3 years ago... COLEEN BARETTO I’m Coleen V. Baretto, 18 years of age and certified na nasasaktan nang sobra! Bakit? Dahil kahihiwalay lang namin ng long time boyfriend ko na si Jack Kate T. Garcia. Ang sarap niyang sampalin at bugbugin! Wala siyang karapatan na saktan ako nang ganito. Hindi man lang siya nakonsensiya sa ginawa niya? Grrr! I do not deserve it! Walong taon na sana ang inabot namin, but sadly, tapos na kanina lang. Wala ng kami! Tinapos ko na ang lahat, I mean siya! Dahil siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi siya lumandi at pumatol sa iba, kami pa sana ngayon at hindi ako iiyak nang ganito. Nasa grade 5 pa lang kami sa elementarya noong nagkaroon kami ng relasyon. ’Wag niyo akong husgahan dahil alam kong napagdaanan niyo rin iyon. Kung hindi man, may problem

