NAPATINGIN ako sa orasan na nasa dingding para i-check kung anong oras na. Ilang galaw na lamang ng minute hand ng orasan ay papatak na sa alas dose ng madaling araw ang oras. Pero kahit maski anino ni Joaquin ay wala pa rin hanggang sa ngayon.
Bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi na ako mapakali. Hindi naman first time 'to na mangyari dahil nga sa uri ng trabaho ng asawa ko.
Day shift siya ngayon kaya dapat kaninang bago mag-alas-sais pa ’yon naka-uwi, o kaya dapat kaninang alas-siyete pa.
Kung may lakad naman iyon, magsasabi siya sa akin agad. Kaya bakit hanggang ngayon ay wala pa siya?
Iba talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko na maintindihan. Ganito rin ’yong naramdaman ko three months ago kung saan late na naman siya umuwi. Ganitong-ganito iyon, eh. Pero kung sabagay, wala namang nangyari sa kaniya noong panahong iyon. Buong-buo naman siyang dumating noon. Walang labis, walang kulang.
Napabuntong-hininga na lamang ako saka kinuha ang cellphone ko na nakalapag sa may side table. I want to check on him para mapanatag ang kalooban ko. Ayaw kong maghintay na lang dito at tumunganga sa wala dahil napaparanoid na ako sa kakaisip.
Pero nang dahil sa kaba ko ay hindi ko sinasadyang masagi ang frame na nasa tabi lang ng cellphone ko. Bigla akong napahawak sa aking dibdib, saka unti-unting yumuko para pulutin ang frame na nabasag. Litrato namin ito noong ikasal kami ni Joaquin five years ago. Lalong dinagsa ng kaba ang dibdib ko.
Masamang pangitain 'to, 'di ba?
Inilapag ko ang basag na frame sa side table saka mabilis kong pinindot ang numero ni Joaquin. Nagri-ring ito pero hindi naman niya sinasagot.
"Joaquin, Mahal, sagutin mo naman ang tawag ko, please," usal ko habang paroon at parito ang lakad.
Hindi talaga ako mapakali. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon. Parang may mali, eh.
Natapos ang tawag na operator lang ang narinig ko sa huli. Inulit ko ang tawag hanggang sa operator lang din ulit ang narinig ko. Kung puwede lang murahin ang operator, minura ko na! Hindi siya ang gusto kong marinig ang boses kung ’di ang asawa ko, punyeta!
"Nasaan ka na ba, Joaquin?" bulong ko habang hindi mapakali na pabalik-balik na naglalakad sa harap ng pinto.
Maya-maya pa ay narinig ko ang paghinto ng sasakyan sa labas. Agad akong sumilip sa bintana para i-confirm kung siya na nga. Baka kasi sa kapitbahay lang pala. Nakahinga ako nang maluwag nang makita siyang bumaba sa kaniyang kotse.
Naglakad ako at tinungo ang sofa saka naupo at hinintay siyang makapasok dito sa loob.
Binuksan niya ang ilaw kaya napapikit ako saglit nang masilaw ang mata ko sa liwanag. Nang muli kong imulat ang aking mga mata ay nakita ko siyang natigilan pero ngumiti rin kalaunan. Hindi siguro nito in-e-expect na gising pa ako sa oras na ito.
Nakabukas ang butones ng uniporme nito kaya kita ang sando niyang puti sa loob. Halata ang pagod sa kaniyang mukha maski pa nakangiti siya. Pero kahit gano’n ay hindi pa rin naman iyon nakabawas sa kaniyang kaguwapuhan.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad kong tanong. Gustong-gusto ko siyang tadtarin ng mura dahil pinag-alala niya ako, pero alam ko rin naman na hindi iyon makakatulong kaya pinili ko na lang na ikalma ang aking dibdib.
"I'm sorry, Mahal. Nagkayayaan kasi sa birthday ni Suarez. Bakit gising ka pa? Sana natulog ka na," sagot niya habang tinatanggal ang suot niyang uniporme, saka iyon ipinatong sa center table.
Tinanggal din niya ang sapatos at medyas bago lumapit sa akin. He kissed me on the lips. Naka-inom nga. Amoy na amoy ko ang pinaghalong alak, sigarilyo at mint sa bibig niya. Sumampa siya sa kinauupuan ko saka niya ako niyakap at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
"Bakit hindi ka tumawag o nag-text man lang para hindi ako nag-aalala sa 'yo?" mahinahon kong turan.
"Sorry talaga, Mahal. Ang akala ko kasi saglit lang ako roon pero nagkasarapan ng kwentuhan kaya hindi na namin namalayan ang oras," sagot niya sa pagod na boses.
Lalo pa niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko kaya napangiti ako. Ganito naman kami lagi kapag pagod o exhausted sa trabaho, nagiging hingahan namin ang isa't isa. Parang nagsisilbing oxygen namin ang isa't isa pagkatapos ng isang nakakapagod na araw.
"Gusto mo ng kape? O baka gusto mong kumain? Iinitin ko ’yong ulam," ani ko habang sinusuklay-suklay ang buhok niya gamit ang aking mga daliri.
Kumalas ito ng yakap sa akin, saka ako nginitian ng pilyo. Naningkit ang mata ko saka ko siya tinaasan ng kilay. "Joaquin, alam ko na ang ngiting 'yan, ha? Mag-shower ka na para makatulog na tayo dahil malalim na ang gabi."
"Gutom ako," bulong niya sa tenga ko.
"Oh, sandali at iinitin ko ’yong pagkain—”
Pinutol niya ang sinasabi ko nang siilin niya ako ng halik sa labi. Tumigil ito saglit sa paghalik saka ako nginitian. "Gutom ako pero ikaw ang gusto kong kainin, Mahal," anas niya saka niya ako hinawakan sa batok.
Ipinagdiinan pa nito ang pagsiil ng halik sa labi ko kaya ramdam ko ang panggigigil sa bawat hagod ng labi niya. Parang hindi pa siya nakuntento kaya ang kamay na nasa batok ko ay nalipat sa panga ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang panga saka mas lalong pinaglalim ang iginagawad na halik sa akin na siyang tinugon ko ng buong puso. Bahagya pa niyang kinagat-kagat ang pang-ibabang labi ko saka tinudyo ng kaniyang dila kaya kusang bumuka ang labi ko para papasukin ito sa loob. Ginalugad nito ang loob ng bibig ko hanggang sa magsawa siya. Sa sobrang diin ng mga halik niya ay parang mabubura na ang labi ko.
Maya-maya pa ay gumapang na ang malilikot niyang kamay sa katawan ko habang magkahulagpong pa rin ang aming mga labi. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagtupok ng init sa bawat himaymay ng aking katawan. Hanggang sa tila nagsawa na rin siya sa aking mga labi at nalipat iyon sa gilid ng aking tenga pababa sa aking leeg.
Hinaplos niya ako sa leeg bago ito pinaraanan ng halik. Bahagya pa niyang kinagat-kagat ang balat ko na sigurado akong mag-iiwan ng marka kinabukasan ngunit hindi ako nagprotesta at hinayaan lang siya sa gusto niyang gawin.
Bawat maraanan ng kanyang mga labi at dila ay nag-iiwan ng kakaibing kiliti na mas lalong nagpapaningas ng apoy sa aking kaibuturan.
Bumaba pa ang mga halik niya sa dibdib ko na natatabingan pa ng suot kong sando. Napasinghap ako sa dulot na sarap nang sandaling kagatin nito ang naninigas na perlas sa tuktok ng aking dibdib. Lumayo siya ng bahagya sa akin para hawakan ang laylayan ng suot ko saka ito hinubad. Hindi naman ako nakasuot ng bra kaya tumambad sa paningin niya ang pinagpala kong dibdib. Saglit niya akong pinagmasdan kaya nakita ko ang paghanga sa kaniyang mga mata. Paghanga na aking nakikita sa tuwing magiging isa ang aming mga katawan.
Marahan niyang pinisil ang dibdib ko saka eksperto itong hinulma. Isinubsob niya kalaunan ang kanyang mukha saka pinagsalitan niyang halikan ang mga ito nang paulit-ulit. Para siyang uhaw na uhaw at tanging ako lang ang makakapatid sa matinding pagka-uhaw niya. Samantala, ang kanyang kabilang kamay naman ay malayang humahaplos sa aking katawan.
Bumaba pa ang bibig niya hanggang sa huminto ito sa aking hiyas. Pinaikot niya ang kaniyang daliri roon kaya hindi ko na napigilang i-arko ang aking katawan para biglang laya ang kaniyang ginagawa sa aking kaselanan. Tinutupok na ako ng apoy ng pagnanasa, kaya habang ginagawa niya iyon ay sinamantala ko ang pagkakataon para tanggalin ang kaniyang suot na sando. Nang matanggal ay tumambad sa akin ang parang nililok niyang katawan. Matikas iyon at matipuno.
Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagtanggal ng suot kong pang-ibaba kasama ng undies ko. Nagtanggal na rin siya ng pang-ibaba kaya tuluyan na akong natupok ng kakaibang damdamin nang sandaling malantad din sa paningin ko ang kaibigan na halatang naghahanap na ng kalinga.
Marahan niyang inilapat ang likod ko sa sofa saka siya umibabaw.
"I love you, wife. Always remember that. Akin ka lang, okay?" bulong niya sa tenga ko bago niya itinaas ang isa kong paa. Bago pa man ako makatanggi sa nais niyang gawin, mabilis na siyang pumasok sa aking lagusan.
Hindi ko na nagawang tumugon dahil nawala ako sa katinuan nang sandaling maramdaman ko ang pagkapuno ng kaniyang kahabaan sa aking loob.
"Ah . . . Joaquin." Napaungol ako sa sarap na aking naramdaman nang sandaling pumasok siya sa aking loob.
“Ganiyan nga, Mahal. Moan louder!”
Umindayog siya sa ibabaw ko sa saliw ng ritmo ng pintig ng aming mga puso.
Nataranta na ako’t hindi alam kung saan ikakapit ang aking mga kamay. Kung sa sofa, sa aking buhok o sa mga kamay ba ni Joaquin na mahigpit na nakahawak sa aking bewang.
Saksi ang sofa na aming kinalalagyan kung gaano kainit ang mga sandali. Lumalangitngit na ito sa bawat pagbayong ginagawa ni Joaquin.
Sumabay na rin ako sa bawat galaw niya hanggang sa tuluyang sumabog ang katas ng aming pagmamahalan.
"I love you, Wife," ulit niya saka niya ako hinalikan sa noo.
"I love you too, Mahal," sagot ko bago niya ako binuhat papasok sa loob ng aming kuwarto.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa tuwing mag-iisa ang aming mga katawan kaya tiwala ako sa pagmamahal niya. Alam kong hindi siya katulad ng ibang asawa na magloloko dahil sapat na kami para sa isa't isa. Kontento na kami kahit pa nga hindi kami nabibiyayaan ng supling kahit limang taon na kaming mag-asawa.