KABANATA 6

1712 คำ
Chapter 6 – Sweet Revenge & Bad Move Third Person’s POV “Aya! Wait!” sigaw ni Paul kay Aya na nagmamadaling nilagpasan siya. Hindi niya pinansin ang sinasabi nitong Missing Deal. Nakayuko lamang ito at parang ayaw ng eye contact sakanya. Sinadya naman ni Aya na di siya pansinin at tuloy-tuloy lang ito sa mabilis niyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa hallway. Sa likod niya’y patuloy pa rin siyang hinahabol ng binata na kanina pa nangaasar sakanya. “Teka Aya, hintayin mo mona ako!” muling sigaw sakanya ni Paul na parang hinihingal na. “Seriously! May lahi ka bang kabayo? Ang bilis mo namang maglakad!” reklamo pa niya rito pero di pa rin siya nililingon. Sandaling napahinto si Paul nang makita niyang papalapit si Aya sa kumpolan ng madaming mga babaing nakaupo sa benches malapit sa kanilang hallway. Nagtaka ito dahil mga taga kabilang block ang mga ito at alam niyang hindi naman sila kakilala ng dalaga. Mas ikinagulat pa nito ang pasigaw niyang pagbati sa mga ito. “Hi girls!!!” napalingon naman kay Aya ang mga babaing abalang nag-uusap kanina lang. “You guys know Paul Sarvante right?” Agad niyang pagtatanong sa mga ito. Sandaling natahimik ang mga babae at nagtaka. Pero di nagtagal ay nagsingitian ang mga ito at nagsitinginan sa bawat isa. “Yes of course!! Ang isa sa myembro ng Smug Wolves?? He’s the Handsome and wild guitarist of that popular band!!!” excited na sabi nung isang babaeng may blonde na buhok. Napangiti si Aya sa kanyang sarili, mukhang magtatagumpay siya sa kanyang plano. “Yong hottie na si Paul Sarvante? OMG! We know him!! we are his number 1 fan!! Bakit mo naman natanong Miss?” nakangiting sabi naman nung girl na may short hair. kinilig naman ang bawat isa sakanila na tila naghihintay ng Good news sakanya. “Oh no…” pabulong na nasabi ni Paul sa sarili. Parang naiisip na niya kung anong binbalak ni Aya. Hinay-hinay na itong umaantras di kalayoan mula skanila. “Well girls, be hold!!! He’s here and he’s so ready for a fan sign!” halos natatawang sabi ni Aya sabay turo kay Paul na halos mapanganga sa gulat dahil sa sinabi niya sa mga ito. “Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!! Si Paaaaaaaaaaaaaaaaaaaul Sarvanteeeeeeeeeeeeeeee!!!!” halos masira ang ear drums ng dalaga ng sabay-sabay magsigawan ang mga kinikilig na mga babae. “Hi-hindi… nagkakamali ka-“ dedepensa pa sana ang binata pero huli na ang lahat dahil dinumog na siya ng mga ito. Halos mag wild na ang crowd sa kanilang malawak na hallway dahil nakuha na niya ang atensyon ng lahat. Wala na siyang choice kundi ang tumalikod at kumaripas ng takbo. Samantala, halos manakit ang tiyan ng dalaga sa kakatawa habang pinapanood niya ang kawawang si Paul na hinahabol ng kanyang mga fans. “HAHAHAHAHAHA!!!.... Grabe!!! Ito na ang ‘the best revenge’ ever!!!” halos maluha-luha na ang kanyang mata sa katatawa. “Good luck Monggoloid!!!” sigaw pa niya rito pero alam niyang di siya nito maririnig dahil abala na itong tumatakas sa mga babaing naghahabol sakanya. Napailing nalang siya sa kanyang sarili habang tinatahak ang daan papunta sa kanyang Locker. Wala siyang pakialam kung mapagkamalan siyang baliw ng ibang mga estudyanting nadadaanan niya dahil sakanyang wagas na pagtawa. “Hayyy… ang galing ko talagang magplano!” nangingiting sabi niya sa