Hindi ako makatulog.
How can i possibly do that if I am in unfamiliar place and knowing that manong, my driver, is killed?
Hinawakan ko ang krus sa dibdib. I was never religious before. More on, I am a person that always base anything on science. Ginagalang ko ang relihiyon but I never practice it hard.
Pero noong nagparamdam siya, wala akong bagay... na makapitan sa siyensa. That is where I started to be devoted in Him. Mali man ang tunog—a least I believed him now. The God is my only hope to keep me sane.
Umuulan sa labas. Bukas ang ilaw ko sa silid pero hindi nakatulong ang kulog sa pagpapakalma ko sa sarili.
Paano kung puntahan niya na ako ngayon?
Paano kung patayin niya ako?
Anong mangyayari sa'kin ngayon?
I am trembling in fear. Ganito na lang ba ako mabubuhay? Lagi na lang ba sa takot?
Tumulo ang luha ko noong dumagundong ang kulog—kasabay noon ang pagkawala ng ilaw.
Everything was dark.
Unti-unti bumaba ang dugo sa katawan ko at naramdaman ang pamumutla. Natigilan ako sa iyak at dinama ang paligid.
Nandito na siya?
My body went numb. Lalo akong nanginig at hindi makahinga.
Muling lumakas ang kulog. I prayed. I uttered some prayers.
"Helena..."
Pero muli, siya ang tumawag sa'kin. Mariin akong napapikit at dumaloy ang luha sa'kin. Hindi... Ayoko magpakuha...
"Helena Elise..." Bulong nito sa loob ng ulo ko. Ang boses ay tila nasa loob ko mismo! "Calm yourself, baby. Walang mangyayari sa'yong masama... Hindi mo kailangan matakot sa kulog—"
"Takot ako s-sayo!" I cried in fear. "B-Bakit ka pa bumalik!? A-Anong kailangan mo s-sakin?" Nanghihinang tanong ko.
Narinig ko ang pagak na pagtawa niya. "Ilang beses ko bang sasabihin, Helena... Wala akong kailangan sayo... Akin ang buhay mo—"
"Hindi sayo ang buhay ko," matapang na sagot ko. "Akin 'to... Akin..." Sinubukan kong lumaban.
The sky thundered. Napapiksi ako sa gulat.
"Okay, sweetheart. If that's what you want," his voice growled. "Pero tandaan mo na pag inangkin kita... Baka ikaw pa ang magmakaawa..."
Kumunot ang noo ko. "I will not beg you that..."
"Hush, sweetheart... Sleep—"
"Ikaw ba ang may gawa sa driver ko noon?"
Is this man a monster?
Narinig ko ang baritono nitong halakhak.
"Ganon ba kasahol ang tingin mo sa'kin, Helena Elise?" Hamon nito. "But if you really did something awful against me, Helena... It will always be life in return. Buhay."
"Halimaw ka!" I shouted. "Bakit hindi mo na lang ako patayin!? Bakit nasa utak kita?! Just kill me—" pagwawala ko.
Noong makakita ng isang matalas na bagay sa lamesa ay dinampot ko iyon at itinutok sa gilid ng ulo. I don't want to hear voices anymore. Akmang isasaksak ko na iyon...
Tila may malakas na pwersa ang tumabig sa kamay ko—kasabay noon ang pagpatong ng isang katawan sakin.
Nasa pagitan ako ng hita ni Isaac. Gamit ng isang kamay niya, ikinulong nito ang parehong kamay ko sabay angat sa ulo ko.
Muling kumulog ng malakas at kita ko ang galit na mata ng lalaki sa'kin. Nagtagis ang bagang nito at idiniin ang parehong kamay ko sa unan.
"What are you trying?" He asked me. Galit.
Napalunok ako sa paraan ng pagtanong nito. Walang suot na pang-itaas ang lalaki. Habang ang dress ko naman ay naka-angat hanggang tiyan ko dahil sa pwersa niya na pigilan ako kanina!
"B-Bitawan mo ako," utos ko dito. That monster won't like this position. Baka kunin niya ako!
Umarko ang katawan ko kakapiglas. Ang dibdib namin ay nagsasalubong but I didn't mind that.
"B-Bitawan mo ako!" Mahinang utos ko sa lalaki.
"Are you going to stab your head?!" Gigil na tanong nito at lalong hinawakan ang kamay ko.
Nagtagis ang bagang nito at lalong nagdikit ang kilay dahil hindi ko siya sinasagot. I am busy trying to get my dress down. Hindi siya nakatingin doon, but I am getting uncomfortable.
Bumalot ang init at tensyon sa katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa kulog, o lalaking nakaibabaw sa'kin.
Napalunok ako. "B-Bitawan mo... ako..."
"Why?" He asked me seriously.
Natigilan ako sa tanong niya. What does he mean by why? Bigla akong nalito.
"B-Bakit?" Balik na tanong ko sakanya. "Anong pakialam mo kung mamamatay ako?"
Natigilan ang ginoo sa tanong ko. Tanging mainit na hininga lang ang nagsasalitan sa'ming dalawa sa sobrang lapit.
"Ahhum..." Ungol ko. Hindi sinasadya. Humigpit kasi ang pagkakahawak nito sa'kin at lalong dumilim ang kanyang mukha.
"Kung magpapakamatay ka, wag sa puder ko," he growled.
Nagulat ako noong maramdaman ko ang isang kamay niya sa beywang ko. There, I started to panic.
Hiningal ako sa kaba noong gumapang ang kamay niya mula beywang pababa sa tiyan ko. Hanggang sa dumapo ang kamay nito sa sentro ko!
I was out of breathe. Magkatitigan lang kami ni Isaac hanggang sa bumaba na ang hawak nito sa p********e ko.
Hindi ko... magawang... ayawan ang hawak niya.
"Don't try anything, woman," banta nito sabay hinugot ang dress ko pababa gamit ng kamay niya na nasa pagkakababae ko lang kanina.
Natulala ako noong umalis na siya sa pagkaibabaw niya at tuluyan akong iniwan sa silid.
My mouth hang opened. Why... did I let him do that!? That monster will come for me sooner or later! Ayaw niya... na hinahawakan ako ng iba.
Bakit hinayaan ko si Isaac, na isang estranghero na hawakan ako doon?!
I must be out of my mind!
Buong araw akong gising at inaabangan ang pagdating ng lalaki. I am anticipating the monster the whole time... Iyon lang ang nasa utak ko.
Napahinto ang kaba ko noong sumikat na ang araw. My mind think of Isaac.
How... did he know my move?
Paano niya nalaman ang gagawin ko?
Paano siya nakapatong sakin ng ganon kabilis? Why is he so strong? How did he manage to barge in without no sound?
Napaamang ang labi ko.
Hindi kaya si Isaac ang halimaw na 'yon? Kaya niya ako dinala dito kasi... Siya ang halimaw?
Pero bakit siya nagpapanggap?
Isa pa, bakit hindi nagalit ang halimaw noong hinawakan ako ni Isaac?
I need answers. I want answers!
Mabilis akong tumayo para lumbas ng kwarto. Bukas iyon at mabilis bumungad sakin ang mataas na kisame. The ceiling was awfully high. Madilim ang pasilyo dahil doon.
Wala sa sariling naglakad ako. Dahan-dahan upang obserbahan ang paligid. The walls are painted old white. There are embedded linings. Pero ang kakaiba kong napansin ay...
Mga paintings.
The paintings are old. Agaw pansin ang itsura ni hesus na nakapako sa krus. Napahinto ako sa tapat noon at nakita ko din na may crucifix sa table. May mga rosaryo at kandila pa.
"Did you sleep well?"
Napatalon ako sa tanong ni Isaac. Paano siya naging halimaw kung may ganito siya sa bahay? Napaatras ako noong tumama ang malamig na balat sa'kin ni Isaac. Sinindihan niya ang kandila bago ako tignan.
Ang puti-puti talaga niya... Para siyang walang dugo sa katawan, pero his lips says the otherwise.
Dumagundong ang puso ko noong bigla niya akong nilingon.
"Are you going to leave?" He asked me. Medyo hindi ko alam ang isasagot dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Nakaputing long sleeves na polo ang lalaki, basa ang buhok nito. Nakasuot siya ng slacks. Pormal ito.
"A-Ano..." Ginising ko na ang sarili kakasipat ng tingin kay Isaac. "M-May humahabol sa'kin..." I told him. Hindi ko nga alam kung bakit ko sinabi iyon.
Hindi ako pinansin nito at pinagdaop ang palad niya. Nagdasal.
Nabura ang hinala ko sa lalaki. How can he possibly pray if he is the monster?
Umayos ako ng tayo at nakidasal din sakanya. Ipinikit ko ang mata. Sana... Sana ay makauwi ako ng maayos. Sana hindi niya ako kunin. Sana ay mali ang hinala ko na pinatay nila si Manong. I prayed all my worries hard.
Noong imulat ko ang mata ay nagsalubong ang nakatitig sa'kin na si Isaac.
"You look devoted to Him." he pointed out. "Sinong humahabol sa'yo?" Seryosong tanong niya at inilagay ang kamay sa bulsa.
Pero hindi siya maniniwala sa sasabihin ko. Baka sabihan niya akong baliw.
"Hindi ko alam. Gusto nila akong kunin..."
Tumaas ang kilay nito. "You look comfortable. Kagabi halos manginig ka sa'min."
Sinong hindi magiging komportable sa bahay na tila simbahan ang postura? Kahit sana ka lumingon, may bakas ng pagiging maka-diyos sa bahay na ito. Isa pa, hindi... siya... masamang tao...
