Nakatayo sa harapan ng malaking salamin si Rodrigo na nasa loob ng kanyang kwarto. Seryoso ang kanyang mukha habang inaayos ang pagkakasuot ng kanyang black coat. Hindi maikakaila na gwapo at makisig pa rin talaga sa kabila ng wala na sa kalendaryong edad. Nag-uumapaw ang kanyang s*x appeal kaya naman marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya. Sunod naman na ginalaw ni Rodrigo ang kanyang suot na necktie. Pinasadahan niya iyon nang haplos. Napatigil sa ginagawa si Rodrigo nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan. “Come in!” pasigaw na bulalas ni Rodrigo. Mula sa repleksyon sa salamin ay nakita niyang bumukas ang pinto at napangisi siya nang makita ang pagpasok ni Warson. Umalis si Rodrigo sa harapan ng salamin at hinarap si Warson na kakasarado lamang ng pintuan. Da

