❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Mula sa kalahating oras nang byahe ay nakarating na rin kami sa isang lugar na medyo pamilyar sa'kin noong kabataan ko. "Amusement park?" Tanong ko sa sarili ko habang iniintay na maipark niya ang sasakyan. "Wait lang suotin mo muna 'to bago ka lumabas," sabi niya at may kinuha sa back seat ng sasakyan niya. Inabot niya sa'kin ang isang headband na may tenga ng pusa na color white and may pink na ribbon na design. "Hu? Para saan 'to?" Tanong ko sa kaniya at bigla akong na gulat sa pagharap niya sa'kin. May suot rin siyang headband na pusa rin at color black and blue naman ang design, pinigilan ko ang paglabas ng tawa ko dahil hindi ko ma-imagine na ang boss at CEO ng Facial Republic ay magsusuot ng cute na bagay. "Why? May problema ba?" Tanong niya habang inaayos

