DANIEL Naabutan ko si Venus sa police station na ini-interview ng mga pulis. Putlang-putla ang mukha nito at bakas ang matinding takot. Pagtapos ng interview nila ay agad ko siyang nilapitan. "Ano nang balita, Venus? Natawagan mo na ba ang parents niya? We need their help." "H-hindi pa, eh, pero tatawagan rin natin. Ano ba naman itong eksena ni madam. May idea ka ba sa kung sinong kumag ang nakaisip na ipa-kidnap si madam? Matagal nang nananalaytay sa ugat niya ang pagiging dugong bughaw pero ngayon lang may nangahas na kidnapin siya. Paniguradong magagalit ang mga magulang niya. Nakakatakot pa naman magalit ang daddy niya. Parang hari kung mag-utos. As in mapapa-oo ka na lang." Ayaw ko mang ipahalata kay Venus ay natatakot rin ako sa maaaring sabihin lalo na sa maaaring gawin ng par

