Chapter 64 "Temyo, Alam ko hindi ka ayos pero 'wag ka mawalan ng pag-asa na makabalik sa kaharian natin. Alam ko may paraan pa at hindi ka tuluyan matitira dito sa lupa ng matagal." Tumango lang ito ay tumuloy na sila sa kwarto na inuupahan. "Nagpadala na ako ng pagkain natin alam ko gutom ka na rin. Mahirap mag-isip kapag walang laman ang tiyan. Oo nga pala kanina si Alteya parang nalungkot nung hindi mo pinansin" Napatingin si Temyo kay Suting. "Ha?" Wala sa sariling sabi nito. "Ang sabi ko parang nalungkot kako si Alteya hindi mo pinansin nung tinatanong tayo kung saan ba tayo galing. Alalang-alala pa naman sa iyo." Napapailing na sabi nito. Napailing din si Temyo. Ang akala pa naman niya ay makakaalis na siya at hindi na magpapakita sa babae. Mas gugustuhin niya na lumayo rito dah