kanyang sarili nang makarating na siya sakanyang locker habang nilalagay na ang mga gamit niya sa loob nito. Kinuha na niya ang iba niyang gamit para sakanyang next subject. Sinuot niya ang kanyang headset at masayang sinasabayan ang tugtug ng kanta sa hangin, Pinili mona niyang manatili sa library dahil may 30 minutes pa siyang natitirang oras bago ang kanyang next subject. --- Aya’s POV Good vibes ako nang makarating ako ng Library. Syempre, sino ba naman ang hindi sasaya kung nagawa mo nang makaganti sa mortal mong kalaban. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag nai-imagine ko ang mukha ni Paul habang tumatakas sakanyang mga die-hard-fans. Hahahaha!! I’m such a genius! Kumuha na ako ng pwesto sa library, piñatay ko na ang tugtug sa headset ko at tahimik na nagbasa para sa magiging lecture namin mamaya. Magiging mapayapa na sana ang loob ko ng biglang may di inaasahang sumulpot na kabute-este-lalaki na bumulong sa kanang taenga ko. “Found yah!!!” “Ay kabayo!” biglang tili ko sa sobrang gulat. Nang lingonin ko kung sinong kumag ang nanggulat saakin ay nagsisi ako. It’s a very Bad Move. Halos mahalikan ko na siya sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. “Well, Hi there.. It’s good to see you again Aya..” kalmadong sabi nito saakin. Sa sobrang gulat ko ay natulak ko siya papalayo. “P-Paul? Paanong-paano ka nakatakas- I mean anong ginagawa mo dito?“ nauutal pa ako. Bigla akong natataranta at di ko malaman kung anong gagawin ko. Tatakasan ko ba siya? Hindi, kalma lang self. Kalma lang.. inhale-exhale.. Umayos naman ng upo si Paul mula sa pagkakatulak ko sakanya at seryosong humarap saakin. “Ikaw ah. Nakakarami ka na saakin. Wew! That was harsh, but, for your information, this handsome face right here, has many pogi ways para matakasan ang mga nababaliw nang mga babaeng yon.” Sabi pa niya habang nakaturo sa mukha niya. My god! Ang sarap niyang sapakin sa mukha! Sasagot sana ako ng biglang dumating ang Librarian. Patay. Masyado na siguro siyang naiingayan saamin. “Kayong dalawa, kung magliligawan kayo ay doon niyo yan gawin sa labas ng library. May mga estudyanting nag-aaral dito.” Ang taray naman ni ma’am librarian. Napayuko nalang ako at nag-sorry sakanya. Siniko ko naman si Paul ng hindi ko narinig na nag-sorry siya. Nginitian lang nito ang librarian. Wow ha! Pa-charming effect ang lolo niyo. Pero nagulat nalang ako ng nag-iba ang tono ng boses ni ma’am librarian nang makilala niya kung sino itong lalaking katabi ko. “Ohh.. You’re Paul Sarvante right? From the Smug Wolves? My daughter is one of your die-hard-fan!” Excited na sabi pa nito habang nakangiti hanggang taenga. Wow lang!! Unfair to ah… dinadaan niya sa karisma! Grrr! Si ma’am librarian naman parang nagugustohan pa ang ngiti ng mayabang na mokong na ito! Ewww… “Yes ma’am, the one and only.. Paul Sarvante.” sabi pa nito. Yuck!! Sobrang yabang talaga! Mautot ka sana nang mapahiya ka! Hmf! Napailing nalang ako at tinalikuran sila habang busy na nag-uusap. Wow! Sino na ngayon ang maingay? Hiyang-hiya naman ang bangs ko sakanila. Napanganga nalang ako nang magpa-selfie pa si ma’am librarian at nagpa-autograph sa maliit niyang notebook para daw sa daughter niya. Aisuss! If I know…. Baka para saknya yon! Geez! Grabe! Gusto kong tawanan sila ng malakas! Pero di pwede, baka