KABANATA 5

2181 คำ
Chapter 5 – The Missing Deal Aya’s POV Tulala lang ako habang nakatingin sa black board. Nasa kalagitnaan na ng discussion yong Professor namin pero feeling ko wala akong maintindihan. Lutang ang utak ko ngayong araw na to. Maliban sa special exam na binigay saamin dahil sa pangyayaring iyon sa dorm last week, ito ang unang beses na pumasok ako ulit sa klase. Ikaw ba naman makaranas ng ganung pangyayari sa tanang buhay mo? Yong kasama kang isinet-up ng land lady niyo sa dorm sa krimen ng sarili niyang anak. Nakakatakot. Yong iba nga na-t-trauma eh. Buti ako hindi nagkaganun. Dahil na rin siguro sa dinadaan nalang lahat sa biro ni Paul noong araw na iyon kaya hindi ko ito masyadong naramdaman. Speaking of Paul on my mind, kamusta na kaya ang Unggoy na yon? Nag absent siya ngayon sa klase at hindi ko alam kung bakit. Siguro’y may practice siya sa banda nila? Hindi na kasi kami masyadong nagkikita simula nung malipat na ako sa Condo na bigay sakin ni Papa. Hayyyyyy… napabuntong hininga nalang ako sa sarili ko. “Everythings okay Miss Martinez?” nabaling ang atensyon ko kay Sir nang tawagin niya ang pangalan ko. Ngayon ko lang din napansin na nakatingin din pala lahat ng mga classmates ko saakin. “P-po?” sagot ko naman na parang nag loading. Eh sa nabigla ako. “Is the incident last week still bothering you Ms. Martinez? Napalakas kasi ang buntong hininga mo.” Hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga si Sir o nang-aasar lang dahil sa buntong hininga ko. Di ko naman inaasahan na napalakas pala yon. Hihi. Kumalat kasi sa buong campus yong nangyari saamin ni Paul last week, yong pag set-up saamin sa dorm, kaya pinagbigyan kaming umabsent ng mga dalawang araw to settle everything sa police tsaka sa security ko na rin as my father insisted for it.. Hindi ko na rin naiwasan na malaman ni Papa ang nangyari dahil lumabas din ang balita sa TV. Bilang may connections si Papa sa School, being a sponsor at some events on our school, ay pinagbigyan kami ng 2 days of excuses. Gusto pa nga ni Papa na gawing 1 week eh. Ako na ang humindi dahil masyadong madami na akong mamimiss na lectures. Sayang din ang oras. “Sir, if I know, nami-miss lang siguro niyan si Mr. Paul Sarvante, ang kanyang knight in shining guitar.. Ayeeeeeh.” pangaasar naman ni Yen-Yen, isa sa kaibigan ko sa Block namin. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at hinampas sa braso niya. “Ayeeeeh.” Sumabay pa ang iba ko pang classmates. Mga loko to ah! “Hoy! Wag nga kayo jan!!! Friend-este-Enemy kami ng Unggoy na yon nuh! Yucks! Siya mamimiss ko? Ewww..” sabi ko na sinabayan ko pa ng pag-flip kunwari ng buhok ko. “Defensive!!!!” sigaw naman nung isa ko pang kaklasing lalaki na nakaupo sa unahan. “Tingnan niyo si Aya oh! Namumula na! Ayeeh.” Nagsitawanan naman sila. Talagang ako yong pinagpyestahan ng mga abnormal na ito! kaasar!! “Hoy!! Bakit ako inaaway niyo ha! Ako nanaman nakita niyo!! At ikaw Mark tumahimik ka jan kung ayaw mong batohin kita jan nitong ballpen ko!” sagot ko naman sakanya. “Wag po!!! Baka magselos si Paul!” kunwari tinaas pa niya ang kamay niya na sumu-surrender. Tawanan nanaman ang mga loko-loko kong mga kaklase! Hainaku! Sige mangutya pa kayo! May araw din kayo!! Sabi ko sa sarili ko. “Ahhh… Kaya naman pala eh. Pag si Paul Sarvante ang usapan halos magtitili na yong mga tinuturoan ko sa kabilang Block! Sikat kasi yang friend s***h Enemy mo Ms. Sarvante.” Sarcastic na sabi ni Sir. Tsss, well it’s true, sikat ang mokong dahil sa banda nila but still, nakakairita siya! “Hainaku mga bata kayo!!! Walang Forever! Mag-aral mona kayo mga Iho at Iha!” dagdag pa ni Sir at naghalakhakan na ang lahat maliban saakin na humihiling na sana maubo silang lahat habang tumatawa. Lol. “Haha! Ang bitter ni Sir!!” Dagdag pa ni Yen-Yen. Si Sir Belmont kasi ay isa sa malapit saamin na professor kaya normal na sakanaya ang makipagbiroan saamin. Mga late 20’s na siguro si Sir at looking young pa rin. Madami ring nagkaka-crush sakanya sa campus kasi gwapohin ang lolo niyo, ma-appeal and as you can see, may sense of humor. “Did someone mention my name? Dinig ko hanggang doon sa Gate ng School!” Napalingon ang lahat sa nagsalita. Isang matangkad na lalaking nakatayo sa pintoan ng classroom. Speaking of the Devil jerk! He is wearing a blak jacket with white inner shirt, paired with black jeans and a confident smile plastered all over his face. Syempre di mawawala ang gitarang nakasukbit sa likod niya. “Paul Sarvante!!!” salubong ni Sir Belmont sakanya sabay nag Bro-hug silang dalawa. “Been a long time kiddo! Why late for an hour? Something happened?” parang nakalimutan siguro ni Sir na may klase kami. Tsss. Syempre, close yan sila, sa pagkakaalam ko friend din sila ni Sir Miggs tsaka madalas din nabibisita si Sir sa Bar kung saan kumakanta ang Banda nila. “Parang 2 days lang po yon Sir, miss niyo na ako agad?” biro pa nito sakanya. “Tsaka nothing happened Sir, just pogi problems, you know.” Sabay kindat pa nito natawa naman doon si Sir at yong iba naming mga kaklase. Habang ako naiirita. Mahangin talaga! Take note, hindi ko pa nakakalimutan yong incident doon sa dati naming dorm kung saan nakita niya ang mga underwears kong nakabalandra sa maleta ko at ang paghalik niya sa noo ko! Hindi pa niya nababayaran ang kasalanan niya! Grrr. Feeling ko magta-tiger mood ako ng wala sa oras. Bigla akong nakakaramdam ng inis at embarrassment pag naaalala ko yon. “Speaking of the devil, class, ang pinagmamalaki ng block niyo, the 2nd voice and wild guitarist of the Smug Wolves band.” pabirong pag-introduce naman sakanya ni Sir. “I think that’s too much Sir. Haha! Mauupo nalang po ako.” Kunwari nahihiya pa! Overwhelmed naman ang mukha Tss! But Sir is somehow right! A smug devil! An Arrogant monkey! “Yes, and we’ll talk about pogi problems later Mr. Sarvante. Go to your sit now. We still have half an hour before our class ends.” Tumingin ito sa relo niya at bumalik na sa front desk. Habang ang unggoy nakangising papunta sa upoan niya. Ang masklap pa doon, he’s going to sit right next to me! Pag minamalas ka nga naman. Well, they’re band is really popular, hindi ko din yon maitatanggi. Kaya nasanay na siguro ang block namin kapag ang kasikatan ni Paul at ang kanilang banda ang napag-uusapan. Matagal na din kasi kaming magkaka-klase. Proud ang school namin para sakanila. Hindi na din kami nabibigla kung tinitilian sila ng mga kababaihan dahil mga gwapo naman talaga sila. Mabait naman talaga si Paul pero naiirita lang talaga ako pag inaasar na niya ako! Pero I heard na nagpa-audition pa talaga si Sir Miggs para mabuo ang banda nila. The competition is really hard daw. And the four lucky guys got picked and Paul is one of them. The other three guys is from other school. Until recently, madami nang nagre-request sakanila to perform at other places. Pero pag walang malalaking events ay sa Bar lang sila ni Sir Miggs matatagpuan. Their band is called Smug Wolves na 3 years nang nagpe-perform sa iba’t-ibang local places sa aming lugar at sa ilang school at universities. Nauna silang sumikat sa Bar ni Sir Miggs-the Mischief Maker Bar, I know, the name of the bar sounds weird and funny, but it sound cool to others and I don’t know why. “Wag ka nang sumimangot Aya! Anjan na yong Arrogant Hero mo. Hehehe..” bumalik naman ako sa realidad nang bumulong naman sakin si Yen-Yen na sa harapan ko lang nakaupo. “Psssh.. Ewww. Hero my feet!” pag irap ko nalang sakanya. Natatawang umiling nalang ito at humarap na din sa board. Magco-concentrate na din sana ako sa discussion ni Sir ng nakita ko sa gilid ng mga mata ko na naupo na sa katabi ko ang unggoy. Sinadya kong di siya lingonin pero sadyang makulit lang talaga ang lahi nito. Tsk! “Miss me?” bulong nito sakin sa gilid pero inirapan ko lang, an irritating smile is plastered all over his face, naku! Kung di ka lang talaga gwapohin eh! Teka, what did I say? Gwapo? Eww.. erase2x!! “Feisty Aya, aminin mo na kasi na namiss mo ako. Di mo kailangang magsinungaling dahil madaming saksi.” Mayabang pa nitong sabi na ang tinutukoy niyang saksi ay ang mga