Chapter 5

3209 คำ
Ilang minuto akong walang imik habang nakatingin sa litrato ni Aliston Monte Grande habang suot-suot ang parehong jacket, na hawak ko ngayon. Kakahuyan naman ang background niya at may iilang hayop siyang kasama sa picture. He's all smiles while feeding a baby rabbit, face down, watching the little rabbit lovingly. I gupled upon seeing the joy and amusement in his eyes...he is so attractive in there. So he loves rabbit? Or animals? And forest? He loves nature. "See that? The jacket." Binawi ni Edcharl ang cellphone at mabilis na nag-swipe doon. "He owns the jacket," I murmured to myself. "Kaya pamilyar sa'kin, e. Hmm, he must've saw you sleeping and put that on you." "Put what?" Biglang singit ni Trist. Nginiwian ko lang siya at inilingan. Nakabalik na rin si Aliston na may dalang dalawang bottled water at tray, naupo siya sa kaharap kong upuan at agad akong tinignan. He smiled sheepishly as he handed me the bottled water, that I accepted immediately. "Well, thank you." "Likewise," he answered. Nagsimula na siyang kumain habang 'yong iba nagtatawanan. Si Trist at Quin ay may tinitigan sa phone nila habang si Edcharl tumayo at nakipag-usap sa iba pang kaibigan. Ako naman ay tahimik silang pinapanuod, nakakatuwa talaga kapag mga lalaki kasama mo. Minsan mas gusto ko pang maki-bonding sa mga lalaki, kasi sa kanila walang plastic, 'di uso 'yong backstab at hindi judgemental. Unlike girls na andaming arte, minsan pa puro critique nakukuha ko at puro plastic din. "How are you?" Suddenly, Aliston asked out of nowhere. "I mean, I saw you sleeping in the bench, in the rooftop." Napahugot ako ng malalim na hininga, siya na mismo ang nagsabi, gosh. Akalain mong inamin niya? I thought he'd let me think of it 'til I get insane. I flashed a cheerful smile and nodded. "Ayos na, nando'n ka rin pala? Nandito jacket mo." "You can have that for a while, that's clean and unused, you might get cold in your dress." His eyes then dropped in my shirt with a square neck line. Ako naman ay napatingin sa dalawang malalaking ugat na lumalabas sa leeg niya, at sa collarbones niyang sumisilip sa kaniyang long sleeves polo. Nakatupi 'yong sleeves hanggang siko kaya lantad ang maugat at mabuhok niyang braso. Gusto kong mahiya sa pagtingin sa braso niya pero hindi ko magawang iiwas ang paningin. He just look so manly and attractive! How could he eat like a model of a fast food chain?! "Ahm, t-thank you. I'll just wash it." "Jedah, malapit na mag-one, ihahatid na kita sa building niyo," biglang anunsyo ni Trist at tumayo. Tumayo na rin ako at tinapunan ng ngiti ang tatlo, saka ako kumaway. Huling tinignan ko ay si Ali, kumakain pa rin ito pero ang mata nasa akin. Habang ngumunguya ay mas lalong nagiging kapansin-pansin ang panga niya at leeg. And once again, he freaking looks hot in there! This isn't real! How can I admire him this way?! Are you starting to get insane, Jedah? "Dadalhin mo pa 'yang jacket? Akin na nga 'yan, ako na magtatago." "What? No." I immediately hid the jacket behind me when Trist tried to take it. "I mean...It's fine, I'll just put it inside my locker. No need to worry, this is clean." "Clean? Hindi natin alam saan galing 'yan, Jedah. Baka mamaya may nakakahawang sakit ang may-ari niyan." Here he goes again with that nakakahawang sakit excuse. Sometimes he's being overprotective! Thou, I like him that way. Napatingin tuloy sa kaniya sina Edcharl at Ali. Yung tingin pa ng dalawa ay parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Si Quin naman ay tumayo at inakbayan siya. "Alam mo ikaw, Immerson, minsan naiisip kong ang clingy mo masyado. Ayaw ng mga babae ng sobrang mahigpit at clingy at overreacting na boyfriend kaya kung gusto mo magtagal kayo ni Jedah, ayusin mo buhay mo." "What the f**k, Quin?" Trist barked offensively as he threw Quin a deadly glare. "What are you talking about? I'm just worried about her health and well-being, and hey, we are not in love with each other!" He emphasized the last sentence, Edcharl then chuckled and Aliston laughed teasingly. "You're making our man here uncomfortable, Quin. Enough pointing out what's pretty obvious," Ali remarked. "Isa ka pa Ali." "Idagdag mo na ako," saad ni Edcharl at ngumisi. "Totoo naman, ngayon ka lang nagkaganiyan. Kaya imposebling hindi kayo mapagkakamalang lovers kung ganiyan ka ka-sweet. You're not siblings, are you?" "Shut up, enough. Bad trip na kayo ah." "Just stating the fact, bahala na nga. Sige na, ihatid mo na si Jedah," ani Quin at kumindat sa'kin. "Pasensiya ka na Jedah, medyo OA ang boyfriend mo, hindi niya naman first time pero——" "Isang hirit mo pa, sisingilin na kita sa kinain mo, Castillo." Nasapo ko ang bibig para pigilang matawa, napapatingin na rin sa'min ang ibang nakatambay sa canteen. Kung ganitong eksena ba naman? "Magkano ba 'yon? Baka pwede ko naman isangla yung kotse ko para mabayaran ka, ano? Kung kulang pa, ibebenta ko na yung shares ko sa company niyo." "Shares ng mga magulang mo 'yon." "Sa'kin din naman 'yon mapupunta dahil anak nila ako. Common sense!" "You guys are too noisy, you're drewing attentions from the crowd," mahinang suway ni Aliston. Thankfully, the two stopped and the argument died down. I looked at my brother flatly when he glance at me. He grimaced and nodded. "Fine, fine. Let's move on and get going before you would be late." "Sige, aalis na kami!" Kumaway ako sa tatlo. Nang makalabas na sa canteen ay doon ko inilabas ang tawa at panunukso kay Trist. Hindi niya naman malaman ang ire-react, kung matatawa rin ba o maaasar. Nang makarating sa building at mismong classroom ko ay agad din siyang umalis. May fifteen minutes pa bago ang first class namin kaya nagpahangin muna ako sa may bintana sa tapat ng upuan ko. "Hinatid ka ulit ni Tristan? Kaninang umaga hinatid ka rin niya, tapos hinanap ka niya sa'min. Talaga yatang totoo ang usap-usapan, Jedah." Napabaling ako kay Rowen, kaklase ko at alam ko na agad bakit niya ako nilapitan. Parang bulang naglaho ang matamis kong ngiti at napalitan ng nakakalukong ngisi. Here we go again. "Ilang beses ko ba dapat sabihing walang namamagitan sa'min, Rowen," sagot ko ng hindi siya tinitignan. Ang alam ko ay ultimate crush niya si Trist kaya galit siya sa'kin, inagaw ko raw. Like duuh? She's stupid. "Kung totoo'yan, bakit hindi mo masabi sa'kin ang dahilan at hinahatid ka niya palagi? Bakit 'di mo na lang aminin, Jedah. Halata naman, e, may namamagitan sa inyo. Selfish ka lang talaga at ayaw mong aminin para mas masaktan ako." Nagsimula na namang tumaas ang tuno ng boses niya. Hindi na ito bago dahil simula nang inakala niyang nagtraydor ako sa friendship namin, naging number one bully ko na siya. Our friendship was easily forgotten just because of a misunderstanding, jealousy and hatred. Because of a single guy. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay, hindi ko talaga makuha bakit sobrang lalim ng galit niya sa'kin dahil lang kay Tristan. "Tingin mo ganun ako kababaw?" Tanong ko. "I told you, we're not into each other. And whatever is going on between us is none of your business. We'd like to keep it to ourselves, so please stop bothering me." "Stop? You're making me laugh," she replied with a smirk. "I saved you from your previous bullies. I befriended you despite of your past, but you betrayed me!" "Isn't that what are friends for? To accept each other's past no matter how terrifying it was?" I retorted. "I didn't betray you, you betrayed me, you betrayed yourself. All because of a man who doesn't care of your existence at all." "That's not true, he cared for me. He's starting to like me but you stole him away," she insisted. "Nagsisimula na siyang magustuhan ako, dumating ka lang. Sana pala hindi kita pinakilala sa kaniya." I wanted to laugh, true that she introduced me to Tristan. But that time, Tristan and I barely talk, so my little brother grabbed the opportunity to talk to me more often through her. I was a bit guilty, para ngang ginamit siya ni Tristan noon para magkalapit kami. Malalim akong huminga at napatingin na lang sa labas para ikalma ang sarili. She was the best girl I ever had, before. There is no other her, no other Rowen. How I wish she can see the real point of all this. "I will win him back, you'll see, Jedah. He's better off with me, unlike you who has a worse reputation and is known as a prostitute. Or perhaps, you're really one," tila nandidiri siyang tumawa. Nang lingunin ko ang buong klase ay ganun din sila. Sanay na naman ako pero hindi ko mapigilang mainis at malungkot. May isa pa kaming kaklase na lumapit at pumwesto ito sa aking likuran. Ngayon napapagitnaan na nila ako, wala akong choice kundi maghanda na sa maari nilang gawin. "Kung may dapat ka mang pagselosan, hindi ako 'yon, Rowen," sabi ko at umaasang tinignan siya. Pero kasing tigas na siya ng bato. "Say what, Jedah? Except from you, there's no other girl Tristan is spending so much time with. So yeah, I should really be jealous of your relationship with him," she replied with a wide smirk as she crossed her arms. "We're just friends, again. Kung may dapat kang pagselosan, 'yon iyong mga babaeng may ginagawa talaga para mapansin niya. Ang mga babaeng lumalandi sa kaniya, hindi ako——" "Shut up! Just admit it, you snaked him!" Kasing bilis yata ng kidlat na lumipad ang kamay niya para sampalin ako, handa na akong umiwas pero hinawakan ako ng kaibigan niyang nakatayo sa likuran ko. And just like what's usually happening, she hit me. It was strong, my face tossed to the other side and in split seconds, I felt how numb it is. Nagtatagis ang bagang na pumalag ako sa nakahawak sa'kin at pinahid ang dumugong labi. Mabilis lang talaga ako masugatan, mabilis mamaga ang balat ko pero hindi ko na ininda ang hapdi. Natatawa ko siyang tinignan at ang kaibigan niya sa likuran ko, tapos ay biglang sumama ang templa ng mukha ko. Gago 'to, a. "Quite weak," I lied. "You're becoming weaker and weaker, Rowen. Alam mo namang sanay ako sa sakit, kung ito lang baka mas kumapal lang ang mukha ko." Nanliit ang mata niya at akmang hahawakan ako pero mabilis kong sinalo ang braso niya. Agad din akong hinila ng kaibigan niyang nasa likuran ko pero hindi nito nakaya ang lakas ko. Tinulak ko muna iyong sa likuran at hinambalos bago siya binalingan. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ang ginawa ko. "I told you before, I don't really need anyone in my life. I don't need a man who will protect me, neither a friend who seems so shallow." Padabog kong binitawan ang braso niya at nilingon ang nasa likuran ko. "Team work, huh? Kung gusto niyo talagang makuha ang atensyon ni Tristan, kaibiganin niyo dapat ako. Thou, I think he doesn't deserve a girl who can be this stupid, just because he's close with me." Matapos 'yon sabihin ay walang emosyon akong bumalik sa upuan ko at yumuko na lang sa aking desk. Tapos ay roon ko ininda ang hapdi ng sugat sa gilid ng labi ko. Ang lakas pa rin talaga sumampal ng bruha. Parang kasing bilis din ng kuryente ang oras, namalayan ko na lang na dismissal na namin. Ako yata ang pinaka-unang lumabas sa classroom matapos umalis ni prof. Dumiritso akong comfort room para tignan ang mukha, medyo namaga ang kanang pisngi ko pero hindi naman halata kung hindi matitigan ng mabuti. Nga lang ay nangitim ang sugat ko sa labi, hindi malaki pero dahil maputi ang balat ko, kitang-kita talaga. "Aigoo, that b***h!" Dahil wala akong available na band aid ay nilugay ko na lang ang buhok at bahagyang kinapalan ang lip balm para matakpan ang itim sa gilid ng sugat. Pero hindi ko nilagyan ng lip balm ang mismong sugat. Matapos mag-ayos ay pinilit ko ang mga paang maglakad patungong library para sa part time job ko sa school. Not necessary to have part time but I wanna save money so I accepted the job. I just can't rely to papa, I need to be really independent. Katapat lang ng engineering building ang library at kailangan lang maglakad ng ilang minuto. Hindi ko na din naman madadaanan ang classroom nina Tristan dahil sa third floor sila. Pagkarating sa library ay naabutan ko ang may katandaang librarian na kinatatakutan ng lahat. "Magandang hapon Miss Jasmine, maglilinis na po ako!" Nakangiti kong bati. Kahit na wala siyang reaksyon at saglit lang akong tinignan. Mukha lang siyang suplada at strict pero, strict talaga siya. Mabait nga lang. Kukunti lang ang studyante at karamihan nagbabasa lang din kaya nagsimula na akong maglinis matapos maglagay ng mask at gloves. Una akong nagwalis sa likurang bahagi ng shelves kung saan wala ng tao. Maalikabok pa rin kahit araw-araw kong nililinis kaya kailangan kong linisin ng mabuti. Inayos ko rin ang pagkakalagay ng mga libro at pinunasan ang mga 'yon. Habang naglilinis ay nagsaksak ako ng earphone at nagpatugtog ng paborito kong kanta. Music heals me, well, a little. Its soothing melody just have a different impact on my system, I feel like, I can be alright and that I can survive all the obstacles. Feels like, I can be as strong as I perceive to be. Mabilis lang din akong natapos doon kaya hinintay ko na lang na umalis na lahat ng studyante sa loob ng library para malinis ko na ang kabuuan. Habang naghihintay ay nagbabasa ako ng libro. Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Noong una hindi ko pinansin, akala ko kasi makiki-share lang sa upuan. Pero nang aksidenteng bumangga ang braso namin sa isa't-isa ay napilitan akong lingunin ito. To my great surprise, it's no other than Cruise Aliston Monte Grande in his light blue long sleeves and black shiny slacks. I almost let go of the book when he welcomed me with a smile. Even while sitting, he just appeared so tall and lean that I reached just below his ear. Bahagya siyang yumuko sa'kin na parang bumabati at walang imik na ibinalik sa binabasa ang mga mata. Ako naman ay parang temang na nakatitig pa rin sa kaniya, hindi pa ako nakakabawi, e. Pero gusto ko na lang kumaripas ng takbo dahil hindi ko na naman maintindihan bakit sobrang kinakabahan ako. Nahihirapan akong lumunok, what should I do? What should I say? Should I just stay still and pretend I don't recognize him? At all?! This is crazy, why am I so flabbergasted? Para pakalmahin ang nagwawalang puso ay ibinalik ko rin sa libro ang mga mata. Pero hindi na ulit ako makabasa, wala na akong maintindihan kahit ilang beses ko uliting basahin ang nilalaman ng libro. Bigla na lang akong nawala sa focus at mas iniisip ko pa yata ang katabi ko. "You work as a part timer, too?" "H-Ha?" Taranta ko siyang nilingon nang bigla na lang siyang nagsalita, para akong tanga na nagtanong pa rin kahit malinaw ko naman siyang narinig. Ibinaba niya ang librong binabasa at binalingan ako. "I said, you also are a part timer. I didn't know that you also work here." "Ah, ano, bakit naman hindi? Wala naman sigurong masama roon, diba?" "Wala naman, ang sipag mo nga, e," nakangiti niyang sagot at tinagilid ang ulo. Bahagya akong yumuko dahil alam ko yata ang ginagawa niya. Masyado siyang observant na agad niyang napansin na may mali sa mukha ko. Dahil sa pag-iwas ko ng mukha ay natigil siya sa pagsilip sa'kin. Marahan siyang tumikhim at tinignan na lang ang binabasa ko. "Architecture? You want to be an architect?" He asked, sounding interested. "A little, parang ang cool kasi, e." Bahagya akong natawa. "Para kasing ang angas pakinggan ng architecture, tapos parang ang cool kung may architect sa pangalan." Bahagya rin siyang natawa at napangiti tapos ay wala sa sariling sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. Mannerism or what but he was so hot when he did that. I got to avert my gaze. "True, architecture is cool, being an architect is also cool. But being an engineer is more cooler," sabi niya at namumungay ang matang tinignan ako. Ilang minuto yata akong hindi huminga mapigilan lang ang sariling ngumiti sa hirit niya. "Or perhaps, being an engineer's girl is way much coolest," he added, without knowing that I'm already hyperventilating inside. "But taking up accountancy is admirable, maraming nahihirapan sa kursong iyan." "O-Oo nga," sabi ko na lang at tumikhim para pakalmahin ang sarili. Why is he so appreciative of almost everything? But seriously, I've been trying to calm myself down and I'm still trying. This is quite a drag. Binitawan ko ang hawak na libro at tumayo para maghanap ng mas nakakaaliw basahin. Iyong tipong makakalimutan ko ang presensiya niya. May nahanap na sana ako kaso mataas at hindi ko maabot. Sinipat ko si Aliston at nang makitang nakatuon sa libro ang mga mata niya ay saka ko sinubukang abutin ang librong nakita. Why naman napakataas? "Yawa, bakit ang taas? Saan ba iyong ladder?" Bulong-bulong ko sa sarili at hinanap ang ladder pero nasa malayo, alang naman hilahin ko 'yon papunta rito? Wala akong choice kung'di tumingkayad at subukang abutin ang libro. Pero tanging dulo lang ng mga daliri ko ang nakakaabot sa libro, mas natulak pa nga papasok iyong libro imbis mahulog. Nang hindi talaga maabot ay sumuko na ako, bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Hindi ko naman talaga kailangan ng bagong libro, hindi ko lang maintindihan bakit sobra akong kinakabahan kapag kaharap si Aliston Monte Grande. Siguro dahil iba rin siya tulad ni Tristan, hindi siya gaya ng ibang lalaki riyan na puro yabang at porma. Sobrang seryuso niya sa buhay, pormal na pormal, kung hindi nga lang siya ngumingiti baka magmukha siyang suplado. Mabuti na lang at mukhang approachable naman siya at lighthearted. Babalik na lang sana ako sa pwesto kanina pero pagharap ko, nandiyan na siya agad, sakto ring lumapit siya at inangat ang isang braso para kunin ang librong inaabot ko kanina. Napadikit ako sa estante h'wag lang kami magdikit, nauntog pa ako pero hindi na ako umangal. Napatingala rin ako sa kaniya at napalunok nang natuon ang paningin ko sa umbok sa kaniyang lalamunan. His Adam's apple hardly waved as he gulped, while appearing so serious in front of me. Our eyes met when he looked down, holding the book in his hand. And again, I can't seem to fathom my heart's beat. It's just so unsual, I feel like anytime he's around, I lose focus, I lose control over things and he can manipulate the situation instead. This is so wrong. "You should've asked for my help, I was just there, sitting. How hard could it be to throw me some order, hmm?" He whispered huskily, squinting his eyes. "What happened to your face? Something's not in a right place, your lips is also wounded. Tristan will be mad when he finds out you're hurt."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม