Chapter 58 HERA "WHAT brings you here, Vaughnn? It's been a long time since I last saw you." Bati ko kay Vaughnn na sinadya pa akong puntahan sa office ko. Nanariwang muli sa isipan ko ang itsura niya noon habang nakatingin sa taxi na sinakyan ko habang papalayo ito sa lugar kung saan ako naglagi ng matagal kasama siya. "I want to ask for your help." sabi nito. Balisa at malamlam ang mga mata nito na parang may mabigat na problemang dinadala. "Help? At ano namang tulong?" tanong ko. "Tungkol sana kay Venice." Nahihiyang turan niya. "Venice? What about her? Seriously, matapos niyong pagplanuhan ang pagkulong sa akin sa mansion na iyon ay hihingi ka ng pabor para sa kaniya? Anong pabor pa ba? Hindi pa ba sapat na iniurong ko na ang kaso para makalaya siya at makasama ang anak niya?"

