❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Mabilis na natapos ang linggo at sumapit na agad ang lunes, ito na naman ang paulit-ulit na kaganapan sa buhay ko. Kung saan uupo ako sa harap ng computer ko at magtatrabaho ng sampung oras kada isang araw sa loob ng isang linggo. Tanging weekends lang ang pahinga ko at parang umupo lang ako sa sofa tapos na agad 'yung day off ko pwera na lang nung sabado na medyo mainit-init pa sa ala ala ko. Napahawak ako sa pisnge ko nang maglaro na naman sa isip ko ang sensation na iniwan niya sa'kin ng gabing 'yun kaso tuwing mapupunta na sa climax 'yung pag de-day dream ko ay na puputol 'to dahil sa kagagahan ko at sa bwisit na timing ni baby boy Liam. Nako unti-unti na talaga nagbabago ang pananaw ko sa kaniya simula ng pumunta ang pinsan niya sa branch namin bilang bagong CE

