HERA "Madam!" Hangos na sigaw ni Venus habang tarantang lumapit sa akin. Niyakap pa ako ng mahigpit na parang sampung taon na kaming hindi nagkikita. Imbis na yakapin ito pabalik ay bahagya ko itong itinulak palayo sa akin at binigyan ng nagtatakang reaksyon. Kinalma nito ang sarili niya at huminga ng malalim bago nagsalita. "Alam ko po na hindi pa tapos ang leave ko pero nang makarating sa akin ang nangyari ay nagdali-dali akong bumalik dito para masiguradong okay lang kayo. Alam ko po na mas kailangan mo ang tulong ko. Basta lagi mo pong tatandaan na kahit na anong mangyari ay karamay mo po ako. Napakasama naman po pala talaga ng ex niyo." Diretsong palatak nito na lalong nagbigay ng pagtataka sa akin. "Ex? Sinong ex ang tinutukoy mo? At ano ba ang ibang mong sabihin?" Mabilis pal

