K A B A N A T A 92: Malakas akong napabuntong hininga na naman habang nakatingin sa patag na dagat, gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang sinabi ng tauhan ni Grimore, dalawang araw na ang nakakaraan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noong una, tulala na ako hanggang makauwi kami. Tuwang-tuwa naman ang magulang ni Ardo dahil marami kaming nabenta na aming paghahatian dahil kagamitan nila ang aking ginagamit, sila ang kumukuha at bumili ng mga gagamitin sa souvenirs at ako ang tiga gawa. My husband has cancer. He'll die anytime soon. Galit ako sa kanya noon, pinili kong lumayo pero ngayon hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. Minahal ko siya at sa puso ko ay may parte pa rin siya, siya ang ama ng aking anak. Bigla akong nagdalawang-isip tungkol sa bagay na