"Hindi ikaw 'yong halimaw?" I didn't hesitate to ask him.
Natigilan ito. Kumunot ang noo niya. "Mukha ba akong halimaw sa'yo?"
I stilled. Siguro ay insulto na iyon sakanya. Kailangan ko na umalis dito.
"Salamat sa pagpapatuloy... A-Aalis na ako... pasensya na sa pagiging weirdo... Uhm... Anong klaseng bahay 'to? M-Mukhang simbahan..."
"Simbahan ito," aniya. "Lumang simbahan."
Nanlaki ang mata ko. Lumang simbahan!?
Itinaas niya ang kamay sa'kin. Para akong inaaya nito na sumama sakanya. I licked my lip. Kinabahan. Pero inabot ko pa rin ang kamay niya. I shivered in his cold hands. Sobrang lamig ng kamay nito!
"Look."
Dinala ako sa pinakagilid ng palapag. Mula sa second floor, kita ko ang malawak na lobby sa baba. Purong upuan na simbahan! My eyes widened in disbelief.
"A-Anong simbahan 'to?" May kutob ako. Pero hindi pwedeng ito iyon! Bakit naging luma ang simbahan!?
"Isidro Church..."
Bumagsak ang balikat ko. Dito sana ako papasok... Bilang madre... Bakit hindi talaga ako kinakampihan ng tadhana?
Nakakahiya. Ngayon lang ako nagkaroon ng interaksyon sa lalaki. Natatakot ako. Pero siguro, hindi naman makakapasok ang halimaw dito. Lumang simbahan naman ito. Kaya pala...
Binitawan ni Isaac ang kamay ko.
"I have clothes for you... After eating and fixing yourself, you can leave," he said. Akmang aalis na ito pero hinila ko ang braso niya papunta sa'kin.
"M-Maraming...salamat," I thank him. Kung hindi dahil sakanya, siguro ay nasa kamay na ako ng kakaibang nilalang.
Tinignan lang ako ng lalaki at hindi nagsalita. Titig lang ang naging paalam ni Isaac at tuluyan ng umalis.
Ginawa ko lahat ng sinabi ni Isaac. Kumain ako at nagbihis. Inilibot ko ang paningin sa dirty kitchen ng simbahan. Parang nagiging bahay na talaga ito.
"Aling Ruby... May... nabalitaan po ba kayo na nangyari dito kagabi?"
Natigilan si manang.
"Nangyari? Anong nangyari?"
Na may balitang namatay?
"Kakaiba pong nangyari. ganon. Iyong nakapagtataka po... Ganon," I explained her.
Nagtataka akong tinignan ni Aling Ruby. Syempre, kahit sino ay magtataka talaga kung ano ang ibig kong sabihin doon... pero ayoko magmukhang kahina-hinala.
"Meron!" Aniya. "May na-aksidenteng puting kotse sa kagabi!"
Natigilan ako. Puting kotse ang sinasakyan ko. Pero aksidente?
Hindi...
Napatayo ako sa kinauupuan. Paatras pa lang ako pero may nabangga ang likod ko sa malapad na dibdib ni Isaac!
"I-Isaac," tawag ko dito. Para akong napaso at mabilis na lumayo.
"Are you in hurry?" Tanong niya. Mukhang mabilis akong mabasa ng lalaki. "Nasaan ang kasama mo?" Kumuha ito ng isang tinapay sa lamesa.
"W-Wala akong kasama..."
"How will you go home?" Tanong niya pa.
I bit my lip. Isa pa iyon. Hindi ko naisip!
Mabilis kong hinawakan ang braso ni Isaac.
"Samahan mo ako... please."
Isaac agreed by nodding. Nasa sasakyan ako nito at siya ay tahimik na nagd-drive.
"Where's your phone?" Tanong sakin nito.
"N-Naiwan ko sa sasakyan. May humahabol sa'kin..." I told him. "I-Iyong sasakyan... na puti... Puntahan natin."
"Sayo ba 'yon?"
Nagtataka ako. Why Isaac is so lifeless? Like he seem not getting surprise of me. Siguro kung ibang tao ang kaharap ko, baka umatras sila sa pinagsasasabi ko. But the guy seems not surprised or afraid of me!
"H-Hindi ka ba natatakot sa'kin?" I asked him. "Don't you find me weird?"
Huminga ng malalim si Isaac bago ako lingunin. "Hindi ka rin ba nagtataka sa'kin?" Balik na tanong niya.
Natahimik at naguluhan ako sa sinabi nito.
"S-Sino ka ba talaga?" Kinabahan ako bigla. My heart suddenly beat so fast and the thought that he is a monster dawn at me again. Na baka nagpapanggap lang siya at iba pa!
Pero nasa simbahan siya! How he can be a monster?!
"Isaac... Madden." His baritone voice echoed. "How about you? Who are you?"