Chapter 14: Pilosopo
GUMINHAWA na rin ang pakiramdam ko at bumalik ulit ang sigla ko na kanina ay hinang-hina ako dahil tinawag ako ng kalikasan.
Naghugas ako ng kamay sa sink nila. Ang ganda rin ng banyo nila kahit maliit lang. Tapos malinis at mabango. Paglabas ko ay hinanap ko si Azul.
“Azul?” tawag ko sa kanya.
May maliit na sala rin sila. Hindi halatang hardinero ang may-ari nito at ang lola niya ay nagtitinda pa sa palengke. Maaliwalas ang buong bahay nila, kulay tsokolate, puti at dilaw ang furniture.
Umupo ako sa sofa na gawa sa kawayan. Masakit kasi matigas, eh. Pero may maliit na pillow. Niyakap ko ito at napatingin sa mga litratong nakadikit sa pader. May TV din sila. Ewan ko kung nag-provide rin ng mga ganito ang Papa ko.
“Hindi ganyan.”
“Ha?” gulat na tugon ko nang marinig ko ang boses ni Azul.
Naglalakad na siya patungo sa direksyon ko. Wala siyang sapin sa paa. May dala siyang isang itim na tela. Na mukhang shirt iyon.
Nang makalapit siya sa akin ay hinila niya ang siko ko kaya napatayo rin ako. Inagaw niya sa akin ang pillow at inilapag iyon sa sofa saka niya ako pinaupo ulit.
“Magpalit ka muna.” Sabay bigay ng damit. Inabot ko ito at tumaas ang sulok ng mga labi ko. Damit niya kasi ito at amoy na amoy ko pa ang downy.
Tinanggal ko ang unan na inilagay niya at nagsalubong pa ang kanyang kilay. “Sasakit ang puwit mo riyan.” That’s made me chuckle.
“It’s okay. Sanay naman ako sa matigas,” malisyosang sambit ko at umirap siya.
“Kukuha lang ako ng tubig.” Tumalikod na siya.
“Para saan ang t-shirt na ito, Azul?” I asked him.
“Basa ka na ng pawis,” sagot niya. Napanguso na lamang ako.
Ano ba ang kinain ng lalaking iyon at ang bait-bait niya ngayon? Hindi na siya nagsusungit pa at pinapansin na niya ako.
Hinubad ko na rin ang shirt ko. “Teka lang, Azul!” sigaw ko at nilingon niya ako pero nang makita niya ang ayos ko ay mabilis siyang tumalikod. Natatawa ako, samantalang napahilot na lamang siya sa sentido niya. Mabilis ko rin itong sinuot.
“Ano?” masungit na tanong niya.
“Ang ganda ng bahay niyo,” I answered.
“Iyon lang ang sasabihin mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Bakit? Ano ba ang inaasahan mong sasabihin ko?” I stood up and walked towards him. “Gusto kong makita ang kitchen niyo,” ani ko at inunahan ko pa siyang nagtungo roon.
Wala silang dining room dahil kumakain sila sa kusina na. Umupo ako sa silya at pinagsiklop ko ang palad ko.
May ref din sila na ’sakto lang ang laki. Naglabas siya ng isang pitcher ng tubig at kumuha ng baso. Umupo siya sa tapat ko at nagsalin ng tubig. Ibinigay niya iyon sa akin at kinuha ko naman.
“Azul, nagtataka lang ako sa ’yo,” ani ko at sumimsim ng tubig.
“Saan?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Sa mga kinikilos mo,” sagot ko. Nilaro-laro ng hinliliit kong daliri sa malamig na tubig at saka ko ito isusubo.
Nalukot ang matangos niyang ilong at umaalon na naman ang adams apple niya.
“Tigilan mo ’yan, Eljehanni,” sita niya but I shrugged.
“Ano na? Nasaan si Isabella at bakit hindi siya ang kasama mo ngayon?” untag na tanong ko. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanilang dalawa. Ngayon na siya sasagutin ni Isabella. O baka naman magkikita sila mamayang gabi?
“Dahil kasama kita,” sagot niya at natigilan naman ako. This time ay ako naman ang napahilot sa sentido ko.
“Alam mo ikaw.” Dinuro ko siya. “Hindi ka lang suplado. Pilosopo ka rin,” masungit na saad ko at gusto ko siyang pitikin sa noo. “Sagutin mo ako nang maayos, Azulenzure. Hindi ba dapat girlfriend mo na ngayon—”
“Ang ingay mo, Eljehanni,” sabat niya at biglang tumayo. Inilagay niya sa lababo nila ang ginamit kong baso.
“Hindi pa ako tapos magsalita, Azul!” asik ko sa kanya pero hindi na niya ako kinibo pa. “Azul!”
“Ihahatid na kita sa villa niyo.”
“Ampûta,” I muttered a curse at sinamaan pa niya ako nang tingin. Umirap ako at lumabas na rin sa kusina.
Hinatid niya ako sa amin at binigyan ko siya ng silent treatment. Iniirapan ko siya sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin. Nang ibigay niya ang susi ko ay marahas kong kinuha iyon sa palad niya.
“Hindi ka ba sasama bukas?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Saan naman?”
“Pupunta kami sa batis bukas. Gusto mong sumama?”
“Busy ako at saka ayokong maging chaperon sa inyo ni Isabella, tsk.” Tumalikod na ako at binilisan ko ang paglalakad ko. Nararamdaman ko pa rin na nakatingin siya sa likuran ko. Muntik pa akong ma-out balance, mabuti na lamang ay mabilis akong nakabalanse.
“Be careful.” Mabilis na nilingon ko si Azul nang marinig ko ang pag-English niya pero ang likod na lamang niya ang nakita ko. Nagkibit-balikat na lamang ako.
Umakyat ako sa kuwarto ng mga magulang ko para kausapin ang aking Papa. Kumatok na muna ako saka ko ito binuksan. Lumapad ang ngiti ko nang makita kong magkatabing nakaupo sina Mama at Papa.
“Mom, Dad! I’m home!” sigaw ko at napangiti sila nang makita ako.
“Halika rito, anak.”
“Hindi po naging maayos ang deal namin ng buyer mo, Papa,” agaran na saad ko nang makaupo ako sa edge ng bed nila ni Mama. Hinawakan ng aking ama ang kamay ko.
“Okay lang, anak. Huli na rin noong nalaman ko kung ano ang balak niya.” Ngumiti ako pero may naalala lang ako.
“Eh, bakit po si Azul ang pinapunta niyo roon? Puwede niyo naman po akong tawagan para pabalikin na rito, eh,” ani ko. Hinintay ko ang isasagot niya at si Mama naman ay tipid lang ngumiti.
“Siya lang kasi ang may kayang pigilan ka, Eljeh. Anyway, may isa pa sana akong ipakikiusap sa ’yo,” saad niya. Hinalikan ko ang likod ng kamay niya at ngumiti. Nararamdaman ko na hindi na siya gaano mainit. Bumubuti na yata ang kalagayan niya.
“What it is, ’Pa?” I asked him.
“May isa pa tayong problema. Sa kabilang bahagi nang dulo ng ating lupain ay dalawang linggo na palang delay ang pag-h-harvest ng mga patatas na kailangan na iyon i-deliver sa Manila.”
“Bakit naman po kaya? Na-visit niyo po ang farm?” Umiling si Papa.
“Hindi, anak. Sa dami ng problema sa negosyo natin ay nakalimutan kong unahin ang mga iyon.”
“Huwag na po kayong mag-aalala. Bukas na bukas po ay pupuntahan ko iyon,” sabi ko.
“Salamat, anak.”
“Papa, responsibilidad ko na po na hawakan ang negosyo natin. Ako lang po itong nagpapakasarap sa buhay ko. Dapat nga ay mag-relax na lamang kayo ni Mama rito sa villa natin,” wika ko.
“Nagmana ka talaga sa Papa mo. Maalalahanin. Thank you, darling.” Humalik sa pisngi ko si Mama.
“Lalabas na po ako.”
“Bakit parang panlalaki ang damit mo, anak?” kunot-noong tanong ni Papa. Sa halip na kabahan ako sa sasagutin ko na kay Azul ito ay ngumisi lamang ako.
“Pinahiram po sa akin ni Azul. Ang bango niya nga, eh. Amoy downy,” sabi ko at mahinang natawa ang aking Mama.
“Oh, siya.”
“By the way, Eljeh. Isama mo si Azul bukas, okay?”
“Busy po siya, may date sila ni Isabella,” ani ko. Nagkatinginan pa silang dalawa bago ako tumalikod.
I don’t want to mix my work with my flirtation either. I need to be serious and focus on work, and then I can’t bother him. He still has a date with his girlfriend. So, the next day I got ready again and I’m with Papa’s secretary. But we have different cars.
Kumpara naman sa pinuntahan ko kahapon ay may kalayuan pala ang isang ito. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga taong naninirahan dito dahil nakasalakot sila lahat—I mean balot na balot. Huminto sa unahan ang kotse ng kasama ko at may mga taong lumapit doon.
Ibinaba ko ang salamin ng bintana pero napasampal na ako sa pisngi ko at namimilog ang mga mata ko nang maraming pumasok sa loob ng sasakyan ko. Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko ito agad nasagot.
“Púta! Lamok ba ang mga ito?!” Halos maiyak ako nang maramdaman ko ang maliliit na kirot sa pisngi ko at isinara ko na ang bintana. Saka ko kinuha ang tumbler.
Nagkalat ang tubig sa loob para lamang makapanghilamos ako. Matagal bago nawala ang pangangati at kinuha ko ang phone ko na kanina pa nag-r-ring. Sinagot ko at hindi na nabasa pa ang caller ID.
“Ms. Eljehanni. Huwag po kayong lalabas.”
“What the hèll are those?!Mosquitoes?!” I screamed.
“Yes, Ms. Eljehanni. So, don’t come down and stay in your car,” he said.
“There are so many! Ano’ng klaseng lugar ba ito?! God! Nakagugulat naman ang lupain ni Papa, Mr. de Tagle!” Hindi pa rin ako maka-get-over sa dami ng mga lamok na ito.
Hinintay ko lang ang hudyat ni Mr. de Tagle at may mga tao na rin ang lumapit sa side ko. Natatakot na akong magbukas ng bintana pero nakita ko ang sumbrero nila na may mosquito net kaya naman bahagya ko lang ibinaba ang bintana.
Mabuti na lamang ay mahahaba ang kasuotan ko pero alam kong may pantal-pantal na sa mukha ko dahil pinapak lang naman ako ng mga walang hiyang lamok na iyon. Fvck them.
Nakipag-usap na ako sa kanila kung ano ang problema tungkol sa harvesting at bakit delay na and nalaman ko ang dahilan. Na kung bakit din ang daming mga lamok na parang imposible namang magkaroon ng ganito karami.