COLEEN BARETTO Hindi ko sinadya ang ginawa ko kay Jack. Nabigla lang talaga ako sa lahat. Grabe din naman kasi iyong mga masasakit na sinabi niya sa akin. Hindi rin iyon katanggap-tanggap. Oo, aminado akong mali iyong tinapunan ko siya ng ice cream, pero hindi ba niya naramdaman na nagpakipot lang ako? Hindi ba niya naisip na masasaktan ako sa mga sinabi niya o wala na talaga siyang feelings para sa akin kaya ganoon na lang kadali para sa kanya ang lahat? Mas mabuting mapunta nga ng McDonald baka paglabas ko sa food chain na iyon ay makapagmove on na ako gaya sa commercial ni McDo girl. Nasa McDonald na ako. Kasama ko namang pumila ang aking sarili. Sino ba ang pwedeng maging kasama ko? Wala naman ako masyadong kaibigan sa university namin dahil kay Jack lang umiikot ang mundo ko. Haban

