DISMAYADO si Zandra na bumalik sa kaniyang kuwarto. Nakipaglaban siya sa malikot na galaw ng barko hanggang sa madako niya ang pinto. Hindi niya inaasahan na sundan siya ni Louie. "What are you doing here?" yamot na tanong niya nang lingunin si Louie. "I want to see you. Nag-aalala ako sa iyo," tugon nito. "Nothing to worry about me," sumimangot na pakli niya sabay bukas ng pinto. Hindi naman niya ito mapalayas kahit ilang beses niyang ipagtulakan palabas. Nainis lang siya kaya hinayaan na lamang itong pumasok. "I saw you with Lorrence. Kailangan mo ba talagang ipagsigawan sa mundo na mahal mo siya kahit nagmumukha kang may nakadidiring sakit para iwasan niya? Wake up, Zandra. Hindi ka niya mahal. Hindi pa ba malinaw sa iyo na wala siyang gusto sa iyo? Bakit hindi mo na lang siya ka

