CHAPTER 1

2003 คำ
KATHRYN MENDEZ Tumayo ako at inilagay sa magkabilang gilid ng bewang ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung hahampasin ko ba ang babaeng 'to o sisikmuraan. Pagkatapos ng dalawang buwan na hindi pagpapakita sa akin, heto nagpakita nga pero may problema pang dala. "Oh, ano ngayon, ngangawa-ngawa ka? Ano’ng napala ng sinasabi mong guwapo? Naloko kang bruha ka! Sinabihan na kita noon pa man na may kakaiba d'yan sa asawa mo, pero anak ng linta, bingi ka sa mga sinasabi ko. Maliban sa pinagtaksilan ka na nga at ipinagpalit sa mukhang hito, itinakbo pa niya ang ipon mo kamo? Kung hindi ka naman kasi isa't kalahating tangang bruha ka?!" asik ko sa bestfriend kong si Michelle. Kaysarap dagukan ng lintik! Sinabihan ko na siya dati pa na niloloko siya ng asawa niya nang isang araw 'di ko sinasadyang makita na may kasamang iba. Pero ano? Sa halip na komprontahin niya ang asawa niya, hindi naniwala at nagpadala sa buyo ng puso niya. Tapos heto, kung ngumawa daig pa ang nanganganak na baka. "Akala ko kasi magbabago pa siya kaya nagtiwala ako sa kaniya," nakayuko nitong turan habang patuloy na pinapahid ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Dalawang rolyo na yata ng tissue ang naubos ng lintik na 'to. "Ayun tayo sa nagtiwala sa pangako niyang magbabago siya, eh! Puro pangako, lagi namang napapako. ’Yong pagtitiwalang sinasabi mo, oh, 'asan na? Wala! Napunta lahat sa t**i niya! Pinagsabihan na kasi kita noon at binantaan na 'yong lintik mong asawa may kinakalantaring iba. Pero ano'ng sinabi mo sa akin? Sabi mo, praning lang ako. Oh, sino sa atin ngayon ang praning?!" singhal ko sabay kuha ng panibagong tissue sa bag ko para ibigay sa kaniya. Dapat pala nagdala na lang ako ng kumot. 'Di ko naman sukat akalain na ganito ang itsura ng babaeng 'to na parang gripo sa pagbulwak ang luha sa mga mata. "Bes, hinaan mo naman 'yang boses mo. Pinagtitinginan na tayo, oh," saway ni Michelle sa akin sabay linga pa sa paligid. Abnormal na babaeng 'to, ako pa ang sinaway samantalang siya ang ngawa nang ngawa kanina pa. Inirapan ko siya at lalo pang nilakasan ang pagsasalita. Naaasar ako sa katangahan niya, sobra! Winner ang isang 'to sa pagiging martir at tanga pagdating sa asawa. Pwede 'tong isunod sa mga tatlong pari na ginarote o kaya ipabaril din sa Luneta. Bayani 'to, eh! Bayani ng mga tanga at ng mga babaeng under sa asawa! "Eh, 'di mabuti ngang marinig ng mga tao para malaman nila kung gaano ka katangang bruha ka!" Inikutan ko siya ng mata saka tinulungang punasan ang mascarra na nagkalat sa paligid ng mata at pisngi niya. May balak palang mag-drama, hindi man lang gumamit ng water proof. "Ouch! Aray naman! Dahan-dahan naman. Balak mo bang burahin ang pisngi ko?" reklamo nito. Mas lalo ko pang diniinan ang pagpupunas kaya patuloy siya sa pag-aray. "Hindi lang mukha mo buburahin ko. Siguradong burado ka rin sa akin kaya magtigil ka! Buti naman pala at nakakaramdam ka pa ng sakit, 'no? Akala ko kasi manhid ka na dahil sa pagiging tanga mo! Congrats, bespren! May pakiramdam ka pa pala, punyemas ka!" muli kong singhal sa kaniya. "Makatanga naman ito sa akin, oh. Parang—” "Oh, parang ano? Bakit? Hindi ba?" putol ko sa sasabihin niya sabay irap. Isalaksak ko kaya sa bunganga niya 'tong tissue? "Oo na, pero pwede bang hinaan mo 'yang boses mo? Nakakahiya, oh. Ang daming tao sa paligid, tapos kanina ka pa mura nang mura diyan. Parang hindi ka professional kung umasta," bulong nito sa tenga ko. "Ano? Paki-ulit nga? Professional ba kamo? Walang profe-professional kapag galit. At saka ngayon ka pa nahiya samantalang para kang baka riyan sa kakangawa kanina?" aniko sabay irap sa kaniya. Ewan ko kung maaawa ba ako sa babaeng 'to o iuumpog ko na lang ang ulo niya sa pader at baka sakaling matauhan. Naawa ako sa kalagayan niya dahil iniwan niya ang lahat para makasama ang asawa niyang si Greg. Ginawa niya ang lahat