Chapter 65 Sa kakamadali sa pagtakbo ni Natalie at natisod siya at nawalan ng balanse kaya naman natumba ang dalaga at nasugatan ang parehong tuhod. Duguan ang mga ito ng pinilit niyang tumayo mula sa pagkakadapa. Nakashort pa man lang din ito kaya diretso sa mismong balat ang tama ng sugat. Naiiyak ito sa sakit pero nagpilit pa rin maglakad papunta sa bahay nila Martin. Pinindot niya ng pinindot ang doorbell ng makarating sa gate ng malaking bahay ng mga Rosario. Napasilip si Matteo kung sino at nakita ang dalaga. "Si Natalie 'yun ah? Bakit kaya umiiyak?" Kahit hindi siya kilala ng mga ito ay kilala naman niya ang mga ito maging si Marla dahil sa palaging nakikita noon na kalaro ni Martin sa bakuran nila ng mga bata pa sila. Inggit na inggit nga siya dahil gusto rin sumali sa mga ito

