ito habang may dala- dala na tatlong malalaking take out boxes. Mukhang nakuha niya na ang mga lunch namin at binigyan niya na rin itong mga nasa crowed na kasamahan namin. She called the two of us over to the side to eat out lunch.
"Mauna ka na roon, girl. Ako na ang bahala sa copy ng pagkanta mo. Panoorin natin kung hindi ba talaga puwede, kasi malay mo naman nadaan na rin sa kagandahan mo 'yong pag pe- perform mo kanina. Baka may chance na hindi mo na kailangan na ulitin. Para naman isang outro video na lang ang kailangan mo na gawin tapos puwede na tayong umuwi. May mga interview ka pa, although mabuti na lang kamo taping din."
"Tama, at least, hindi ko na kailangan masyadong maging conscious. Lalo na at taping, puwede pa rin akong maging bangag," singhal ko sa kan'ya. "Alam ko naman na 'yon ang sasabihin mo! Ikaw pa ba? Lagi mo akong aasarin basta may pag asa ka. Nagkukunwari ka pang inosente d'yan, sampalin kita ng kili- kili ko eh," ang lakas ng tawa ko nang manlaki ang mga mata ni Dan.
"What the f*ck? Ang kadiri na naman ng usapan dito!" hindi ko napansin na lumapit pala si Tyler sa amin, kasama sina Dusk at Dawn. Hindi ko sila napansin na narito na sa may tabi.
"Ano na naman ito, Aliyah?" nangangasim ang mukha ni Tyler habang tinatanong ako. "Bakit magmula rito kay Dawn, puro nakakasukang topic na ang mayroon? Tapos paglapit ko sa'yo, maririnig ko naman sasampalin mo itong si Dan ng kili- kili mo. Anong klaseng pagkakaibigan ito? Tila yata puro mga nakakadiring topic lang ang mayroon kayo."
"Hay, ewan ko sa'yo," bahagya ko siyang itinulak sa balikat. "Tara na roon kay Ira at nang makakain na tayong lahat. Gusto ko na rin na matapos kaagad itong shoot dahil mayroon pa akong mga filming ng interview. Hindi ko nga lang sigurado kung anong klase ng mga tanong ang ibabato nila ngayon sa akin. Mukhang puro kay Prince Kairo na naman ang gugustuhin nilang ikuwento ko."
"Sigurado," sang ayon ni Ira. "Mauulit na naman po n'yan ang usapan sa kung papaano kayong dalawa na nagkakilala, sa kung ano ang mga madalas nin'yong ginagawa nang magkasama, at kung papaano niyo siya napapayag na lumabas sa mga videos nin'yo. Kaya lang, hindi tayo sigurado na 'yon lang. Sigurado na pati ang surprise appearance nitong si Sir Tyler ay hot issue rin. Hindi na nila papayagan na makatakas ka roon, Bossing, hanggat hindi nila nalalaman kung sino ba talaga sa dalawang Prinsipe ang idine- date mo."
"Bossing, tama itong si Ira," sabi naman sa akin ni Dawn. "Lalo pa ngayon na sobrang ingay na nga online ng tambalan nin'yong dalawa. Kinikilig na rin sila sa in'yo, hindi pa nga nila alam na magiging mag sister in law kayo nito. Ang awkward nito kapag nagkalaaman ng totoong kalagayan, nako."
"Teka nga, anong mga nangyayari ba na sinasabi nin'yo? Hindi ko pa kasi nagawang sumilip sa mga posts online," hindi ko na alam kung ano ang nagiging topic nila. Mukhang sa naririnig ko pa lang hindi na maganda kaagad. Anong nangyari at biglang nadawit naman sa love story na binubuo nila itong pinsan ng literal na taong gusto nilang ipakasal sa akin? Are they crazy? Kahit talaga ano na lang ang gawin ng mga tao online, hindi ko pa rin sila gets!
Lumapit pa lang ako sa bag ko para kunin ang phone na nakatago roon ay biglang hinarang ni Tyler ang kamay ko. He grabbed on to my wrist to stop me, and when I turned to look at him, he looked really weird. Mukhang bothered siya about something, pero hindi ko pa sigurado kung ano 'yong something na 'yon. Dahan- dahan siya na umiiling sabay baba sa aking kamay.
"I am telling you, kung ayaw mo na ma- bother sa buong araw, 'wag mo ng silipin ang mga nangyayari online. Huwag mo na rin balakin na tumingin ng kahit na isang notification, kasi I am telling you... ako nga na hindi konektado sa showbiz, sabog na ang mentions. Ikaw pa kaya na kilalang artista? Nako, mababaliw ka na lang sa sobrang dami ng mga nakakakilabot na posts tungkol sa ating tatlo ni Kairo ang makikita mo. Ako nga sa tingin ko naiwan ko ang internet nang walang ibang nakuha kung hindi puro trauma lang. Nakakasuka, mas nakakasuka pa kaysa sa mga pinagsasabi ni Dawn," poor Dawn, he gasped when his name was suddenly brought up.
"Grabe naman kung makapag- react ka," sabi ko kay Tyler. "Ibig sabihin, higit pa sa kadiri ang mga nakita mong posts. Sana naman hindi na sinubukang tignan ni Kairo ang mga 'yon. Hilig niya pa naman na sundan ang mga balita na patungkol sa akin ngayon. Nako po, baka mamaya hindi niya rin kayanin ang mga makikita niya. Nag aalala ako."
"Oh no, Kairo can handle those things. Ibang- iba sa atin si Kairo. Kilala ko siya, alam niyang hindi niya naman dapat dibdibin ang mga issue na gawa- gawa lang at pawang mga paninira at kabaliwan ng gma taong hindi alam kung papaano gigising sa katotohanan. "
"Ay bongga, anong mayroon?" sumingit si Dan sa usapan habang hawak- hawak ang isang tablet. "Natahimik bigla?"
"Ah, pinag uusapan lang namin kung bakit hindi dapat tignan ni Aliyah 'yong mga posts online."
Nanlaki ang mga mata ni Dan sa sinabi ni Tyler, "Ay oo naman! Kaya nga hindi ko pa rin binabanggit sa kan'ya ang mga 'yon. Bakit naman nalingat lang ako sandali at naibulong niyo na kaagad? Nako po, 'wag mong titignan girl, ha? Basta ang tandaan mo lang, hindi mo kailangan na problemahin muna ang mga 'yon. Talagang gan'yan ang mga fans, they will ship you to everyone," sabi niya. Inilapag din niya ang tablet sa lamesa. "Tignan mo muna ito, panoorin mo 'yong huli mo na performance. Sa tingin ko naman medyo hindi halata na bigla kang nawala sa sarili, pero panoorin mo rin. Baka kasi hindi bet, ulitin nalang."
I watched the video that she handed me. Mukhang hindi naman nga masyadong halata. Tila yata totoong ganito na ang default ng performer mindset ko. Tuloy- tuloy lang ako sa pag birit kahit na puno ng kaguluhan ang utak ko. Nakakabilib din ha? Hindi ko inaakala na may ganito pala akong- what the hell?
"Aliyah, bakit?" Dan asked.
"Dan- oh my gosh-" I pointed at a man wearing glasses that can be seen on the wide shot of one camera's view. "Lo-look," I whispered. My hands were trembling as I watched the man peeking from the curtains behind the theatre. Ulo lang niya ang kita, nakatakip pa ng mask, "He's wearing the same shawl that was given to me."