COLEEN BARETTO ANO RAW? AKO na maganda, boring?Boring daw akong girlfriend? E, halos ibinigay ko na nga sa kanya ang lahat! Napakasama talaga ng lalaking iyon! Iyong sinabi ko sa kanya na boring siya ay biro ko lang iyon, gusto ko lang masaktan siya! Pero iyong pagkasabi niya sa akin, naramdaman kong totoo! Kainis ka, Jack! Sana ay hindi na lang ako nagpahalik sa leeg sa iyo! Matapos ang lahat ng pinagsamahan natin ay boring lang ako para sa iyo?! Ano pala ang gusto mo, ha?! Boring ka riyan! Ilang beses ka na nga umiyak sa katatawa dahil sa mga jokes ko sa iyo tapos boring lang ako? Ilang beses ka na nga napa-ungol dahil sa paghalik ko sa leeg mo tapos boring pa ako sa lagay na niyon? Bakit kaya niya nasabing boring ako? Porque hindi ko hinayaang magpagalaw sa kanya? Napakamot naman ako s

