It’s postpartum and nothing else… Sapo ni Kahl-el ang kaniyang ulo. Naroon siya ngayon sa opisina sa kaniyang bahay. Ilang araw na rin siyang hindi makapagfocus sa kaniyang mga dapat gawin. May ilang araw na rin siyang labis na binabagabag ng kasalukuyang panlalamig ni Patricia sa kaniya. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang naging takbo ng usapan nila ni Patricia. Ilang linggo nang nasa bulsa lamang niya ang singsing na balak niyang ibigay rito ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong maibigay iyon kay Patricia. Hindi tuloy siya makapag-propose dito. At ganoon pa ang sinabi nito sa kaniya. Sobrang sakit isipin na kailan lang ay masaya silanoong hindi pa ito nakakapanganak kaya hindi niya maunawaan kung ano ang nangyari at bigla na lang naging malamig ang pakikitungo ni Patrci

