Chapter 59 VAUGHNN HINIHINTAY ko si Venice dito sa paborito niyang puntahan sa tuwing nalulungkot siya. Isa itong flower garden at napakaganda ng ambience. Kung tutuusin ay dapat kalmado lang ako dahil nakaka-relax ang view pero hindi magawang kumalma ng puso ko. Ang daming mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Ito na ang matagal ko nang hinihintay. Ang pagkakataon na makasama ko ang aking mga anak at kilalanin nila ako bilang ama. Alam kong maaaring maging masalimuot at maging tigib sa sumbatan ang pag-amin na gagawin ko kay Venice ngunit nangingibabaw pa rin sa akin ang willingness na subukan. Alas-diyes ng umaga ang usapan namin pero ala-siyete pa lamang ay nandito na ako sa aming meeting place. Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Venice. "Ang aga mo naman

