Nanlaki ang mata ni Jane sa narinig. “What! You’re… getting married already?” maiyak-iyak nitong paglilinaw sa kanya. Nagpasya silang maghiwalay ng landas ni Vince ngayong gabi. She told him that she’d spend the night with her best friend. Sinabi naman niya kay Vince na ayusin nito ang pagkakaibigan kay Angelica. Nanghihinayang kasi siya sa pagkakaibigan ng dalawa. Sumang-ayon naman ito sa plano niya. Sinabi lang nito kung pwede ba silang magkita saglit mamaya bago ito umuwi sa bahay nila. At siyempre ay pumayag naman siya. Kasalukuyan silang nasa dance studio ni Jane. Pagkatapos nilang sayawin ang I Got A Boy, ang pinakaunang sayaw na sabay nilang nakabisado, sinabi na niya rito ang magandang balita na hindi niya alam kung ikinasaya o ikinalungkot nito. “Yes.” She flashed her ha

