KABANATA 7

1972 คำ
Chapter 7 – The Reminisce Paul’s POV Nakaupo ako sa isang malaking Bench malapit sa Hallway habang hinihintay ko si Aya sakanyang last subject ngayong araw na to. Kagaya ng napag-usapan namin ng kanyang Papa ay ako ang susundo sa kanya ngayong araw na to. Nagsuot ako ng hoody, itim na cap at nerdy glasses para di ako makilala ng kung sino man na die-hard-fan jan na may megaphone ang mga bibig. Kunwari’y nagbabasa ako ng isang random na libro na nakatabon sa mukha ko habang nakasukbit sa kaliwang taenga ko ang isang headset. Di na siguro nila ako makikilala sa itsura kong ito. Mahirap nang dumugin ulit ng mga yon! Kung saan-saan pa ko nagtago. Buti nalang hindi pa nila ako sinundan hanggang sa loob ng Boy’s Comfort room kun’di baka pinagpyestahan na nila ako. Wala akong choice kanina kundi doon magtago. Hayyy.. Ang hirap talagang maging gwapo minsan. Hehe. Sandali kong tiningnan ang relo ko, mga 15 minutes nalang siguro at magsisilabasan na sila. Sa Major subjects lang kasi kami magkakaklase na Block. Kapag ibang minor subjects na ay hindi na kami halos magkaklase lahat. Hindi ko alam kung bakit gusto-gusto kong inaasar si Aya. Natutuwa lang siguro ako kapag napipikon siya. She want herself to be called ‘Aya’ but I kinda miss calling her ‘Maya’. Maya Martinez kasi ang full name niya. Hindi ko maikakaila sa sarili ko na matagal na akong may gusto sakanya. But I know to myself that she won’t feel the same about me. So I stayed low as her annoying childhood friend. Napapangiti ako nang maalala ko noong mga Elementary pa kami. Madalas siyang nadadapa dahil sobrang clumsy niyang bata. Madals ko siyang tinutulongang tumayo at ako mismo ang pumapagpag sa damit niyang nadudumihan. Minsan pa nga ginagamot ko ang mga bruises niya resulta ng pagiging malikot niyang bata. Kapag natatapos na akong gamotin siya, tulongan o patahanin ay aasarin ko nanaman siya hanggang sa hahabolin niya ako para gantihan ng batok o di kaya kikirotin niya ako ng pagkalakas-lakas sa pisngi. Name-miss ko na ang mga araw na yon. Tumayo akong kuya niya at parati kaming magka-klase noong Elementary pa lang kami, hindi kasi ako pumapayag na hindi siya kaklas. Madalas kasi siyang binu-bully dahil may mga batang naiinggit sa kanya dahil mayaman at sikat na politico ang pamilya nila. Ayoko na may bumu-bully sa kanya dahil ayokong nakikita siyang umiiyak. Parang nadudurog ang puso ko kapag nakikita kong may mga luha sa maamo at cute niyang mukha. At least ako kapag inaasar ko siya naiinis lang siya pero di ko siya napapa-iyak. Napapangiti ko pa nga siya eh. Pero hindi ko alam kuung na-a-appreciate niya yon hanggang ngayon, o mas nakasanayan nalang niya na isa akong malaking Unggoy, Kapre (dahil sa katangkaran ko), Monggoloid at nakakaasar na nilalang sa buhay niya. Bata pa lang ako ay pinangako na sa sarili ko napo-protektahan ko siya hanggang sa makakaya ko. Malaki ang utang na loob ko sa Papa niya. Ang pamilya Sarvante, ang dalawang matandang mag-asawa na umampon saakin ay dating business partner ni Mr. Martinez, ang Papa ni Aya. Siya ang nag-udyok sakanila na amponin ako. Isa kasi si Mr. Sarvante sa malaking politico na sumusuporta sa Orphanage kung saan ako nanggaling. Limang taon pa lamang ako noon nang isang beses ay bumisita siya sa orphanage na iyon. Naglalaro ako sa bakuran malapit sa isang maliit at mababaw na fishpond, siguro’y mga hanggang leeg ko lang ata iyon ng mga araw na yon. Nakita ko si Mr. Martinez na kausap ang ilan sa dalawang Madre habang akay niya ang isang cute at malusog na batang si Aya. Apat na taong gulang pa lang siya nun. Kinuha nung isang Madre si Aya at dinala niya ito malapit sa iba pang mga batang babae. Natuwa ako habang pinagmamasdan siya. Mukha siyang munting anghel. Nakita kong binaba mona ng Madre si Aya dahil umawat