K A B A N A T A 90: My heart pounded so loud, but I managed to think straight. Kinabahan ako dahil baka alam na ni Grimore ang tungkol sa akin at hinuhuli lang ako para kunin ang anak ko ngunit kaagad akong nag-isip ng paraan. Hindi ako dapat mag-overthink, hindi ko malalaman ang totoo kung hindi ko susubukan. Pinilit kong kumalma, nandoon sa bungad si Arturo at nakatingin din sa aming gawi. Inalis ko ang aking tingin sa kanya saka palihim na tiningnan si Arki sa dalampasigan na gumagawa ng sand castle kasama ang ibang bata, nakahinga ako nang maluwag ng malayo sila sa amin at nakatalikod siya. Hinarap ko si Ardo. "Paalisin mo muna `yong lalaki." "Huh?" "Doon na lang ako sa sasakyan niya maghintay, iinporma na lang kita kapag handa na ang mga dadalhin natin," paliwanag ko pa. Mas k

