Nasa loob ng kanyang opisina sa kumpanya si Rodrigo. Halata ang pagkaabala nito dahil sa mga binabasang dokumento na kailangan ng kanyang pirma. Inayos ni Rodrigo ang salamin niya sa mata. Nagbuga siya ng hininga saka nagpatuloy sa pagbabasa. Muling nahinto si Rodrigo at napatingin sa pintuan ng kanyang opisina nang marinig niya ang pagbukas nito. Nakita niyang pumasok ang assistant niya na si Adrian. “Good afternoon, Sir.” Pagbati ni Adrian kay Rodrigo ng may paggalang. “Anong kailangan mo?” tanong ni Rodrigo. Ngumiti si Adrian. “May bisita kayong dumating. Papapasukin ko ba siya?” tanong nito. Kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Rodrigo dahil sa pagtataka. ‘Bisita? Wala naman akong inaasahang bisita ngayong,’ isip-isip niya. “Sino niya?” tanong ni Rodrigo. “Ayaw sabihin a

