Halos kalahating oras nagbabad si Lenna sa banyo bago lumabas. Nadatnan n'yang kahuhubad lang ni Dash ng t-shirt. Naiiwas n'ya ang tingin sa asawa. "Napainom na ba ng gamot si Alejandro?" tanong n'ya habang naghahanap ng maisusuot. Kanina'y ipinalipat ni Dash kay Tonet ang lahat ng gamit nilang mag-ina sa silid nito. "Katatapos lang. Si Mama na daw muna ang mag-aalaga sa apo niya." "Baka mapuyat ang Mama, Dash. Minsan ay nagigising ang anak mo ng hatinggabi." "Sasabayan lang naman 'yun ni Mama sa pagtulog. Ikaw rin naman mapupuyat," wika nito sabay ang pagngiti. Kahit s'ya man ay napangiti sa ibig nitong sabihin. Yumakap si Dash sa kanya at nagtanim ng mumunting halik sa pisngi at punungtainga. Ramdam n'ya ang init ng katawan nito mula sa dalawang brasong nakapulupot sa k