para ipaglaban ang lalaki sa lahat ng tutol sa kanila. Mayaman kasi ang pamilya ni Michelle at kasama sila sa tinatawag na 'elite class'. Si Greg naman ay isang 'businessman' kuno pero hindi nagtagal ay lumabas din ang katotohanan na isa pa lang may-ari ng isang cheap bar. Well, businessman pa rin namang matatawag ang damuho pero hindi tulad ng inaasahan namin. Itinakwil siya ng mga magulang noong pinili niya si Greg. Pero iiwan din pala siya ng lalaking 'yon para sumama sa kabit nito. Pati ipon nilang mag-asawa ay tangay-tangay pa raw niya. At ang pinakamasaklap, pati iyong club na pag-aari nilang mag-asawa ay ibinenta na rin pala no’ng tukmol niyang asawa. And now, he has no where to be found. Para siyang naglaho na parang bula. Ni hindi nag-iwan ang gunggong ng maski pisong duling pambili ng candy ng kawawang asawa niya. Lintik lang talaga! Kasarap magmura! Pinaikot-ikot ko ang straw saka sumipsip ng lemon juice. Parang natuyuan na kasi ako ng lalamunan dahil sa kaka sermon sa babaeng 'to. Dapat sana'y kasama ko ang asawa ko ngayon sa loob ng bahay habang magkayakap na nanonood ng movie dahil day off naming dalawa. Pero heto ako ngayon, kaharap ang bestfriend kong wasak ang puso at nakikinig sa walang katapusang drama niya. "Bes, baka pwede mo naman akong tulungan na hanapin si Greg. Hanapin natin siya, Kathryne. Tulungan mo ako, sige na.” Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Lumapit ako sa kinauupuan niya saka ko siya pinukpok sa ulo. "Aaarrrayyy! Ang sakit no'n, ah! Para saan 'yon?" aniya habang hinahaplos ang ulong pinukpok ko ng payong na hawak ko. Bahagya niya pang inalog ang ulo saka masama ang tingin na ipinukol sa akin. "Para saan 'yon kamo? Para sa katangahan mo 'yon, peste ka! Nagtanong ka pa talaga? Hahanapin mo si Greg? Tapos ano? Ikaw ang susuyo sa kaniya para balikan ka? Makikipagbalikan ka at magpapakatanga tapos iiwan ka ulit. At kapag iniwan ka, tatawag ka na naman sa akin para ngumawa at sabihin lahat ng drama mo," singhal ko sa kaniya. Aba'y hindi lang yata pukpok sa ulo ang kailangan nito. Baka kailangan niyang mabagok ang ulo para magising sa katotohanan na sira-ulo ang asawa niya. "Bes, hindi mo kasi naiintindihan, eh," usal nito sabay yuko ng ulo. Pinaglaruan nito ang hawak na tissue. Pinagpira-piraso niya iyon at hinahayaan lang na malaglag sa semento. Anak ng . . . binili ko 'yon, ah, tapos sasayangin niya lang? "Ano ang hindi ko maintindihan, Michelle? Sige ipaintindi mo sa akin. Pagbibigyan kita, makikinig ako. Pero ito ang tandaan mo. Kapag hindi ko nagustuhan 'yang paliwanag mo, tumakbo ka na at baka ihulog kita d'yan sa dagat na nasa likuran mo," banta ko sa kaniya. Nagtaas siya ng tingin sa akin ngunit muli ring yumuko. "Ano na, Michelle? Gusto mo pa bang maglaro tayo ng guessing game? Huhulaan ko ba kung ano ang gusto mong sabihin sa akin? Aba'y hindi ako si Madam Auring para mabasa 'yang nasa isip mo. Hindi ako mind reader. O baka naman gusto mong maglaro tayo ng pinoy henyo? Tao ba 'to? Hayop? Bagay? Lugar? Gano'n ba ang gusto mong paraan para malaman ko yung gusto mong ipaintindi sa akin?" sarkastikong tanong ko. Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to. Bibigwasan ko na 'to! Ilang segundong katahimikan bago siyang tumingin ulit sa akin. "Bes. . ." "Oh, ano?" "Bes. . ." "Ano nga?!" galit kong sigaw. Tumaas ang boses ko kaya napatingin na ang mga taong nasa paligid ng parke sa amin. Nakakapika na kasi. Para siyang sirang plaka. Bes nang bes. Bakit hindi na lang niya rektang sabihin? "Buntis ako kaya kailangan ko siya! Hindi pwedeng lumaki nang walang makagisnang ama ang anak ko, Kathryn!" bulalas nito sabay iwas ng tingin sa akin. "Eh, ano'ng mas gusto mo? Iyong lumaki 'yang anak mo na walang ama o may makagisnan ngang ama 'yang anak mo pero nakikita niyang hindi kayo masaya sa piling ng isa't isa ng ama niya?" Hindi siya umimik kaya sinamantala ko ang pagkakataon para manermon. Sakto dahil linggo ngayon, araw ng simba. Hindi sagot sa problema ang katangahan. At katangahang matatawag ang gusto niyang mangyari dahil sa kabila ng lahat ng ginawa ng asawa niya, gusto pa rin niyang hanapin ito para lang may makagisnang ama ang anak niya. Nakakabwisit lang 'di ba? "Hindi mo naman kailangang pabalikin sa 'yo ang asawa mo. Pwede mo pa rin naman siyang ipakilala sa ama niya kahit hindi kayo magsama ulit. Ipaliwanag mo nang mabuti d'yan sa anak mo kapag nagka-isip siya ang sitwasyon na mayroon kayo. Matalino na ang mga bata ngayon. Hindi naman siya ang kauna-unahang bata na produkto ng broken family kung sakali. Marami nga diyan ang single mom pero napapalaki naman nang maayos ang mga anak nila. Nandito naman ako, kami ni Joaquin, aalalayan ka namin." Ginagap ko ang kamay niya at pinisil-pisil iyon. "Nasasabi mo lang 'yan kasi wala naman kayong problema ng asawa mo. Pero kapag ikaw siguro ang nasa sitwasyon ko siguradong parehas lang tayo ng mararamdaman." "Ay, naku! Kung ako ang nasa sitwasyon mo, nunkang ipagsiksikan ko ang sarili ko sa asawa ko kapag nagloko siya! Ipapamigay ko na siya sa kabit niya agad-agad! Free delivery pa, door to door gano'n. Hindi ako magpapaka-martir 'no! The moment kasi na nagloko ang isang tao, ibig sabihin no’n hindi ka sapat para sa kanila. Kaya let go, huwag tanga!” Hindi siya nagsalita at tahimik lang habang nakatanaw sa malayo. Tila nag-iisip at naglalakbay ang kaniyang diwa. Gusto ko siyang tulungan, oo. Pero hindi ko kukunsintihin ang pagiging tanga at martir niya. Aso nga bumabalik ng kusa kapag umalis ng bahay ng amo niya, tao pa kaya na may matinong isip? ’Yon ay kung may isip nga iyong asawa niya. Pero kung iyong isip niya nilamon na ng ulo niya sa baba, ay! Talagang finish na. Nalipat ang pansin ko nang tumunog ang cellphone sa bulsa ng jeans na suot ko. Tumingin muna ako kay Michelle na tahimik na umiiyak bago sinagot ang tawag. "Hello? Papunta ka na? Oh. . . Nasaan ka?" Luminga ako sa paligid para hanapin ang asawa ko. Ang sabi kasi nito ay nasa malapit lang siya. Napangiti ako nang makita ang hinahanap ko. Kumakaway ito mula sa tabi ng hotdog stand. Hawak nito sa kabilang kamay ang cellphone habang nakalapat sa tenga. Samantalang ang isang kamay ay nakahawak sa binili nitong hotdog. Naglakad siya palapit sa amin. Humalik ito sa pisngi ko nang makalapit sa akin sabay abot ng isang jumbo size na hotdog na nakatuhog sa stick. Sa sobrang lalim ng iniisip ni Michelle ay 'di yata niya alam na may kasama na kaming iba rito. Focused na focused sa pag-eemote ang bruha. Tumikhim ako nang malakas dahilan para mapahawak ito sa dibdib at muntik pang mabuwal sa kinauupuan. "Pesteng yawa ka, Kathryn! Balak mo bang paanakin ako ng 'di oras?!" singhal nito sa akin. "Oh, ba't ganyan ang mukha mo, mare?" tanong ni Joaquin sa kanya. Tila nagulat pa ito nang makita ang asawa ko kaya napailing na lang ako. "Eh, pa'no, nilayasan siya ni Greg at sumama sa kabit niya. Tapos ang gusto ngayon nitong bruhang 'to, hanapin raw," inis na turan ko. Tumawa lang naman si Joaquin sa sinabi ko. "Maghanap ka na lang ng iba riyan. Hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng panahon ’yong asawa mo. Karakas pa lang kasi ni Greg talagang 'di na katiwa-tiwala, eh," sabi ni Joaquin na pasimpleng humihimas sa pang-upo ko kaya tinampal ko ang kamay niya saka siya pinandilatan ng mata. "Naku, kayong dalawa, 'wag niyo akong pagka-isahan. Kung may katulad itong si pare Joaquin, aba'y sige, pwede nang kalimutan si Greg," nakangising turan ni Michelle sabay sulyap kay Joaquin na biglang nawala ang ngisi. "Nag-iisa lang 'to sa mundo, Michelle, pero kung magloloko 'to tulad ng sinabi ko kanina, ipapamigay ko siya agad sa kabit niya," walang patumanggang ani ko pero hinapit lang ako sa bewang ni Joaquin at binulungan. "Not gonna happen, wife."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม