Dahan-dahan nang tumayo si Patricia nang tawagin na siya ng sekretarya upang i-eksamin na siya ng doktor niya. Salamat sa makabagong teknolohiya at kaagad nitong nalaman na nagdadalantao siya. Kumpirmadong buntis siya, six weeks to be exact. Sinuri siya nito at ang lagay ng baby sa sinapupunan niya. Pagkatapos ay nagpaliwanag itong kailangan niya ng complete bed rest sa loob ng isang buwan. Masyado raw sensitibo ang unang tatlong buwan ng kaniyang pagbubuntis, lalo na sa kaso niya. Mahina daw ang kapit ng bata kung kaya't kailangan daw niyang pag-ingatan iyong mabuti. Agad siya nitong niresetahan ng mga bitamina at sinabi kung anu-ano ang mga dapat niyang kainin. Binigyan din siya nito ng notebook na talaan at ng kung anu-ano pa. All she could think about was the complication the child br

