Chapter 60: After All

2212 คำ
"Aliyah?" tinapik- tapik ni Dan ang balikat ng kan 'yang kaibigan na nakatulala sa loob ng van. Kasalukuyan silang nasa labas ng isa sa pinaka matatandang theatre sa buong bansa. They were there to support it's reopening by making Aliyah do a special performance that would later on be used as their promotional video too. Hindi man marami ang mga manonood ngayon at hindi man alam ng publiko na pupunta si Aliyah dito, tila ba lahat ng mga nag tatrabaho sa theatre ay naririto maging ang mga kamag- anak nila. Naghihintay na ang lahat sa magiging performance niya. "A-ah, nandito na pala tayo," gulat na wika ng dalaga. "Ang dami rin pala ng gma tao," sabi niya pa nang mapansin ang mga sasakyan na nakaprada sa harapan nitong building. "Anong iniisip mo? Bakit sobrang tulala ka naman d'yan girl? Nako, 'wag mong sabihin sa akin na kinakabahan ka, dahil sobrang dalas mo na itong ginagawa. You are not going to perform in front of a full stack crowd. Tapos hindi naman ito talagang performance, kailangan mo lang mag shoot ng video, siguro naman puwede natin na ulitin kung hindi ka pa rin kuntento sa magiging final product. Dahil alam ko naman talaga na sobrang perfectionist mo rin." "Hindi naman ako kinakabahan dahil dito sa magiging shoot, Dan eh," malalim ang buntong hininga ng dalaga. "Sa tingin ko malapit lang sa atin ang stalker na 'yon, feeling ko alam niya ang mga nangyayari sa akin nang talagang sobrang eksato, parang alam niya ang bawat galaw ko, kung saan ako pupunta at kung saan ako palaging nananatili. Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon." "Bakit, Aliyah? May nangyari ba? Nilapitan ka ba ng someone na medyo kakaiba? Nafi- feel mo ba na may tumitingin sa 'yo nang kakaiba?" Dan asked. Ira immediately looked around, "Ano? Saan banda?" sigaw niya pa. She turned on all angles with her hawk eyes surveying the area. "Tatandaan ko lahat ng mukha ng mga naririto, sabihin mo lang sa akin kung may kakaiba kang nararamdaman. Titignan ko kung sino sa mga narito ang medyo namumukhaan ko, kasi siguradong 'yon ang sumusunod sa'yo, hindi ba?" "Hin- hindi ko alam kung papaano nangyari, hindi ko pa rin naman sigurado, pero kasi 'yong lipstick pati na rin 'yong shawl na nakita natin sa bag ko-" "Oh? Anong nangyari sa mga reaglo ni Prince Kairo sa'yo?" "'Yon na nga, Dan. Taliwas sa iniisip natin, hindi nanggaling kay Kairo ang mga 'yon. Hindi man lang nga niya alam ang tawag sa shawl. He even called it as a towel, and then itinatanong niya pa kung bakit ko tinatakpan ang mukha ko, mas gusto raw niyang makita ang full face ko sa mga larawan. Hindi ba't kahit na saang anggulo natin tifnan, hindi talaga sa kan'ya nanggaling 'yong mga 'yon. It's super creepy and I don't know how to process that information anymore. I'm at my wit's end right now, I have nothing. Not even a single clue as to who or how this person manages to follow me everywhere." "Mas palalapitin ko ang mga kasama nating mga guard, Lady Aliyah, ha?" sabi ni Dusk mula roon sa may driver's seat. "Ako na ang bahalas a security, kaming dalawa na ni Dawn ang bahala. Pinagmaneho lang niya si Sir Tyler doon sa mas maliit natin na van, pero alam naman nila na kapag lumabas na tayo ay kailangan na rin nilang sumunod. Leave everything to us." Tumango ang susunod na prinsesa. Dusk seriously looked at Dan and then at Ira, "Please, kahit saan pumunta si Lady Aliya, samahan niyo siya. Whenever she needs to use the restroom, you have to walk beside her, keeping her at the middle, between the two of you, para hindi siya mabilis na malapitan. Tapos, kapag pumasok kayo sa public restroom, kailangan niyo muna na tignan ang bawat isang cubicle, make sure that nobody is hiding inside each one. Pati sa mga vents sa itaas, 'yong sa mga may kisame, kailangan tignan niyo rin kung walang kakaiba, okay?" That day was extremely different. Tutok na tutok ang lahat sa bawat lugar na pinuppuntahan ni Aliyah. Lahat din sila ay alisto, wala silang hinahayaan na makalapit nang husto sa alaga nila. Parang mga tigre kung makatingin ang dalawang babae sa tabi ni Aliyah sa bawat tao na gustong magpa- picture. They