Ganoon na lang ang tawanan nila ni Vince nang maalala nila ang nangyari kagabi. Paano ba naman kasi, muntik na silang makita ni Jane na hubo’t hubad. Mabuti na lang at may nakaharang na three-seater couch malapit-lapit sa pintuan niya at agad silang lumuhod sa sahig at nagtago sa likuran ng upuan. Ilang beses pa ito nagtawag, kaya sinikap niyang abutin ang kanyang damit na isang dipa halos ang layo mula sa kanya. Nakita niyang dumeretso ang kaibigan sa kusina, at binuksan ang ref at nilaklak ang tubig niya sa pitsel. Pagkatapos noon ay naglakad na ito pabalik sa kwarto niya. Agad-agad naman silang nagbihis ni Vince pagkatapos noon at agad din itong lumabas ng bahay at umuwi na. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nakabalik sa kwarto, kaya naman nagtaka siya nang makitang naghi

