DANIEL NAPAPAYAG ko naman si Ms. Buenaventura sa naisip kong deal kapalit ng pagtulong niya sa pagpapagamot ng mama ko. Nabigyang linaw na rin ang tanong sa isip ko patungkol sa matinding inis niya sa akin. Imbis na magalit sa kaniya ay nakaramdam ako ng awa. Napakalalim naman pala ng pinanggagalingan ng inis niya sa akin. Marahil ay hindi pa rin siya tuluyang nakakalimot sa nangyari sa kanila ng ex niya. Kahit sino naman siguro ay hindi basta-basta makakalimot sa ginawa ng ex niya. Ako pa rin ang pansamantalang humahalili bilang secretary niya habang naka-leave ito. Ilang araw na rin ang lumipas at walang Goeff ang nagpaparamdam man lang. Sa loob ng ilang araw na iyon ay kita ko sa kaniya ang pagiging balisa. Tila siya ay naghihintay ng isang malaki at nakamamatay na bomba kung kaila