are all doing their very best to protect Lady Aliyah. "Hala! Hindi ba si Prince Tyler 'yon?" "Kamukha nga niya, ang guwapo oh!" "Shunga, anong kamukha? Siya talaga 'yan! Oh my gosh! Kasama niya siguro sina Aliyah Grace!" Tatlo sa mga bata- batang tao na narito sa may theatre ay namataan ang matipunong binata na naka- upo lamang sa harapan ng stage at hinihintay na matapos sa gilming si Aliyah. He is sitting beside other royal guards that may be seen as his protectors, but are originally there for the future Princess' safety. He got a lot of people recognizing him from time to time and he did not mind. He is generous enough in letting them take a couple photos with him, even though he's not as used to it as Aliyah is. Medyo naiilang man siya, hindi pa rin niya pinapahiya ang mga tao na gusto siyang makausap at mahingian ng larawan. "Prince Tyler," automatic na ngumiti si Tyler bago ito lumingon doon sa grupo ng tatlong babae na kanina lang ay pinag buubulungan siya. He flashed his ever so famous, sweet and wholesome smile before. "Hello po," bati nito sa mga babae na biglaan namang nag tilian dahil sa kilig. They all started to giddily wiggle from left to right while hitting the backs of the person beside them. Para silang kinikilig na mga kiti- kiti dahil sa pag pansin sa kanila ng binata. They all inched a little bit closer with their heads bowed down. "Puwede po ba na magpa- picture?" nahihiyang tanong nitong isa na nasa bandang unahan ng lahat. Hindi pa nga niya hinihintay na makasagot ang lalaki ay inaabot na nito kaagad ang hawak- hawak na cellphone sa isang body guard. Ito naman ay wala na ring ibang nagawa kung hindi ang tumayo at kunin ito bago pa man maka tango ang lalaking tinatanong nila. In the end, Tyler silently stood up and gave a genuine smile to the camera. He let the girls pose around him and then he sat back down once everything was done. "Mukhang malapit na rin po kayong maging artista, Sir Tyler," pagbibiro ni Dawn nang panoorin niya kung papaano mag titili ang mga babae na papalayo mula sa kinuupuan nila. "Anong artista naman?" he scoffed. "Hindi para sa akin ang gan 'yan. Hindi ko kakayanin na mapunta sa ilalim ng radar ng mga tao sa pang araw- araw kong buhay. Kita mo nga at kahit na puwede naman talaga akong manatili bilang pangalawang prinsipe sa palasyo ay hindi pa rin ako nag stay. Mas ginusto ko pa na magpakalayo- layo. I found it relaxing, actually. Masaya rin na mamuhay nang walang pakialam ang mga taong nasa paligid mo kung sino ka or kung ano ang ginagawa mo roon." "Sadly, that's not something that you can have while you are here in Aztariya," sabi ng lalaki. Itinuro niya pa si Aliyah na nagpupunas ng pawis doon sa may gilid ng stage habang break nila, "Tignan niyo po si bossing, pati ang pag pupunas niya ng pawis dapat naka document pa. Ang hirap din siguro na hindi mo puwedeng isingha ang kulangot mo kahit kailan mo gustuhin dahil sa kadahilanan na hindi ka sigurado kung mayroon bang nanonood sa mga kilos mo o wala. Ang hirap rin nang ganoon, ano?" "Ikaw talaga, 'yong mga pananalita mo, palagi na lang na nakakasuka. Wala man lang bang medyo matino na mga lines sa utak mo? Palagi kang may dirty jokes, at kung minsan, literal na madumi na talaga ang lumalabas sa bunganga mo. Hay nako, Dawn." "Sir Tyler, grabe naman po kayo sa akin! Kung makapag sabi po kayo ng basura, akala niyo po ba hindi ko kayo ipinagtatanggol online? Ang dami ko na nga pong na- reply- an sa mga comments at pilit na sinasabihang hindi ka talaga nang aagaw ng girlfriend dahil magkakaibigan naman po tayong lahat. Pati pa ang mga fans mo, talagang binibigyan ko pa ng encouragement na single ka pa rin at hindi na nila kailangan na mag alala!" The man lowered his sunglasses and raised a brow at him, "Hoy, ano ang sinabi mo? Anong ipinag tanggol at ano ang sinasabi mo na may mga fans, may nang aagaw- huh? What the hell were you talking about, Dawn?" sunod- sunod niyang tanong habang naguguluhan pa at mabilis na hinahablot ang kan'yang gadget. "Gusto mo bang sabihin, hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa online world? Hala ka, Sir Tyler! Ang lala na