siya sa dalawang batang babae na pinag-aagawan ang isang laroan. Hindi nito napansin ang inosenting si Aya na naglalakad papalapit sa fishpond. Bilang bata ay ang akala ko’y titingin lang siya dito. Ngunit di ko inaasahang madudulas ito at mahuhulog sa pond. Maliit lang nun si Aya kaya malulunod talaga siya doon. Sa sobrang gulat ko ay mabilis akong tumakbo at tumalon din sa fishpond upang sagipin siya. Sumigaw pa ako ng tulong habang tinataas ko siya. Buti nalang at nasa lahi ko ang pagiging matangkad kahit bata pa lang ako. Sa awa ng diyos ay nakita nila kami at nailigtas ko siya. Sobrang saya ko ng araw na iyon at napakagaan ng pakiramdam ko dahil nakatulong ako sa kapwa. Sa mga oras na yon ay napahanga ko siguro si Mr. Martinez. Napag-alaman pa niya na nag-iisa lang akong lalaki sa ampunan na iyon. Nahabag din siguro siya sa kwento na isa ako sa mga kawawang batang iniwan lamang sa loob ng simbahan. Bilang pasasalamat niya saakin ay nerekomenda niya ako sakanyang business partner na walang iba kundi ang mga Sarvante, ang mababait na matandang mag-asawa na hindi na nagka-anak pa. Masayang-masaya ako dahil mapag-mahal sila. Minahal nila ako bilang tunay na anak. Binihisan nila ako, pinakain, pinag-aral at binigay ang mga gusto ko. Sa kasamaang palad, dahil matatanda na sila ay naiwan nanaman ako. Pitong taong gulang pa ako noon nang unang mawala si Mrs. Sarvante at Sampong taong gulang ako nang sumunod dito si Mr. Sarvante, pawang dahil sa sakit at katandaan. Dahil minahal nila ako kahit na ampon lamang ako ay binigyan nila saakin ang kalahati ng kanilang yaman. Pero hindi naging madali ang lahat. Nagalit saakin ang mga kamag-anak ng mag-asawa dahil ano daw ang karapatan ng hamak na ampon na katulad ko sa kayamanan nila. Bilang isang bagito lamang at bilang pagrerebelde ko’y sinuko ko nalang lahat ng namana ko sakanila. Hinayaan ko silang lumangoy sa kayamanan nila. Dahil tanggap ko din sa sarili ko na hamak na ampon lamang ako. Isang araw ay nakita ko nalang ang sarili kong nakatayo sa harap ng bahay ni Mr. Martinez. Umiiyak at naghihinagpis dahil sa pagkawala ng dalawang matatandang tinuring akong pamilya. Ang pamilyang minahal ako at tinanggap ako kung sino ako. Wala akong matatakbuhan ng mga araw na iyon. Si Mr. Martinez lang ang alam kong lubos na malapit kina Mr. at Mrs. Sarvante. Kagaya ng mga Sarvante ay tinanggap niya ako ng walang pag-aalinlangan. Sobrang bait niya saakin. Siya ang pangatlong buhay ko. Una, ang Orphanage o ang mga Madre at Panagalawa ang mag-asawang Sarvante. Hinayaan niya ako sa gusto ko at hindi ko naman siya kailanman binigo. kasama na sa panagako kong kabayaran sakanya ay ang pagprotekta ko sa nag-iisang anak niya na si Maya Martinez o mas kilala bilang si Aya sa school. Mula Elementary hanggang ngayon ay para kaming aso’t pusa kung magbangayan. Pero kahit gaun kami sa isa’t-isa ay alam naming saaming mga sarili na nag-aalala kami sa bawat isa kahit madalas in denial siya sa sarili niya. Mas mabuti nang ganun dahil wala ako sa posisyon para pangarapin ang isang prinsesang di ko kailanman abot. Alam kung andito lamang siya, malapit saakin, pero kung titingnan mo ang mga gusto namin sa buhay ay masyadong malayo ang pagkakaiba nito. Pinili ko ang musika ng instrument at pag-awit, siya naman ang pagsasayaw pero nakikita ko pa rin na mas priority niya ang pag-aaral niya. Ako naman, masaya na ako sa pagbabanda. Dahil yon ang pangarap ko. Pero si Aya, alam kong malayo-layo pa ang pangarap at mararating niya. Ako naman, hindi pa sigurado sa lahat. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko ang paalala saakin ni Mr. Martinez. Mukhang may problema ito sa kompanya at nasa alanganin kanyang seguridad kaya nasa out of town ito. Isang mahirap na gampanin bilang isang politico at mayaman, hindi mo alam kung kalian darating ang panganib. Kaya naman saakin niya pinagkatiwala si Aya dahil dahil alam niyang hindi ako mapagkakamalan ng kung sino mang gustong magbalak sa anak niya. Yon ang naiisip ko at sana wala ngang masamang mangyari saamin lalo na sakanya. Nagising ako sa pagmumuni-muni at pagbabalik sa Masaya at masallimoot kong nakaraan ng biglang mag-ring at mag-vibrate ang Cellphone ko. Tiningnan ko ang screen nito at nakita kong si Alex pala ang tumatawag saakin. Ang lead vocalist namin sa banda. Agad ko naman itong sinagot. “Bro! San ka?” masayang bungad niya sakin sa kabilang linya kahit di ko pa siya nababati. Pero sanay na ako sakanya at sa dalawa pa naming kasama. Sina Miko at Vince. Malapit na barkada na ang turingan namin sa bawat isa. Si Miko an gaming Drummer at kami naman ni Vince ang Guitarist pero mas prefer niya minsan ang mag Piano. “Wala man lang ‘Hello’ jan bro?” biro ko pa sakanya. “Nasa School ako. Bakit?” “Huh? E diba wala ka namang pasok sa ganitong oras pag lunes? Hula ko, nagha-hunting ka nanaman siguro ng magandang tourist spot nuh?” pang-aasar pa nito saakin na ang ibig sabihin niyang magagandang tourist spot ay mga babae. “G*go! Di ako tulad mo! Pinapasundo lang sakin ni Mr. Martinez si Aya!” narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa. Sira talaga. “Anyways, we need you here later sa Mischief Maker. Guess what?” Parang nararamdaman kong may nakakalokong ngiti sa tono ng boses niya. Ang tinutukoy niyang Mischief Maker ay ang bar ni Sir Miggs kung saan madalas kaming nagla-live band pag wala kaming malaking gig sa ibang lugar. “Hindi ako manghuhula dude.” Pamimilosopo ko pa rito. “Haha! Si Sir Miggs pare! Ipapakilala na daw niya ang kanyang forever na matagal na niyang hindi pinapakita satin! Andito rin si Sir Belmont mamaya kaya dapat andito ka din dahil may request song satin si boss para sa pag-ibig niya. Haha!” halatang excited ito. pati ako na-excite tuloy. “Talaga? Aba, himala ah! Sige-sige, punta ako jan ng maaga mamaya.” “Maaga eh magse-seven na. ihahatid mo pa ang kamahalan mo.” Biro naman nito. Kakilala din ni Aya ang mga kasama ko sa banda pati na rin si Sir Miggs. Minsan na sila nito nakabonding noong nagperform kami dito sa School. Good vibes naman ang mga ito sa bawat isa. Pero sa mga kabanda ko ay si Alex lang ang may alam na may lihim akong pagtingin kay Aya. “Idadaan ko nalang mona siiya jan bago ko siya iuwi. Maaga naman tayong matatapos sa performance ngayon. Total hindi pa niya nakikita ang bar. Tsaka at least di siya ma-a-out of place dahil darating ang pag-ibig ni Sir Miggs!” paliwanag ko pa sakanya. “oo nga nuh. Magandang idea yan. Papuntahin ko nalang din si Bianca dito,” napakunot naman ang noo ko  sa binanggit niyang pangalan. “Bianca? Akala ko ba si Vanessa nililigawan mo? Sino naman yang Bianca?” halos natatawa kong tanong sakanya. Playboy kasi ang g*go. “Na-friendzone ako bro!” halos sabay kaming natawa sa sinabi niya. “Seryoso? Hahaha! Buti nga sa’yo!” asar ko pa sakanya. Napalingon naman ako bigla sa isang room di kalayoan sa kinauupoan ko. Bigla kasing umingay doon at unti-unting lumalabas ang mga estudyante rito na mukhang tapos na sa kanilang klase. “O siya sige bro! good luck nalang jan sa Bianca mo. Kita nalang tayo mamaya. Mukhang tapos na ang klase ng Mahal na prinsesa.” Natatawang sabi ko. “Ayeeeh! Torpe! Sige, kita-kits! Bye!” asar pa nito at tuloyan nang piñata ang kanyang tawag. “Birdie Maya!!!” masiglang bati ko rito na parang bata at may kasama pang pang-aasar. Agad namang kumunot ang noo niya nang makita niya ako. Natawa naman ang best friend niyang si Yen-Yen saamin na kasama niyang naglalakad papunta sa dereksyon ko. “Uggghh!! Makakatikim ka talaga saaking unggoy ka!!” --- End of Chapter 7
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม