BAHAGYANG dumistansiya si Hymae kay Zandra at baka masaktan na naman siya nito. Tinapangan niya ang loob para panindigan ang pagharap niya rito. Masyado na kasi siya nitong minaliit at nagawa pa siyang saktan. "Oh! Matapang ka pala." Tumaas ang isang kilay ni Zandra at humalukipkip. Taas-noong tinitigan siya nito. Sinikap niyang maging kalmado kahit nag-aalburuto na ang damdamin niya. Sinabunutan na niya ito sa isip niya. "You're right, we're in the middle of the ocean. Pero hindi rason para saktan mo ako. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka magawang mahalin ni Lorrence? Ask yourself why. Huwag mo akong pag-initan dahil hindi ko inagaw sa iyo ang lalaking mahal mo. Isa pa, never na naging kayo ni Lorrence para mag-acting ka na may namamagitan sa inyo," kalmadong wika niya. Nang

