Chapter 4

3068 คำ
Pagkababa ko pa lang ng kotse ni Trist ay agad ko ng nakuha ang atensyon ng nakararami. Hindi na'to bago sa'kin dahil halos araw-araw laman ako ng chismis. Sabay kaming naglakad at hindi pinansin ang kahit sino, malayo pa lang ay kita ko na ang dalawa niyang kaibigan na sina Edcharl at Quin. Si Edcharl ay first year pa lang kaya nakakapagtakang kaibigan siya ng tatlo na sina Trist, Quin at Ali na nasa third year na rin tulad ko. "Aga mo yata ngayon, Immerson?" Bungad ni Quin at tinapik ang kasama ko sa balikat. "Changing lifestyle?" "Morning, Jedah," bati ni Edcharl habang nakangiti. Binati ko rin siya pabalik at si Quin, mas lalo kaming pinagtinginan dahil sa presensiya ng tatlong magagwapong binata. Hinatid nila ako sa building namin at bago umalis ay muli akong niyakap ni Trist. Saglit lamang yun pero mainit, awtomatik akong nangiti at naiiling siyang tinaasan ng kilay. "Kaya ka napagkakamalang boyfriend ko dahil sobrang sweet mo, baka naman gusto mo rin akong halikan? Talagang matsitsismis na ako niyan." "Tch!" Pinitik niya ang nuo ko na ikinatanga ko. "Hayaan mo sila, wala ka dapat pakialam sa sasabihin ng iba." "Wala naman talaga, nakakatawa lang minsan." Ngumisi siya at umiiling na nilingon ang mga kaibigang agad nag-iwas ng tingin. Nagpipigil ng tawa si Quin habang si Edcharl napabuntong hininga. "Sige na, alis na kami. Kita na lang tayo mamaya sa canteen." "Ge." Sa isang kaway ay tuluyan na silang umalis, agad akong pumasok sa kwarto at naupo sa aking upuan. Ramdam ko ang mapanghusgang tingin sa'kin ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin. Last year ako dumating dito, dati akong taga Cagayan ngunit nang namatay si mama ay napilitan akong magtrabaho sa club at doon ako kinuha ni papa. Huli na nang malaman niyang nabuntis niya si mama kaya last year lang din kami nagkakilala. Nakakalungkot na nalaman niya lang ang tungkol sa'kin nang namatay si mama. Akala ko noon ay mapapariwara na ako. Lumipas ang umagang walang nambu-bully sa'kin, malaking himala yun dahil madalas maaga pa lang may nanggugulo na sa'kin. Naaalala ko pa paanong pinagpi-pyestahan ako rati nang malaman ng mga kaklase kong nagtrabaho ako sa club. They were so unreasonable, what's wrong with working in a club when in fact I just wanted to earn money? "Miss Fidelin, hindi ka pa ba tapos sa seatwork mo?" Tanong ng aming professor. Nasa harapan ito at nangungulekta ng answer sheets ng mga kaklase ko. Nakangiti akong tumayo at binigay sa kaniya ang answer sheets ko. "Ni-review ko lang po, baka kasi may mali ako." "Good, now you may exit." Mas lalong lumaki ang ngiti ko, siya yata ang pinakamabait naming Prof. Kapag kasi nauna kaming matapos sa pinapagawa niya ay nauuna rin kaming lumalabas. Agad akong nagligpit ng gamit at lumabas, dahil 'yon na ang last class namin sa umaga ay naisipan ko munang maglibot sa campus. Masyado pa akong maaga, baka nga nasa klase pa rin si Trist, e. Pumunta ako sa rooftop ng Engineering building, yun ang pinakamaatas kaya gustong-gusto ko. Lahat ng matataas na lugar ay gusto ko, pakiramdam ko kasi malaya akong tignan lahat at gawin anomang gusto ko nang walang manghuhusga sa'kin. Lahat sa ibaba nakikita mo kapag nandito ka. Pagkarating ay naupo ako sa steel bench saka naglabas ng cellphone, kumuha ako ng litrato at manghang tinanaw ang magandang tanawin sa ibaba. Matapos ay nanuod ako ng romantic movies sa cellphone ko hanggang sa antukin. "Yawa, bakit ba ako inaantok kapag nanunuod ng movie?" That's not a habit but that becomes a usual response whenever I'm watching movies. I just fall sleepy all of a sudden. Sa antok ay naisipan ko munang humiga sa bench at umidlip, hindi naman mainit dahil may silong sa banda kung nasaan ako. Nagsaksak ako ng earphone at nagpatugtog bago nahiga ng patagilid. Ginamit kong unan ang back pack at pinagdikit na lang ang mga hita. I slept late last night, I think this is the payment. I should make my gigs shorter or I'll perform earlier. Para hindi ako mapuyat. Puyat na puyat yata talaga ako at paggising ko naka-ilang missed calls na si Trist. Inaantok pa ako nang tignan ang oras, muntik na akong mahulog sa bench nang makitang alas dose na nang tanghali. "Oh my gosh!" Tumili ako at dali-daling nagligpit. "I'm so dead to Tristan, I overslept! Naman e, baka galit na siya!" And the fact that I only have an hour left before my classes would start add up to my worries. I still haven't eat lunch and my stomach is grumbling! "Walanghiya, masesermunan na naman ako nito." Nagkukumahog akong nagsuklay at tinignan ang sarili sa maliit na salamin. Napangiwi ako nang makitang namumugto pa ang mga mata ko, kailangan ko yata maghilamos. Pero dahil wala akong dalang tumbler ay nagpunas na lang ako ng wipes saka dali-daling tinangay ang bag at jacket na kinumot kanina. Nasa hagdan na ako nang ma-realized ang isang bagay, dahan-dahan at tameme kong tinitigan ang black silky jacket na may white linings na bibit. Siguro kung nandun pa ako sa rooftop nagsisigaw na ako sa gulat dahil wala naman akong jacket! So saan 'to galing? At bakit nakakumot sa'kin? May...iba yatang pumunta sa rooftop kanina. And that means he or she saw me sleeping! Then I wonder who left this jacket for my cover? "Surely not Tristan, he's been calling me and he obviously don't know I'm here..." I murmured to myself. Hindi ko malaman kung iiwan ko ba ang jacket o dadalhin, pero naisip kong yung jacket lang ang paraan para makilala ko ang may-ari nun. Naku-curious din kasi ako kung sino may-ari nun. I'd convinced myself to bring the jacket with me. Meanwhile, I'm also calling Tristan. "Jedah? Jesus, where are you? I've been calling you for God knows how many times," he complained, worried. "Come here in the Canteen, I'm still waiting. Lunch time is almost over." "I'm sorry, I just slept. Napatagal lang." "Saan ka natulog? Bakit kasi tumatanggap ka pa ng maraming gigs, hindi mo naman kailangan magtrabaho para kumita." "I just can't stop singing, I'm the vocalist of our band and stopping means causing my bandmates a problem." Halos takbuhin ko na ang stairs, sa backstairs ako dumaan para hindi matao. Five minutes pa bago ako nakarating sa canteen dahil medyo malayo rin ito sa engineering building. Pagkapasok ko pa lang nakita ko na agad si Trist na tumayo, hawak pa rin ang cellphone na kabababa lang nang makita ako. Sinubukan kong ngumiti dahil masyado siyang seryuso pero ngumuso lamang siya. "Kumain ka na, may klase ka pa ng one, diba?" Bungad niya at hinawakan ako sa braso. Hindi man lang niya ako tinanong kung saan ako natulog, minsan talaga sobrang sweet niya. Kasama na naman niya sina Quin at Edcharl na may ibang kausap na mga lalaki sa kabilang table. "Hello!" Bati ko. Nang makita ako ng dalawa ay ngumiti ang mga 'to at bumati rin. Naka-order na rin si Trist ng tanghalian ko kaya nang makaupo ay kumain na ako agad. "Fifteen missed calls, how sweet of you." Pinakita sa'kin ni Trist ang screen ng cellphone at ngumiwi. "Kamusta tulog mo? Nakabawi ba?" Hindi ko napigilang matawa dahil sa itsura niya, halatang kanina pa siya asar dahil late na late ako. "I waited outside your building for five minutes, I looked for you in your classroom, I asked your classmates where were you, then I waited here." I bit my lower lip to suppress my laughters. "Sana nakatulog ka ng mahimbing." "Sorry, galit ka?" Tinigil ko muna ang pagkain para lambingin siya, agad namang napabaling sa'min ang dalawa niyang kaibigan pero agad ding nag-iwas. "Akala ko kasi magigising ako agad, medyo napasarap lang ang tulog ko dahil malamig ang hangin." Suplado niya akong tinignan at tinaasan ng kilay. "As if I could get mad? I was just worried because I can't find you. I thought some guys bully you again. I'll really beat them up." "Eh?" "I'm serious, may nambu-bully pa ba sa'yo?" "Masyado ka namang OA, e. Wala namang nambu-bully sa'kin, saka kayang-kaya ko silang pataubin." This is half-lie. "I can handle myself, Trist." "I know you do but I will not let them get away." "Even girls? You'll hurt girls?" Nagtagis ang bagang niya at umiiling na umirap sa'kin, malakas akong tumawa at kumain ulit. "You can't hit girls," I said, still laughing. "You'll be not-so-good in their eyes, your gentleman image will be tainted." "I don't care about the image, and I'm not a gentleman," he retorted. "But I don't hit girls, there are other ways on how to beat them up without physically assulting them." "You're so bad, Immerson," singit ni Quin na umiinom ng tubig. "You really like torturing naughty girls, you surpassed Saldivar's ruthlessness." "Bakit ako nasali?" Sabat ni Edcharl at piningot ang tenga ng kaibigan. "Hindi ako nananakit ng babae at hindi ako mahilig makipaglaro. Sa'ting lahat ako ang pinaka——" "Lahat na h'wag lang mabait, Elvis. Kasi alam naman nating lahat gaano ka kagago at kasiraulo." "Castillo, kailan ako naging ganun?" "Noong high school pa, andami mong buhay na sinira, andami mong——" "Please lang, h'wag kayong magkalat dito," suway ni Trist at napahilot sa sentido, animo'y tinatamad na sa mga kaibigan. "Jedah is just right here with us, show some maturity. Act your age and freaking keep your voice low." The two stopped arguing and looked at him flatly, but what's funny was that they didn't argue more and listened. Matagal ko na talagang hinahangaan ang friendship nila, bagay na ni minsan hindi ko naranasan. "It's fine, feel free kayo magkalat. H'wag niyong pansinin si Trist." Ngumiti ako sa dalawa na ngumuso lang at nagmamalaking tinignan ang katabi ko. Hindi sila pinansin ni Trist na ngumisi lang. "Anyway, where's Ali? He didn't eat with us and he didn't even call," saad ni Trist. Tahimik lamang akong kumakain pero alerto ang tainga ko sa usapan nila. Hindi naman dapat pero gusto ko rin kasing malaman. "Don't know, he said he's going to breathe fresh air. Oh saang fresh air kaya yun?" Ani Quin at ngumisi. "Baka nambababae lang, tinatago sa'tin. Ayaw talaga pakita ng lalaking yun na nambababae rin siya." "Aliston is no saint, of course he has his fair share of women but I don't think he's afraid to show it to us," sagot ni Edcharl at tumayo na. "Malay mo kaharap na naman ng mga libro, kilala mo naman yun." "Unlike us, he's the most hardworking and dedicated one. Kaya h'wag na kayo magtaka." "Kaninong jacket 'to?" Biglang inangat ni Trist ang jacket na nasa tabi ko at hantarang sinuri sa harapan ng dalawa. "Panlalaki yata 'to, parang wala ka namang jacket na dala kanina, Jedah." "Hindi ko alam, nakita ko lang 'yan kanina paggising." "Ano? May kasama ka bang natulog? Teka, saan ka ba kasi natulog?" Nakanguso niyang tanong at bahagyang inamoy ang jacket. "Ugh, smells bad." Napataas ako ng kilay. "Parang aso lang ah, Trist? Inaamoy." Tumawa naman ang dalawa na inilingan niya lang. Biglang hinablot ni Edcharl ang jacket at masusi itong sinuri, akala mo naman may kahina-hinala roon. Then after a keen observation, his brows shot up. "This isn't yours?" I shook my head. Dinilaan niya ang labi bago nakangising binagsak ang jacket sa mesa, pero hindi ko nakaligtaang mamangha sa kung gaano siya ka-cool doon. "What do you think, Quin?" He asked his friend. "Huh? Saan?" "Bagal naman ng pick up mo," anito at binalingan si Trist. "Ikaw, na-gets mo yung nasa utak ko?" "Gago ka ba? Hindi ako nakakabasa ng isip," saad ng katabi ko. Hindi ko na talaga mapigilang matawa basta sila mga kasama ko. "Ano huhulaan ko? Mukha ba akong manghuhula, Saldivar?" "Ano ba 'yan, ako lang ba may utak dito?" "Talaga ba? Patingin ng utak mo, p're? Ilan IQ mo?" Pambabara ni Quin. Ngumuso lamang si Edcharl at ibinalik na sa'kin ang jacket, akmang kukunin ko na yun nang unahan ako ni Trist. "Let's throw this away, we don't know who's the owner of this. Baka mamaya may nakakahawa pala yung sakit at gusto kang hawaan." "What?" Gulat kong sabi, grabe naman 'to. "No, hindi naman yata. Kinumot nga 'yan sa'kin ng may-ari kanina eh, 'yan na lang pag-asa ko para makilala kung sino yun tapos itatapon mo?" "Oo nga naman, h'wag OA Tristan Xander," dugtong ni Edcharl at nginitian ako. Pero nagmatigas si Trist at pinilit kunin sa'kin ang jacket. Hindi ko naman yata mapapayagang itapon niya na lang yun. Una, dapat pasalamatan ko pa nga ang may-ari dahil kahit 'di ko naman talaga kailangan ng kumot ay kinumutan niya ako. Pangalawa, mukhang malinis naman at mamahalin yung jacket, baka kunin ng may-ari. Panghuli, gusto kong makilala ang may-ari at baka maging friends pa kami. "Jedah, akin na, I'll give you my blazer instead. Hinding basta-basta ka na lang tumatanggap ng bagay na galing sa hindi mo kilala," pagpupumilit niya. Uminom muna ako ng tubig bago siya pinanliitan ng mata. Hindi naman siya papatalo dahil sinubukan niyang agawin sa'kin ang jacket pero mabilis ko yung naitago sa aking likuran. Dahilan para maglapit kami nang sinubukan niya yung abutin. Nasinghot ko ang mabango niyang amoy nang yakapin niya akong tuluyan makuha lang ang jacket. Natulala ako saglit dahil sa ginawa niya, hindi niya ako kailanman niyakap sa ganung paraan. Napalunok ako nang ngumisi siya at sinamantala ang pagkahinto ko para maagaw ang jacket. "Gotcha, now let me hold it for you. I'll make sure this is clean and safe," saad niya at dahan-dahang lumayo. Narinig ko naman ang awkward na pag-ubo ng dalawang kasama namin. Then shame hit me. Damn, baka isipin na naman nilang magkasintahan kami ni Tristan! For Pete's sake, we're siblings and that's just so eww! "Bakit mo naman ginawa yun?" Pabulong kong tanong nang inaayos na namin ang gamit. "Ha? What do you mean? Wala naman akong ginawang mali." Napakunot siya ng nuo at napaisip. Sa bagay, wala naman yung malisya. Iniisip ko lang ang iisipin ng iba, baka masira rin ang image niya dahil sa'kin. "About...that?" He murmured and shot me an appologitic look. "Sorry, I was just kidding around. Did I make you uncomfortable?" "No——" "Kanina ka pa riyan, Ali. Hindi ka ba tutuloy? May hinihintay ka pa yata?" Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa malakas na pagtawag ni Quin sa isang kakilala. Agad akong napabaling sa may pintuan ng canteen at doon nga, nakatayo si Aliston Monte Grande habang may kausap sa cellphone. Agad bumaba ang mata ko sa hawak-hawak niyang libro at bag. Ang maugat at lalaking-lalaki niyang kamay ay namumula pa at hindi ko maiwasang hindi yun purihin. Sobrang linis at pormal din niyang tignan sa suot na light blue long sleeves, black slacks at school shoes na kumikinang sa kintab. Masyado siyang matangkad tignan kahit sa malayo, idagdag pang napakaganda ng hubog ng katawan niya. Pakiramdam ko nauubusan ako ng hininga habang nakatitig sa kaniya. Malakas ang t***k ng puso ko na hindi yata normal. "Sorry, I was talking to our Secretary when I came in and I decided to halt for seconds," he said in a gentle yet manly and precised tone. As if he knew too well what to say for being so late. Nang makalapit ay tinapik niya si Trist sa balikat saka ako tinapunan ng tingin. Nang magtagpo ang paningin namin ay parang may nagkakarerang daga sa dibdib ko, mas lalo yung bumilis at alam kong unti-unti akong natutunaw sa sensero at seryuso niyang titig. "Hi...nice to see you again, Jedah," he muttered softly as he cracked a small smile. I felt my cheeks warmed and my heart just beats faster. This isn't normal at all. I wasn't able to answer immediately but at least I managed to nod. Damn...how can he just stand there and smile and look so manly? I cannot believe I'll be seeing him again, up close and he greeted me! Gusto kong ngumiti ng sobrang laki sa tuwa pero mas pinili kong itago yun. Sobrang higpit ng pagkakakuyom ng mga kamao ko para lang hindi mangiti na parang baliw sa harapan niya. "Kumain ka na? Kung hindi pa edi wow, magutom ka," diritsong saad ni Edcharl. Pero nakakamanghang imbis maasar sa pambabara ng kaibigan ay ngumiti lamang siya. Naupo siya at nang makita ang hindi pa nabubuksang bottled water sa mesa ay inabot niya yun. "Akin na 'to, nauuhaw ako kanina pa, e," sabi niya habang binubuksan ang bote at agad ininom ang laman nun. Without knowing na akin yun! Palihim akong nangiti nang may na-realized siya sa kalagitnaan ng pag-inom, nakita niya malamang na nakatingin kaming apat sa kaniya. "Sorry, sino ba may-ari nito?" Bigla siyang natawa ng wala sa sarili at kinagat ang labi. "Ubusin mo na, ininom mo na, e," si Trist. "Kay Jedah 'yan, hindi pa naman niya naiinom——" "What?" He instantly straightened his back and shot me an appologitic look. "I'm sorry, I thought it's Trist's. Man, papalitan ko na lang." "Ha, h'wag na...okay lang naman," agad kong sabi. Nakagat ko ang labi nang titigan niya akong mabuti. Sana ba hindi na ako sumagot? Bakit ba kailangan niya akong titigan? Parang may gusto siyang sabihin na ano. "Thanks, but I'll order my meal so I'll just buy you a new one." Inilapag niya ang cellphone sa mesa sa ibabaw ng kaniyang libro at tumayo. "I'll be quick." "Pahiram ng phone, Ali," sabi ni Edcharl sabay kuha ng cellphone nito. Mabilis na tango lang ang kaniyang isinagot bago nagtungo sa counter para bumili ng makakain. Wala sa sariling sinundan ko siya ng tingin, hindi ko talaga maiwasang humanga sa kung paano siya kumilos at magsalita. He behaves differently from the rest, he act and move precisely and carry himself without sweat. He stands tallest among the students on the counter and he's way too attractive, easy to spot in the crowds. He's just so manly, handsome and cool. Kakaiba rin mga kaibigan ni Tristan, puro bigatin. Mula kay Edcharl, Quin at alam kong marami pa siyang kaibigan na hindi ko lang kakilala. "Alam mo, kilala ko 'tong jacket na'to," biglang bulong ni Edcharl na yumuko palapit sa'kin. "Kilala ko may-ari." Curious akong dumukwang din palapit sa kaniya, nanaig sa'kin ang curiosity. "Sino naman?" Ngumiti siya sa'kin at may pinindot sa screen ng cellphone ni Ali bago yun iniharap sa'kin.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม