Chapter 36 JEANNA Naiwan kami ni Mr. Sartillo sa salas dahil nagdesisyon ang asawa nitong unahin si Tyler na doon pala natulog sa mansyon nila. Pansamantalang nabawasan ang tensyon sa usapan namin ngunit nang makaalis si Mrs. Sartillo ay ipinagpatuloy ni Mr. Sartillo ang usapan namin. "Pasensya na at naputol ang sinasabi ko. Iyon na nga, may hinihinging kapalit ang bawat paggamit ng mahika. Wala kang totoong espesyal na nararamdaman para kay Jerico, kundi siya ang may nararamdaman sa'yo noon pa man. Lahat ng nararamdaman mo para sa kaniya ay bunga lang din ng paghingi niya ng pabor sa mahika." "Kung gayon po ay ano po ang naging kabayaran ng hiningi niyang iyon?" curious kong tanong. Nang malaman ko ang tungkol sa kabayaran ng paggamit ng spells ay nakaramdam ako ng pagsisisi at aw

