Kabanata 5: Sino

2009 คำ
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Isaac. Gulong-gulo na ako... Hindi ma-proseso ng utak ko ang nangyari sa halos wala pang isang araw ang lumipas. Masyadong mabilis and it's stressing me. Idagdag pa ang misteryosong tanong sa'kin ni Isaac. Bakit nga ba... pinagkakatiwalaan ko siya sa buhay ko? Bakit ako humihiling sakanya at sumasandal? Ayoko sa tao—kasi takot akong magalit ang halimaw sa'kin.. But why... "Nandito ka na," Isaac called me. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid kung saan maraming mga pulis. May emergency din. "S-Salamat talaga..." Hindi nagsalita si Isaac at diretso lang ang tingin niya sa labas ng sasakyan. Tulala ito at hindi manlang ako tinignan bago lumabas. It feels... sad to do that. Hindi ko alam kung saan galing ang lungkot na nararamdaman ko noong humiwalay sa lalaki. I just feel that way. Mabigat sa pakiramdam ko ang pag-lakad palayo sakanya. Tulala akong dumalo sa mga taong nagkakagulo sa bangin. Doon ako nagising ng realidad. "Miss bawal—" "T-Teka lang po... Baka sa'min po kasi kotse 'yan..." Kumunot ang noo ng pulis at may tinawag. "Ito ata 'yong babae..." Kwentuhan nila. Maya-maya ay may isa pang lalaki na dumating at itinaas ang isang supot. Nanlaki ang mata ko noong makita ang gamit ko sa loob ng supot. Pati na rin ang basag na telepono! "A-Amin talaga 'yan?" Paninigurado ko tungkol sa sasakyan. Kung hawak nila ang gamit ko, ibig sabihin... Talagang may aksidenteng nangyari? Hindi... "Sumabog ang sasakyan pababa at nagkalat ang mga gamit mo," the police started to tell the story. "Sumama ka muna sa presinto para makuha ang statement mo." Wala ako sa sariling tumango. Anong gagawin ko? Halimaw... Hinahabol talaga akonng halimaw! After getting my statement, mabilis naman akong pinakawalan. Nagtaka ako sa bilis ng proseso. Then when it sink on me, I started to cry. Saan na lang ako pupunta? Paano ko mapapaliwanag sa iba ang nangyari? Paano angbpamilya ni manong? Humagugol ako sa labas ng presinto. Pinagtitinginan ako ng ilan, pero ang takot at paghati ko sa nangyari ay ngayon lang sumabog. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay! Bakit kailangan may madamay? Walang kasalanan si Manong kaya bakit siya?! Ang maganda sa poblacion na ito—para silang walang pakialam sa tao. Mga walang pakikisimpatya o pangingialam sa buhay ng iba. Simula kay Isaac na hindi ako tinanong sa buhay ko—hanggang sa polisya, pare-pareho silang mga.. walang pakialam. Katulad ngayon, tingin lang ang ibinigay sakin pero walang nangialam. When I manage to calm myself, doon ako tumayo. Uuwi na ako sa syudad. Wala na ang simbahan na sana ay tatakbuhan ko... at may namatay na. While walking, the place looks... heavy. Parang ang bigat ng aura sa poblacion de isidro. Walang masyadong tao na naglalakad at madalang lang ang mga nagtitinda. Madalang ang maayos na kalsada kaya puro lupa ang inaapakan ko. "Ate saan po—" Magtatanong sana ako ng daan pero nilalagpasan ako ng mga tao. Tila nagmamadali ang mga ito umuwi. The sun is almost setting and I am lost in the place. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o ano. Ang layo na ng narating ko—pero hindi ko alam ang pa-terminal. "K-Kuya..." Kinalabit ko ang taong nag-gagayat ng buko. I was hesitant to ask them because they are a group of guys—pero wala akong magawa... Lahat ng tao na tinatanong ko ay umiiwas sa'kin. Kailangan ko na umuwi kasi malapit na mag-gabi. "Ano 'yon ne? Dayo ka dito?" A smile crept on his face. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Iyong... sakayan po..." "Sakayan?! Uuwi ka na?" Kinakabahan ako sa pagtaas ng boses nito. Tumawa ang lalaki sa'kin bago tumayo. "Samahan ka na namin..." Napalibutan ako ng tatlong lalaki. Kinabahan ako. "H-Hindi na po! Alam ko na ang daan—" Napangiwi ako noong hinila ng lalaki ang buhok ko. "Sasamahan ka na nga namin... Lagi naming inaasikaso ang mga dayo, hija." They all laughed after that. Nag-init ang mata ko at mabilis na pumalag. Hinila ko mula sakanila ang braso. Tinapangan ko ang sikmura. "Ano ba?! Ayoko nga!" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses dahil sa takot at kaba. "Aba!?" Nagulat ako noong idinabog ng isa ang kanyang itak. "Ikaw 'tong nanggulo pero parang kami pa ang masama!?" Balik nito sakin. Napalunok ako at umatras. My head started to feel dizzy. My body is shaking. Nanlalamig na ang katawan ko dahil sa kaba. "There you are, sweetie." Isang malamig na linya ang gumulat sa'min pareho ng mga nakakatakot na lalaki. May umakbay sa'kin na lalaki! Mula sa side view, nakita ko ang nakatiim na bagang na si Isaac. Magkasalubong ang kilay nito at masama ang tingin sa lalaki. "Ang tagal kitang hinintay... Uuwi na tayo," walang emosyon na aniya. Sweetie... Nilingon ako ng malamig nitong tingin. "Let's go..." Maski ang tatlong lalaki ay hindi nakapagsalita. They started to mind their own business and let Isaac take me. "Akala ko ba uuwi ka na?" Napalunok ako dito. Ang lamig-lamig ng kamay nito pero napapaso ang pakiramdam ko sa hawak niya. Diretso lang ang lakad namin. "Yung...ang kotse..." "Oh," he said. Lifeless. "How unfortunate..." Napatitig ako sa lalaki. He called me sweetie. That monster call me that way too. Tuloy pa rin ang akbay ni Isaac sa'kin habang naglalakad. Ang hindi mapangalanang tensyon ay ramdam ko na naman. Napalunok ako. "Namatay ang driver ko. Sumabog ang kotse." Hindi ito nagsalita. Tanging tango lang ang tugon niya. The sky thundered. Ang kaninang kulay kahel na kalangitan ay napalitan ng kulog at kidlat. "Bilisan mo kung gusto mo pa makauwi," hinila nito ang braso ko papasok ng sasakyan. "B-Bakit?" Nagmadali si Isaac na ipasok ako. Mabilis siyang tumakbo. Nagmamadali ang kilos niya pero wala pa ding emosyon ang mukha. Ang puti niya masyado... "Uulan." He sighed. Pagkasabi niya noon ay pumatak ang ulan. Ang mahinang ambon ay palakas ng palakas. "H-Hala..." He still drive. Nagsalubong ang kilay nito at galit na nagmaneho. "H-Hindi mo naman ako kailangan ihatid—" "Anong gusto mo? Iwan kita basta?!" Maanghang na singhal niya. Mainit ang ulo. Hindi na ako nakapagsalita noong sigawan niya. Hindi naman... iyon ang ibig kong sabihin. Kung naabala siya, dapat hindi niya gawin. Hindi ko naman siya pinilit sa ganito! Kaya bakit siya nagagalit at kasalanan ko pa? "P-Pwede naman... H-Hindi naman tayo magka-ano ano..." "Do I look so heartless?" Aniya. Heartless? He look dead to me. Bukod sa galit na emosyon, wala na akong mabasa na iba pa sakanya. "Hindi ganon... ang ibig kong sabihin—" "Then what is it?!" "S-Sorry..." Natahimik ako. Hindi na lang nagsalita. Mukhang mainit ang ulo ng lalaki kaya hindi ko na lang dadagdagan. Nasa tulay na kami, pero may humarang sa'min. "Ser!" Sigaw noong pulis. "Sira ang kalsada! Nabagsakan ng puno! Alam niyo na! Kagaya ng dati!" Gusto kong umalma sa sinabi noong pulis. Nagkatinginan kami ni Isaac. "Stay with me..." "H-Ha?" Ang lagaslas ng ulan ay lalong naging bayolente. "Wag ka muna bumyahe. Bahain ang poblacion. Pupunta tayo sa mansyon," mabilis na aya niya. "H-Ha?" My heart thump. Saan niya ako dadalhin? Mansyon? "Hindi kaya ng sasakyan ko ang lumusong sa baha," he pointed out. "Sa bahay ko tayo pupunta." My eyes widened in disbelief. "Hindi!" "Wala akong gagawing masama sa'yo—" Hindi ganon ang ibig kong sabihin! Hindi matutuwa ang halimaw pag nalaman niya na... may kasama akong lalaki! I am sure he will haunt me later! "At saan mo gusto? Sa kalsada?" I lick my lower lip. "No... I cannot—" "Do you want to get wet in rain?" Mukhang wala talaga itong pasensya sa'kin. "Ititigil ko ba ang sasakyan para bumaba ka?" Hindi si Isaac ang halimaw. If he was the monster, ikukulong niya pa ako sakanya. Maybe Isaac only feels responsible that's why he is doing all of this. "Hindi... Pero Isaac—" "Wala akong gagawin na hindi mo hinihingi," he assured. Bagay na hinihingi... Huminto ang sasakyan ni Isaac sa isang gusali. Siya mismo ang bumaba sa sasakyan upung buksan ang engrandeng gate. Umuulan pa rin ng malakas. Tama nga siya... Bahain nga. Ang itim na polo ni Isaac ay yumakap sa katawan niya. Kitang-kita ko ang perpekto nitong hulma at puti ng balat. Bagsak ang buhok niya na bumalik sa sasakyan. Ang pula ng labi nito lalo dahil sa pagkabasa ng ulan... "Basa ka..." Hindi ko napigilan na hawakan ang tumutulo nitong buhok. Mabilis niya akong binigyan ng seryosong tingin. "Sorry..." I felt my cheeks burned. Ano bang iniisip ko at hinawakan ang pisngi niya? Akala ko ay bahay ang bubungad sa'min after a few drives from gate. Pero hagdan iyon. "Aakyat tayo pataas. Nandoon ang bahay ko," he explained. Napaamang ang labi ko. Nasa taas ang bahay niya? Bumaba si Isaac at sinuong ang ulan. Binuksan niya ang pintuan. He handed me his hands. "Halika..." Inabot ko ang kamay nito. The rain immediately kissed my skin. Mabilis akong hinila ni Isaac paakyat. Gamit ng palad, Isaac is shielding ny head to the rain. He is trying his best para hindi ako mabasa... Nakaakyat na kami sa hagdan at doob bumungad ang isang... malaki at modernong mansyon. Napaamang ang labi ko. How is this sophisticated mansion got in a isolated place? Mabilis lang namin tinakbo ang pagitan noon. Nang makasilong kami ay pareho kaming napahiwalay sa isa't-isa. Nagulat ako noong hawakan niya ang buhok ko. Malalim niya akong tinignan. "Basa ka," he pointed out. Malamig ang simoy ng hangin at hawak nito. But his glance... never failed to make me feel something warm and unknown. Bumaba ang kamay nito sa panga ko at seryoso niya iyong hinawakan. Bumaba ang mukha nito sa'kin. My heart went wild for what he did. Mariin niya akong tinignan. Napahinga ako ng malalim noong ilapit niya ang mukha ng dahan-dahan. Kita ko ang titig nito na nakatingin sa ibaba ng labi ko. "Let's go..." Umalis ito sa harapan ko. Nagising ako sa pagkaparalisa. Helena, anong ginagawa mo? Bakit... bakit hinahayaan mo siya? Pumasok ako sa loob. Bumungad ang maputing bahay. Tanging kaunting liwanag lang sa labas ang nagbibigay ilaw sa loob. Malinis at walang gamit ang living room niya. "Dito," bulong ni Isaac sa tenga ko. Napatalon ako noong makita ang lalaki sa likod. Gawa sa tiles ang sahig—kaya muntik na akong madulas kung hindi niya lang nasalo. "Why are you so scared? Wala nga akong... gagawin na hindi mo hihilingin..." Napalunok ako. Is he... seducing me? "Umakyat ka sa hagdan. Pag nakita mo ang unang kwarto, pumasok ka. May damit akong inilagay doon..." "Ang... bilis naman..." Takang sagot ko. Ang bilis naman niya kumilos? "You are spacing out too much," tugon niya. "Ikaw?" Tanong ko. Nilingon ako ng lalaki. Nagtatanong ang mata. "Ikaw? B-Baka... magkasakit ka..." "Are you inviting me to join you in your bath?" Natulala ako sa tanong niya. Ha? Nag-init ang pisngi ko at mabilis umiling. Hindi naman ganon! "H-Hindi!" "Oh," tunog disappointed. "Then go... in first. I can manage..." Dahil sa hiya ay nagdire-diretso na ako at hindi tinignan ang lalaki. Ano ba iyon, Helena? Bakit parang mali lagi ang dating ng sinasabi mo kay Isaac? O sinasadya niya iyon? Basa ang katawan ko. Ang puting dress ko na bigay din niya kanina ay niyakap na din ang katawan ko sa basa. Mabilis ang kilos ko at naligo. Lumabas ako ng kwarto na suot ang puting polo ni Isaac at wala ng iba pa. May dryer naman sa banyo kaya hinihintay ko ang undies. I was just waiting for it—and then suddenly, there was a power outrage. Namatay ang ilaw sa kwarto—madilim na noon kaya napatili ako. Naisip na naman ang takot sa halimaw. "What happened?!" Isaac's voice thundered. Mabilis akong lumapit sa lalaki at niyakap siya. Doon ako nagtago. "Dadating siya... Kukunin niya ako..." I mumbled my fears. Paano kung... nangyayari lahat ang kamalasan na ito sakin kasi dito niya ako kukunin? Papatayin? Hinaplos ni Isaac ang buhok ko. He hugged me possessively. "Sinong kukuha sayo, hmm?" Malambing na tanong niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม