Chapter 60 DANIEL NGAYONG araw ay ang despedida party ni Venice. Inimbitahan niya ako at nagpasya akong pumunta upang sadyain na makausap si Vaughnn. Naabutan ko silang nagkakasiyahan. Wala silang maraming bisita at tanging malalapit na kaibigan lang at pamilya ang naroon na nagsasaya. Natanawan ako ni Venice at mabilis niya akong nilapitan. "Buti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Halika roon." Anyaya niya sa akin. Hinanap ng mata ko ang lalaking tumulong sa mag-ina ko no'ng mga panahong wala ako sa tabi nila. Pagdating namin sa umpukan ng mga bisita ay nahagip ng paningin ko ang isang lalaki na may pamilyar na pigura sa akin. Parang nakita ko na ito noon. Tinawag niya ito at pinalapit sa amin. "Daniel, this is Vaughnn. The father of my children." Pagpapakilala ni Venice

