"What are you doing here?" mataray na tanong ni Patricia kay Kahl-el. "Well, I received this from your lawyer." Itinaas nito ang bitbit na envelope saka iyon ipinatong sa ibabaw ng center table. "What are those?" malamig na tugon niya rito. Hindi niya makuhang tumingin dito. It was painful looking at him. Kailangan niyang pakatandaang ibang tao ito. "Give me back my key." "Sure." Ipinatong din nito iyon sa ibabaw ng center table. "Don't bother returning mine. I have changed locks." "Get out of my house, Kahl-el." "But I have a very nice proposition. You can act again." "What's the catch, bastard?" "Oh, you'd love it. Wala nang bago rito. Ibigay mo lang sa akin ang gusto ko. Kung saan ka magaling, iyon ang serbisyong kapalit. Of course, we wouldn't put this in writing, no court woul

