K A B A N A T A 91: Halos mapasinghap ako nang humarap siya sa amin, deretsyong nagtama ang aming mata, nanlaki ang mata ko. "Good morning," bati niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi kaagad ako nakagalaw, kumunot ang noo ko habang nakatingin si Grimore sa akin. "Nako, Sir! Dala na po namin ang ibang design, pwede rin po kaming maggawa ng personalized kung ano pong gusto niyo," sabi ni Ardo sa aking gilid nang makabawi. I know he's blind, imposibleng nakikita niya ako pero parang alam niya kung saan ako nakaupo dahil deretsyo siyang nakatingin sa akin. Hindi ako kaagad nagsalita, kumunot ang noo ni Grimore, tumikhim si Arturo. "Miss Cora, kung pwede ay ipahawak mo kay boss `yong mga souvenir para malaman niya ang mga desenyo," sabi niya, tinuro niya ang tabi ni Grimore.