masita nanaman ako. At ang monggoloid na Sarvante. Ngingiti-ngiti pa. psssh! Malaglag sana ngipin niya! Napaka-hangin talaga! Daig pa ang lakas ng aircon. Nang matapos na sila ay umalis na si ma’am mataray na librarian at tumingin nanaman sakin ang mokong. Naupo pa sa harap ko. “You look jealous..” Yuck! Ano daw sabi niya? Jealous? Me? In his wildest dream!! Grabe! Feeling talaga! Inirapan ko nalang siya at di pinansin. “May sasabihin ako sayong importante.” Biglang naging seryoso ang monggoloid. Ano nanaman ba problema nito? “Kung aasarin mo lang din ako then wag mo nang ituloy, malapit na ang klase ko kaya wag ka nang epal jan okay? Tsaka ayokong mapalayas ng library nang dahil sa’yo.” Naiiritang bulong ko habang nagbubuklat ng libro nang hindi tumitingin sakanya. “Pinapasundo ka saakin ng Papa mo mamaya.” Bigla naman akong napatingin sakanya sa sinabi niya. “What? Why?” nakakapagtaka naman ata yon, may sarili naman kasi akong driver na hatid-sundo saakin. Mukhang seryoso nga ito. Mabuti naman, dahil pagod na ako sa panggugulo niya. Sa hindi nakakaalam, bata pa lang kami ay kilala na ni Papa si Paul. We’re childhood friend pero di lang halata. I prefer him as my enemy. “It’s an important matter. Confidential daw, but I think si tito na ang bahalang mag-explain nun sa’yo. It’s actually one of the reason kung bakit ako na-late dumating kanina sa klase. Pinakiusapan pa kasi niya ako sa phone dahil nasa out of town daw siya.” Mahabang paliwanag pa nito. Hindi nalang ako nagsalita. Confidential daw eh. May problema kaya si Papa? I wonder what’s happening. “Kanina ko pa dapat sana sasabihin sa’yo. Pero dahil nga para kang kabayong tumatakas kanina at pinahabol mo pa ako sa mga babaing may megaphone ang mga bunganga ay na-delay ang lahat.” Dugtong pa nito na parang naaasar. “Wow, sorry naman! Eh kasi sana, sinabi mo agad noong nasa room pa tayo! Di yong may pa-Missing Deal ka pang nalalaman. Kaya syempre, iiwas talaga ako. Kung ano-ano kasing kamanyakan ang tumatakbo jan sa utak mo!” Pagtataray ko pa rin sakanya but I’m still lowering my voice. Baka balikan nanaman ako ng librarian. “Tsss.. I’m just teasing you Birdie Maya. Matagal na kasi kitang di naaasar. At mas lalong hindi ako manyak. Dirty minded ka lang talaga.” Bumalik nanaman ang ngisi sakanyang mukha. Geez.. here we go again! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yong tinatawag niya akong ibon! Pangasar na niya saakin yon since high school kami dahil katunog daw ng ibon yong real name ko na ‘Maya’! Nang dahil nga sakanya ay ginawan ko nalang ng nickname ang sarili ko eh.. like ‘Aya’ para hindi na niya ako asarin ng ganun pero ayan nanaman siya! Ugh! “Don’t you dare calling me Birdie Maya again or I’ll rip that ugly smirk on your face.” That’s it! I’m pissed! Tumayo ako at nag-walk out. Mabuti pang pumasok na ako ng klase bago pa ako tuloyang ma-imbyerna sa nilalang na ito. “Bye-bye Birdie Maya! I’m excited to see you again later!” nag wave pa siya saakin at nag flying kiss. Yucks!! I think nasusuka ako. Ewwness! “Monggoloid!” huling hirit ko sakanya at tuloyan nang lumabas ng library. Hanggang kailan ba magtatanda ang unggoy na yon! Grrrr!! Nakakastress na sa bangs! Haisst!!! --- End of Chapter 6 – Sweet Revenge & Bad Move  
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม