CHAPTER 13

1788 คำ
Chapter 13: Kasintahan “PANGIT mo,” I told him and stick out my tongue to annoy him. He just clinched his teeth. Wala sa sariling inabot ko ang pisngi niya at mariin kong pinisil ito. “Huwag kang magulo, Eljehanni. Nagmamaneho ako,” malamig na suway niya sa akin pero hinila ko pa ang pisngi niya. Ano kaya ang gamit nitong sabon or skin care? Bakit ang lambot ng cheeks niya at ang kinis pa? Ay, parang naitanong ko na rin ito sa sarili ko. Sinunod kong inabot ang buhok niya at hinila ko rin ito kaya ang messy hair niya ay mas nagulo pa. Pati ang hair niya ay ang lambot din. Binitawan ko rin iyon at umayos ako mula sa pagkakaupo ko. Tumingin ako sa harap nang makita na hindi ito ang daan pabalik sa villa namin. Nilingon ko ulit siya. “Azul, ako ba ang nilalandi mo ngayon at dadalhin mo pa ako sa kung saan para i-date ako?” nakangising tanong ko at nang kumibot-kibot na naman ang labi niya na tila may sasabihin siya pero kalaunan ay tumiklop din ito. Napahagikhik ako. “Ano na, Azulenzure?” untag ko pa. Bumuntong-hininga siya at umiling lamang. Hindi na niya ako pinansin pa. Kung sabagay naman ay hindi niya ako pinapansin. Eh, hindi naman ako si Isabella para landiin niya. Chos. Nasagot din naman ang tanong ko nang huminto ang kotse na sinasakyan namin sa isang malawak na bukirin at kitang-kita ko ang sugarcane na pananim mula rito. Tinanggal ko ang seatbelt ko at naunahan na pala ako ni Azul na bumaba dahil nakaikot na siya sa side ko. Binuksan niya ang pinto at parang natural na rin sa kanya ang ilagay ang isang kamay niya sa bubong, particular na sa itaas ng ulo ko para hindi yata ako mauntog. Ang sweet, ha. “Wow, kung hindi ako nagkakamali ay ang lupain na ito ay sakop pa rin ni Papa, ’di ba?” tanong ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad patungo roon. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko. Mainit pa rin ang sikat ng araw pero balewala na ito, kasi malamig ang hangin at ang presko pa. “Oo,” tipid na sagot niya. Maraming mga magsasaka ang nagtitipon-tipon sa isang malaking kubo na alam kong doon sila nagpapahinga at may tatlong truck pa ang naka-park doon. Mukhang kasalukuyan silang nag-aani ng sugarcane. Nang makalilimutan kami roon ay agad kong kinuha ang atensyon nila. “Magandang araw po!” masayang bati ko sa kanilang lahat na ikinagulat pa nila. Ganoon pa man ay magiliw na binati pa rin nila ako at may ngiti pa sa mga labi nila. “Nobya mo, Azul?” “Aba, ngayon ka lang nagdala ng nobya mo rito, ah.” “Ang gandang bata naman. Tiyak ako na magagandang babae at lalaki ang mga magiging anak niyo.” I giggled when I heard their remarks. Pinagkamalan pa akong girlfriend ni Azul. Hala, hindi ako magrereklamo at hindi ko itatama iyan. “Si Eljehanni po. Anak ni Sir El ng Villa Ciesta,” pakilala niya sa aking sarili sa mga magsasaka. Nanlaki pa ang mga mata nila sa gulat pero hindi ko alam kung saan sila mas nagulat; sa nalaman na anak ako ng Papa ko na kanilang amo o sa kaalaman na girlfriend niya ako kasi hindi naman niya itinama iyon, eh. Naku I don’t know his trip. “Kumusta, Señorita?” Isang ginang agad ang lumapit sa akin at nakipagkamay pero nang mapansin niya marahil ang marumi niyang kamay ay mabilis niyang binawi iyon. “Ay, pasensiya ka na, Señorita! Natuwa lamang ako na makilala ang anak ng aming butihing senyor!” Natawa ako kasi takot sila na baka magalit ako kapag makita na marumi ang mga kamay nila. Agriculturist ako at hindi naman ako maarte. Hindi naman marumi ang lupa, ano? “Ayos lamang po,” ani ko at inilahad ko pa ang palad ko. Nag-aalangan man silang tanggapin iyon ay isa-isa na silang nakipagkamay sa akin. “Tara po rito, Señorita. Magmeryenda ho muna kayo,” pag-aaya nila. Tumango ako at sumunod sa kanila. Pero bago iyon ay hinila ko ang dulo ng shirt ni Azul. He didn’t complain at nagpatianod din siya. Sabay pa kaming umupo at kukuha na sana ako ng bibingka nang pigilan ako ni Azul. Kunot-noong tiningnan ko siya. “Oh, bakit?” malditang tanong ko. “Gusto kong kumain.” “Maghugas ka muna ng kamay mo bago ka kumain,” pangangaral niya at inabot niya ang maliit na basin na naglalaman na ng tubig. Naiiling na nilublob ko lang ang kanang palad ko at nang tatanggalin ko na sana ito pero hinawakan niya. Tumaas ang balahibo ko sa katawan at nandoon na naman ang sparks na nararamdaman ko sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin. May pag-iingat niyang hinugasan ang mga daliri ko. Napanguso ako at nang natapos siya ay basta na lamang niyang pinunasan ito sa damit niya para tuyuin ang aking kamay. I’m going to tease him sana pero napansin ko ang maraming pares ng mga mata ang nanonood sa amin at nang lumingon ako ay lahat sila nakatingin na pala sa amin. May mga nakangiti, naaaliw, gulat ang ekspresyon at walang imik naman ang iba. “Bagay-bagay nga kayong dalawa.” “Nakikita ko na magiging maganda ang buhay niyo kung kayo ay isa ng mag-asawa.” Nakiliti ang puso ko and feeling ko ay may butterflies na rin sa loob ng tummy ko. Nag-init pa ang magkabilang pisngi ko. Kinikilig ampûta. I just smiled at them but nang kumuha si Azul ng kakanin, inilagay niya ito sa pinggan ko. Tumili ang iba sa kabila at ngayon ko lang naramdaman ang pagkapahiya. Nawala ang Eljehanni na makapal ang face. Grabe naman itong si Azul. May nobya na nga siya pero pinagsisilbihan ako ng kulay asul na ito. “Ang suwerte niyo sa isa’t isa. Maasikaso itong si Azul. Hindi kayo gugutumin nito, Señorita. Masipag magtrabaho. Bukod sa guwapong bata na ay mabait din kahit tahimik lamang siya at si Señorita Eljehanni naman ay parang diyosa lang sa kagandahan niya. Magkakaroon ng may bahay itong binata natin na magpapaligaya sa kanya sa gabi.” Napasinok ako sa sinabi ng ale. Napakamot ako sa kilay ko. “Tiyak akong mawawala ang pagod ni Azul sa katatrabaho niya buong araw.” Napasapo ako sa noo ko. Hala naman ito, nakahihiya na! Si Azul ay hindi man lang nagsalita! “Baka abutin sila nang umaga!” Sinabayan pa talaga nila nang malakas na tawa. Wala sa sarili kong inabot ang basong tubig para inumin ito. Nang makita ko ang reaction ni Azul ay kaswal lang itong nakatitig sa akin pero pulang-pula ang tainga at leeg niya. I wonder kung ano ang iniisip nito? “Azul...” “Bakit?” tanong niya. Hindi na malamig ang boses. Ngumuya na muna ako ng kakanin at kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang pagnguya ko. Napapisil pa siya sa tungki ng ilong niya at ibinalik ang tingin sa mga labi ko. I want to smirk at him. “Ilan ba ang gusto mong anak, Azul?” tanong ko na nagustuhan ng kasamahan namin ang topic ko. Kinuha niya ang basong gamit ko at inubos niya ang laman no’n. Ilang beses na umalon ang adams apple niya. Pinunasan pa niya ang nabasa niyang labi gamit ang likod ng palad niya. “Ikaw na, Señorita. Ilan ang anak na kaya mong ibigay kay Azul?” tanong ng isang ale na hindi naglalayo ang edad nila ng aking magandang Mama. “Isa lang po,” sagot ko. “Ay, bakit isa lang?” nagtatakang tanong nila. “Mahirap daw po ang magbuntis at masakit. Baka hindi ko kayanin,” nakangiwing sagot ko. “Pero tatlo ang gusto ko.” Bigla ay hindi ko na kayang lunukin ang kinakain ko sa biglaan niyang pagsabat. Marahan kong pinukpok ang dibdib ko na mabilis niyang pinigilan ang kamay ko. Nagsalin siya ng tubig sa baso at inalalayan pa akong uminom no’n. Hinagod niya rin ang likod ko. Tawang-tawa na naman sila. “Paano ba ’yan, Señorita. Tatlo raw ang gusto ng nobyo mo.” Bakit ba bumabalik sa akin ang mga joke ko? Masyado naman silang seryoso! Nagbibiro lamang ako when I asked him that! Goodness people! “A-Ayos lang po. Ibibigay ko sa kanya ang tatlong supling na gusto niya.” “Ayos!” tuwang-tuwa na sigaw nila. “Sampung taon nga lang po ang agwat,” dagdag na saad ko pa at natameme sila. “Hala, hijo. Mahihirapan ka yata sa bagay na iyon. Ipinagpatuloy namin ang pagkain ng meryenda at pakikipagkuwentuhan sa kanila. Mabuti na lamang ay nag-change topic na rin sila. Hindi kasi sila aware na butterfly sa stomach ko at sa kung saan-saan na lumilipad ang brain ko. Imagine na nakatira na kami sa iisang bubong at may tatlong anak na. Ang cute no’n, hala! Nakikain din kami ng lunch kasama nila. Hindi na kasi nila kami pinaalis pa, eh. Masarap naman ang ulam namin, may inihaw na isda, at ginataan na saging. Kakaiba talaga ang buhay probinsya. Hinatid na rin ako ni Azul sa villa namin at hindi ko na siya biniro pa tungkol sa pinag-usapan namin kanina. Mas mabuting itikom ko na lamang ang bibig ko at saka...marami yata akong nakain kanina na gulay kaya sumakit ang tiyan ko. “A-Azul...” sambit ko. “Bakit?” Napahawak ako sa tiyan ko. Nang mapansin niya na hindi maganda ang lagay ko ay hininto niya ang sasakyan. “Don’t stop! Kailangan nating makarating agad sa villa!” sigaw ko na mabilis naman niyang sinunod. “Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?” “Natatae ako,” sagot ko. I know ang blunt kong magsalita at walang filter. Pero hindi ko naman siya nakitaan na nandidiri or something. Mukha pa siyang problemado. “Malayo pa ang villa niyo. Kaya mo pa ba?” Umiling ako at halos maiyak na ako. Parang lalabas na rin kasi siya. “Sandali lamang.” Kinabig niya ang manibela pakanan at ewan ko kung saan na kami pupunta. “Azul...” “Sandali lamang.” “Azul!” sigaw ko at pinagpapawisan na ako. “Nandito na tayo.” Mabilis siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Hindi na ako nagtanong pa at iginiya niya lamang ako sa magandang bahay. Ito yata ang bahay na pinagawa ni Papa. Binuksan niya iyon at dinala niya ako sa isang pintuan. “May tubig na riyan sa loob.” Parang nakakita lang ako ng nakasisilaw na ilaw nang banyo na ang itinuro niya sa akin. “Thank you, Azul!” pasasalamat ko at isinara ko na ang pinto.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม