“She doesn’t seem to like me much.” “Who?” tanong ni Kahl-el kay Samantha. “Patricia.” “Oh, come on. You haven’t even tried talking to her.” Ngumiti siya rito at pinisil ang palad nito. Malaki ang pasasalamat niya rito sapagkat nang minsan silang nagkuwentuhan tungkol sa negosyo ay nauwi iyon sa kaniyang mommy. Lumapit sa kaniya si Samantha sapagkat nangangailangan ng pinansiyal na tulong ang papa nito hinggil sa negosyo ng mga ito. At nagbigay siya niyon nang may kasamang isang deal—business deal. Wala siyang nakitang masama roon, lalo na at personal din niyang nakausap ang papa nito. Nabigla siya nang magtanong ito tungkol sa kaniyang mommy. Sa pananalita nito ay parang balewala na rito ang nangyari sa kanila kaya naisip niyang kalimutan na lamang din iyon, tutal ay may nahanap na

