Mabilis na naka-recover si Patricia mula sa panganganak. Sa ika-tatlong araw mula nang manganak siya ay maganda-ganda na ang pakiramdam niya. Nai-release na siya sa ospital pero ang anak niya ay nasa loob pa ng incubator. It was such a trying time for her. At hindi niya magawang lumapit kay Kahl-el. She didn't want to do so. Lalung-lalo nang hindi niya sasabihin dito ang mga saloobin niya. Para que pa? Sa lahat ng tao ay ito marahil ang kahuli-hulihang pagsasabihan niya ng nadarama niya sapagkat ito ang sanhi ng masamang pakiramdam sa dibdib niya. Galit pa rin siya rito. Ilang ulit na nagtangka itong kausapin siya pero sinasabi niya ritong huwag muna silang mag-usap. Maging si Angelica at ang mga kaibigan niya ay nagtatanong sa kaniya. Alam niyang nag-aalala na ang mga ito sa kaniya dahi