ng debate online kung bakit biglaan kang bumalik sa palasyo. Ang sabi ng ilan, baka raw ikaw na nga ang tumuloy bilang susunod na Hari. Kaya lang, hindi 'yon ang pinaka pinapaniwalaan ng lahat. Ang mas maingay ngayon ay ang dahilan na baka ikaw raw talaga ang dahilan kung bakit nagkakilala sina Prince Kairo at Lady Aliyah. May mga tao na siyampre pilit kayong kinokonekta sa isa't -isa. Ang sabi nila, baka raw ikaw ang boyfriend ni Bossing girl at baka itinatago niyo pa lang sa ngayon." Tyler rolled his eyes and asked, "Seryoso ba?" he rolled his eyes once again. "Talaga bang marami pa rin sa bansang ito ang hindi pa rin makatakas sa paanyaya ng tsimis? Bakit kailangan na 'yon ang maging focus online? Hindi ba dapat mas bigyan na lang nila ng pansin ang mga mas importanteng bagay. Baka may mga mas magaganda pa na pag usapan, tungkol sa kabutihan ng bayan at ng buong mundo, pero talagang pipiliin pa nila na gawan ng issue itong buhay naming tatlo? Grabe naman, hindi pa ba sila nagsasawa sa mga haka- haka na 'yan at talagang hindi na lang nila iniwanan sa pang kanto, inabot pa nila sa buhay ng mismong Prinsipe, ha?" "Parang pagkain lang 'yan ng maanghang na pagkain eh," the guard said. "Kung mas nakakapaso, siyempre mas malakas ang hatak kasi mag exciting! Kaya nga ngayon na nakaka amoy sila na puwedeng bigyan ng issue ang relationship nin 'yong tatlo, hindi na talaga sila magpapatumpik- tumpik pa, they will eat that sh*t up, parang mga adik na hindi nila mapipigilan ang sarili." Tyler scrolled down on his phone with his eyes wide open. Hindi niya na alam kung ano ang sasabihin sa mga nakikita niya ngayon. There are tons of posts that are edited pictures of Aliyah sitting in between him and Prince Kairo. Mayroon pang mga polls sa kung sino ba talaga ang mas nararapat para kay Aliyah. And of course, the Prince has almost all of the votes. He figured that Prince Kairo would, so he wasn't surprised at that part. What really got his attention was the huge following on account. It has his own picture as the profile photo and the name states, "Prince Ty." "Prince Ty?" tanong ni Tyler sa sarili niya. "What the hell? I really do have a fan account this big? What is wrong with these people? How can they- what the f*ck?" halos mabato na niya ang telepono nang makita ang isang edited picture nilang dalawa ni Aliyah na nag hahalikan. The fan re- posted the edited photo with a caption that has nothing written on it but three purple hearts. "Are they nuts?" sigaw ni Tyler. "They must have lost all of their brain cells or something! Bakit naman sila gagawa nang nakakasukang picture na ganito? Nakaka- diri naman itong mga 'to! How do I report this?" Sinilip nang pasimple ni Dawn ang picture, "Ay nakita ko 'to," bulong niya habang naniningkit ang mga mata. "Gusto nila na magkatuluyan kayong dalawa ni Lady Aliyah tapos gusto rin nila na maging sila naman ni Prince Kairo. Hindi ko na rin maintinhan nga kung sino ba talaga ang mas gusto nila na magkatuluyan. Siguro kaya rin nila sinimulan na gumawa ng mga poll na gan 'yan." "They are out of their minds, that's what I can tell you," Tyler sighed and slammed his phone down on it's screen. "Kaya kung ano na lang ang mga naiisip ng iba eh, kasi mayroong magagaling sa pag e- dit na ganito ang goal sa buhay. Para lang mapagulo nila ang buhay nating lahat." "When my mother sees this, I wonder how it would look like to her. Baka mamaya maging isa sa mga ipipilit niya sa akin ito. Kung gusto niya na ilayo ko si Aliyah sa pang gagamit sa kan 'ya ng palasyo, hindi ko naman maaaring gawin 'yon nang pinapaniwala lang siyang mayroon akong nararamdaman para sa kan'ya," napatingin si Tyler sa may stage dahil sa mala anghel na boses na umaalingawngaw sa buong lugar. Gawa ito ni Aliyah, ang boses ng isang anghel na kagaya niya lang ang makakapagpahinto sa lahat. Maging sa mga iniisip ni Tyler. "Ang galing niya talaga, ano?" tanong ni Dawn habang kitang- kita sa mga mata niya ang mataas na pag tingin sa dalaga. Tumango si Tyler, "I know," he said. "Looks like falling for her wasn't that hard after all."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม