HERA SINADYA kong agahan ang pagpasok sa opisina upang masigurado na kaunti pa ang tao sa kompanya. Let's say na umiiwas lang ako sa mga intriga, sa mga tingin na nakakailang, at mga pasimpleng bulungan dahil sa nangyari. Nahihiya ako at nanliliit dahil sa nakaraan ko. Naging masyado ang pag-uugali ko sa iba dahil sa maling pananaw sa buhay. Sumobra ako sa pagiging independent na naging dahilan upang maging mataas ang pagtingin ko sa aking sarili at nagdulot ng pagiging arogante ko sa iba. Inakala ko na ang depinisyon ng confident na babae ay kapag kinayang mamuhay nang hindi umaasa o dumedepende sa iba. Ngunit, mali ako.. maling-mali. Malaki pala ang pinagkaiba ng pagiging confident sa kapalaluan. Tunay ngang kapag pakiramdam mo ay napakataas mo na ay gagawa at gagawa ng paraan a