kaklase namin na palaging pinagta-tandem kaming dalawa sa klase which is Embyerna!!! “Miss my butt!” pagtataray ko ulit sakanya pero hindi pa rin ako lumilingon sakanya at sinisubokang mag concentrate sa pagte-take notes. “Your butt is lucky because it misses me.” Pangaasar pa nito. “So how was it?” tanong pa niya na ikinataka ko. Lumingon ako sakanya na naasar sabay kunot ang noo. “How was what?” iritang tanong ko sakanya. “Your butt, how was it? You said it misses me so How was your butt?” tumingin lang siya saakin ng deretso na may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Literal na napanga-nga ako sa tanong niya. Narinig ko naman ang mallit na pagtawa ni Yen-Yen at nanginginig ang magkabilang balikat niya sa pagpipigil. Palihim rin pala itong nakikinig sa sekretong bangayan namin. Palihim ko ring sinipa ang upoan nito sa likuran at napatigil naman ang Bruha. “Yen-Yen, sa harap ang discussion ni Sir ha, hindi sa likod, hindi saamin, kaya doon ka makinig sa harap okay?” bulong ko rito at nag thumb sign lang ito kahit na hindi nakaharap saamin pero feeling ko nangingiti pa rin ang loka. Hayyy… etsusera talagang bestfriend to! “At ikaw naman,” pabulong kong hinarap din ang monggoloid na si Paul. “Tigilan mo na ako! Alam mo may utang ka pang kasalanan saakin eh! Kaya mamaya na tayo mag-usap dahil maniningil pa ako.” Sabi ko at tuloyan nang naghabol sa sinusulat ni Sir. “Okay. Deal!” nanahimik siya at medjo nag-isip. “But if it’s about the kiss I gave you then you should be the one having a debt on me. I kissed you, kaya kailangan ko din ng kiss bilang kabayaran.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinadya namang maubo ni Yen-Yen. Ikinagulat ko naman yon kaya bigla nalang nalaglag yong hawak kong ballpen. Nakikinig pa rin pala sa usapan namin ang lokang ito. Chismosa talaga! Iba nanaman siguro ang tumatakbo sa isip nito! “Is everything all right there at the back?” patay, napansin pa kami ni Sir. Pahamak talaga ang unggoy na to. “Wala po Sir, biglang nangati lang lalamunan ko.” Palusot naman ni Yen-Yen na medjo natatawa pa. “Ms. Martinez and Mr. Sarvante, mamaya na kayo maglambingan okay?” biro nanaman ni Sir at nag Ayeeeeh nanaman ang mga kaklase kong baliw!! Arrgh! “Sir naman, nanahimik lang ako dito eh.” Depensa ko naman. Nag-shrug nalang si Sir at nag continue sa discussion. Nakita ko namang nakangisi ang mokong habang nagpipigil ng tawa. Demonyo talaga kahit kailan! “Jerk!” pahabol ko pa sakanya at iniripan siya. “Yah, I know, and This handsome Jerk misses you too…” nabigla ako kaya napatingin ako sakanya. Tumitig lang din siya saakin. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Nagblush ba ako? Eww… Hindi! Hindi dapat yon! Agad kong iniwas ang mga mata ko sakanya at kunwari’y nagsulat nalang and then, there’s an awkward silence between us. Nasilip naman ng gilid ng mga mata ko na nagbuklat din siya ng kanyang notes at nagsulat na rin. A small relief overtakes me dahil sa wakas ay di na siya mangaasar pa. Di nagtagal ay nag ring na ang bell at walang ano-ano’y nagpaalam na saamin si Sir na mukhang nagmamadali para sa next subject niya. Sa Next building pa daw yon. Dali-dali ko namang tinago ang mga gamit ko kahit may isang oras pa ako para sa next subject ko. As much as possible ay kailangan akong makalabas bago pa ako asarin nanaman ng taong to. Alam niyo na. “Aya, una na ako ha.” Tumango nalang ako kay Yen-Yen at nauna na siyang lumabas dahil magkaiba kami ng subject ngayon. Pagkatapos kong i-zipper ang bag ko ay tatayo na sana ako para umalis nang naramdaman kong may humarang na kapre este matangkad na lalake sa harapan ko. Pagtingin ko’y alam na this, walang iba kundi ang mayabang na monggoloid. “What now?!” singhal ko sakanya pero ngumiti lamang ito saakin. “The missing deal Ms. Aya.” Nakapamulsa ito at nakatingin ng nakakaloko saakin. Isa nanamang mabigat na buntong hininga ang lumabas saaking bibig. Oh god! This is not happening again! --- End of Chapter 5 – The Missing Deal
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม