BUMALIK sa normal ang paglayag ng barko matapos ang magdamag na pakikipagsagupaan sa malalaking alon. Marami ang mga napinsalang kagamitan at may ilan sa nakasakay ang nasaktan. Mabuti na lamang at walang naiulat na nasawi sa insidente. Patuloy ang paggalugad ng mga security at rescue team para alamin ang situwasiyon sa buong barko. Kaagad naman na kinumpuni ang mga nasira at ibinalik sa dating ayos ang nagulong mga parte ng barko. Isa si Hymae sa mga nasaktan at hindi nakapagtrabaho dahil kasalukuyan pang nagpapagaling. Wala siyang makitang tao sa paligid niya nang magkamalay na siya. Nagtataka siya kung bakit nakahiga siya sa kama ng recovery room at may mga aparatu sa katawan. Tinanggal niya ang nakatakip na oxygen sa ilong at bibig niya. Dahan-dahan siyang bumangon. Napasapo siya sa

