HERA I DON'T get it! How could he! Sa kalagitnaan ng pagiging intimate namin sa isa't-isa bigla na lang siyang titigil at tutunganga without saying anything? He is making me overthink like crazy. Ano yo'n sinubukan lang niya kung madadala ako sa ginawa niya? Siya pa ang may ganang hindi magpakita ngayon sa akin? C'mon! I can't believe him. Siya pa ang may ganang mag-inarte ngayon? Para akong baliw lang na naglalakad paroon at parito habang iniisip kung ano na ang iniisip ng lalaking iyon. It's been a week pero napakailap pa rin niya sa akin. Sunud-sunod ngunit mahinang mga katok ang pumukaw sa aking atensyon. Panandaliang pumahinga ang isip ko at pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Wala akong ideya kung sino ang pupunta ngayon sa aking opisina dahil nasa probinsya pa rin si V

