"Hoy, bakit hindi ka naman makakain d'yan?" siniko ni Aliyah si Tyler na nakatulala pa rin habang nakaupo sa harapan niya. They got inside their new space and they even got the chance to eat on the spacious dining table. Seems like Emily outdone herself this time. Sa sobrang kaunting oras laman kasi ay nakaya niyang mag hanap ng tutuluyan ng mga ito na secured at maganda pa. Hindi sila nagsisiksikan kahit na anim silang nakatira rito.
"Mayroon alng talaga akong iniisip," Tyler gave her a quick glance. Aliyah seemed to notice his fake smile, but she did not think that the two of them are close enough that she could ask him about it. Especially not in front of all their friends like this. It would really turn sour really quick.
"Nako, mamaya pala sa meeting, hindi mo na kailangan na sumama, Tyler. Kahit na mag pahinga ka na muna rito, tutal naman marami na ang makakasama ko na mga bantay lalo na at si Emily ang namili ng spot para sa meeting. Nandoon na ang iba sa mga royal guards para mas masigurado nilang napapalibutan na nila ang buong lugar bago pa man ako dumating. Tapos itong sina Dusk at Dawn pati si Ira at Dan, hindi naman ako iiwanan niyang mga 'yan kahit na sa banyo pa. There is actually no need to tag along since its going to be real quick," sabi ni Aliyah habang hinihiwa ang piraso ng pork barbecue sa plato niya. Hindi niya na nilingon si Tyler at sapat na sa kan'ya ang tipid na 'Okay ' nito bilang sagot.
"Ano pala ang susuotin mo mamaya, Aliyah?" Dan asked. Aliyah felt extremely relieved when she heard her talk it lessen the weird awkward mood surrounding the whole table. Nagkunwari pa si Dan na marami siyang iniisip kahit na pansin naman talaga ni Aliyah ang ginagawa niya. "Mayroon kang maganda na red dress, may black rin 'yong long sleeves naman. Puwede 'yong black, actually. Parang a- attend ka sa burol, parang may namatay. Bagay dahil parang paglalamayan natin ang pag talikod mo roon sa mga projects. Or puwede rin pala 'yong red, girl! Para kunwari masaya tayo talaga dahil nga magiging Princess ka na, oh, 'di ba!"
Napapangiti si Aliyah, she almost started clapping. Her poor assistant have been doing the absolute most just to keep the vibes right. Alam niya rin siguro na naiilang itong babae at kailangan niya ng tulong. Hindi siya nagkamali sa bawat sinasabi niya dahil talagang nawala na ang katahimikan, pinag uusapan na ang mga itsura ng dress ni Aliyah.
Aliyah looked at her own clothes, "Hindi na siguro ako magpapalit, tutal mabilis lang naman na usapan eh. Hindi naman din daw sobrang galit na galit ang mga sponsor pati na rin ang mga direktor, talagang gusto ko lang na sumama sa meeting dahil na rin gusto kong mag bigay ng respeto sa kanila. Mas maganda na rin na mag pakita talaga ako roon dahil nabigyan ko sila ng problema ngayon, mas magandang humingi ng tawad sa personal."
"Aliyah, gusto mo ba talaga ang pag labas mo sa mundo na ito?" napalingon ang lahat sa biglaang tanong ni Tyler sa dalaga. She too was taken aback by the sudden question. "Ano? Gusto mo ba talaga na ganitong hihinto na ang pagiging celebrity mo, pag pu- pull out sa lahat ng mga projects, tapos hindi ka na makakabalik sa acting ulit, pati na rin sa mga guesting at singing gigs mo."
Aliyah was beyond surprised when she asked, "Bakit parang biglang nag bago ang- hmm, kanina lang ikaw ang nagsasabi sa akin na hindi ito talaga pag alis. Ang sabi mo pa, hindi ako dapat na malungkot dahil dito, hindi ba?" she forced a laughter that was quickly followed by her friends. They backed her up, sensing the tensed and heavy aura surrounding the two. Parang sa isang saglit lang ay sasabog ang mga ito dahil sa init. Hindi normal na ganito ang nakikita nila mula sa dalawang tao na palaging masayahin at puro katatawanan lamang talaga ang usapan, madalas.
"Yeah, I know," Tyler responded. "It's just that, I really am wondering. Ano ang totoong nararamdaman mo tungkol dito? Gusto mo ba talaga na aalis ka na sa showbiz at iiwanan mo na ang lahat? Or napipilitan ka lang kasi kailangan mo na maging prinsesa? Kasi mas maganda kung pag usapan na natin ito ngayon pa lang, hindi makakabuti kung magkakaroon ng Prinsesa ang nation na napipilitan lang. I mean, no offense, pero naiintindihan mo rin naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin at sigurado naman din akong alam mo na nag aalala lang ako dahil hindi lang ang kinabukasan ng bayan ang gusto kong masigurado, pati an rin ang kinabukasan ng pinsan ko. Kung ano ang mangyayari habang siya ang naka- upo sa trono."
"I get it, alam ko ang pinang gagalingan mo, alam ko rin ang gusto mong siguruhin, pero to be honest with you, para sa tanong mo na, napipilitan ako?" Aliyah shook her head. "Hindi ako napipilitan. I am really sad about me leaving my co-workers, my company and my team behind, because I know that most of their source of income are directly tied to what I do. And it really sucks, let me tell you that. Nalulungkot din ako kasi hindi ko na magagawang makalapit sa mga tao na nagmamahal sa akin nang lubusan. Ang sarap din kasi sa feeling na maka- sold out ng isang buong venue at mapalibutan ng crowd na talagang alam mong naroon para suportahan ka. And also, natatakot ako na baka hindi ko magawa ang dapat kong gampanan bilang Prinsesa ng buong Aztariya, pero lahat ng 'yon ay hindi naman maaaring sabihin na pruweba na ako ay napipilitan lamang. Hindi ko itutuloy ang kasal kung alam ko na napipilitan lang ako. At lalong hindi ko gagawin 'yon kung alam kong napipilitan lang din si Kairo. Ako pa mismo ang lalayo, ako na mismo ang maglalaho. Pero hindi eh," Aliyah waited for any reaction that might come out of Tyler. But he simply just nodded in silence. He also gave her a chilling smile and then proceeded to munch on his food.
"Bakit naman ang lalim ng mga tanungan at sagutan nin'yo for today's video, Sir Tyler?" Dan asked with a teasing tone to it. "Kung nalaman ko lang na may ganito pala na question and answer, sana hindi ko na muna pinasali rito sa beauty pageant itong alaga ko. hindi pa kasi napurga sa mga pang malakasan at nanghahampas na Q and A 'yan, kulang pa sa training! Hanggang sa talent at sa paganda lang muna siya may laban, teka lang naman!" Napatawa niya rin si Tyler sa wakas..
Tyler responded with a faint smile, " Hindi naman sa sinasadya ko na maging malalim, hindi ko rin inakala na mapapadpad sa ganito, gusto ko lang talaga na mas makilala pa si Aliyah. Gusto ko rin syempre na siguraduhin na handa talaga siya sa mangyayari ngayon. Kasi siyempre sobrang laki ng magiging sacrifice ni Aliyah kung matutuloy na magiging prinsesa siya. She would need to let go of her past life, she needs to shed out and old skin and slip into a new one in a matter of seconds. Hindi magiging madali. At hindi rin magiging maganda para sa mental health niya siyempre kung hindi pa pala niya fully grasped 'yong idea na 'yon. Baka half way through ay sumuko na lang siya at bumigay, syempre hindi puwede 'yon, mahihirapan si Aliyah, pati na rin ang pinsan ko."
"I see your concern," Aliyah smiled. "Gets ko na kung bakit bigla kang nag interrogate, Tyler. Pero 'wag kang mag alala, hindi magiging problema ito sa akin at kay Kairo. Sa totoo lang, kahit naman na anong worries ko, at kahit na ano pa ang maging problema, alam ko na makakaya kong harapin at madali lang namin na malalampasan lalo na kung magkasama kaming dalawa. We can be quite powerful when we join forces, you know!"
"I get it, mas mabuti na ang sigurado tayo. Sana nga, Aliyah. Sana nga," naniningkit ang mga mata ni Tyler nang sabihin 'yon sa dalaga. He finished his meal together with the whole crew and they all got back in their respective rooms to relax for a while before Aliyah's meeting at two in the afternoon.
"Siguro sobrang laki ng pag aalala ni Sir Tyler sa magiging lagay ni Prince Kairo kung matutuloy ang kasal nin'yong dalawa, ano?" biglaang tanong ni Ira. "Mukha kasing gusto niyang siguraduhin kanina na talagang magpapakasal kayo ni Prince Kairo dahil sa pagmamahalan niyo at hindi dahil sa magiging convenient lang kapag nagkataon."
Dan nervously nodded, "Hoy parang nga," sabi niya pa. "Kaya lang, parang hindi niya rin alam na ginagawan naman talaga natin ng paraan na malinis ang pangalan ni Prince Kairo. Kasi parang medyo taliwas siya roon no'ng napag usapan, hindi ba? Palagi niya rin na nababanggit na proud siya sa pagkakaroon ng pinsan na handang gawin ang lahat para malinis ang pangalan niya bago magsimula na ipakilala ka bilang mapapangasawa niya. Hindi niya alam na 'yon ang nauna mo pa talaga na plano, ang magamit ang kasikatan mo para matulungan siya."
"Oo nga eh, parang hindi niya pa nga alam na ang unang balak talaga ng- hay, hayaan niyo na nga. 'Wag na lang nating sabihin sa kan 'ya na 'yon talaga ang ginagawa natin sa tuwing mayroon tayong mga video na inilalabas. Ang alam niya, kaya lang tayo mayroong mga vlogs na pino- post kasama si Kairo ay dahil gusto natin na unti- unting matanggap ng publiko ang relasyon naming dalawa. Which, I mean, it's partly true. Hindi naman natin maitatanggi na 'yon talaga ang gusto natin, maging madali para sa madla na tanggapin na kaming dalawa ang magiging end game, 'di ba? Hindi na natin kailangan na banggitin ang tungkol sa pag co- convince natin sa public na iba ang talagang Kairo."
"Don't worry, hindi kami sasablay ni Ira sa pagtatago no'n, kayang - kaya namin 'yan. Hindi niya talaga malalaman ang tungkol doon. Siguro naman hindi na magiging issue ito."
"Also, may itatanong nga pala ako kanina, nakalimutan ko kasi," sabi ni Aliyah. "Ano itong nasa bag ko, Dan?" hinatak niya ang isang tela na nakatupi sa may bag niya na kanina ay ipinahawak niya lang sa alalay. Hindi naman maipinta ang mukha ni Dan dahil sa telang hinatak ni Aliyah.
Her eyebrows were furrowed, "Ano 'yan? " tanong ni Dan. "Hindi ko pa nakita 'yan. Sa'yo ba 'yan?"
Napatingin si Aliyah sa kaibigan, "Ha? Hindi ito sa akin. Hindi ko pa nga nakita itong tela na ito. Bakit nasa bag ko?" pinindot- pindot niya ang hawak na telang naka tupi nang maayos. "There seems to be something inside," sabi niya pa.
Nang buksan ng dalaga ang tela, sabay- sabay silang napanganga, "Lipstick?" pabulong na tanong ni Ira. "Hindi ba 'yan ang lipstick mo? Baka nabalot mo lang na- huh?"
Maging si Ira ay naguluhan dahil ang loob no'ng tela ay may kasamang maliit na papel.
"Hope you like it, my Queen?" natatawang basa ni Aliyah sa note. "What the hell?"
"Oh my gosh! Ang sweet naman ni Prince Kairo!" tili ni Dan. "Siguro hindi mo napansin na nilagyan niya ng regalo 'yang bag mo. Talagang napaka sweet, nakakainis. Sana all may Prince Kairo!"
Ira clapped, "Ang cute naman!" sigaw niya pa. "Paano kaya nalaman ni Prince Kairo na 'yan ang paborito mong lipstick? Never kong in- expect na magbibigay siya ng gan'yang klase na regalo at talagang patago pa ha? Siguro nahihiya siya na ibigay sa' yo nang harap- harapan, naiilang sigurado 'yong si Prince!"
"Ha? Talaga ba?" Aliyah shyly blushed. "I didn't think he'd gift me something like this. Ang cute nga," bulong niya habang binubuksan ang lipstick. "He knew my favorite brand and shade, that's so sweet and so nice of him." Nahihiya pa siyang nag ayos ng buhok, "Nasaan na ba 'yong phone ko? I will thank him for this cute little surprise."
"Hoy, 'wag," sabi ni Dan. "Ano ka ba? Hindi niya nga sinabi sa'yo nang harap- harapan ang regalo na 'yan, ibig sabihin medyo shy pa siya. So ang pinaka magandang gawin mo, ipakita mo na lang sa kan'ya na suot mo na ang lipstick. He might be able to notice it and he will know that you already seen it."
"Tama!" pag sang ayon naman ni Ira. "Kapag nakita niya ang pamilyar na kulay ay malalaman na niyang ito ang ibinigay niyang gift sa'yo. Also, look at this cloth!" she unfolded the cream colored piece of cloth.
"Wow!" Dan was immediately in love with the beautiful cream colored shall with a simple rose embroidery on one end. "Tignan mo, ang cute!"
"Why did he randomly give me this?" Aliyah asked. "Huh, ano kaya ang iniisip niya? Bakit ito ang mga naisipan niyang ipang regalo sa akin?"
"Baka gusto niyang sabihin na ito na lang ang gamitin mo na pang talukbong sa tuwing kailangan mong mag tago ng face. 'Di ba lagi kang may gan;yan na ginagamit sa tuwing nagtatago tayo sa mga paparazzi, 'di ba?" Dan said.
"I know, maybe that's what he thought of," Ira said while enjoying the silky cloth.
"I will wear it then," Aliyah happily said. "This one's really cute!"
"You can use this later when we go to the meeting. Kapag nakita siguro ni Prince Kairo sa mga news article na ito ang suot mo, hindi niya na mapipigilan na kiligin."
The thought made Aliyah giggle, "Oh, he would huh?" she whispered. "I will pose with this."